Twitter: #Nevermore @EinahWP
➳ Untold Chapter 10
Pauwi na kami ngayon sa condo ni Tripp. Naisip kong tutal ay nakausap ko naman na si Clarine at para sa akin ay ayos na ang lahat, mabuti siguro kung sulitin na lang namin ni Tripp ang pananatili rito bago kami bumalik sa Negros Occidental.
Hindi ko inaasahang matatapos agad ang issue. At isa pa, ayaw ko rin namang palakihin ang sa aming dalawa ni Clarine.
Panay ang pagbuntong-hininga ni Tripp na mukhang sinasadya niyang lakasan upang makatawag pansin. Gusto ko na lang matawa sa ginagawa niya. Akala niya talaga ay masama ang loob ko sa kanya.
May naisip akong kapilyahan. Tingnan natin kung hanggang saan niya kayang magtiis.
Inihinto niya ang kotse sa isang gilid. Tulad ng kanina ay hindi ko na siya hinintay pang pagbuksan ako ng pinto. Paikot pa lang siya patungo sa side ko ay nakababa na ako.
Bumuntong-hininga ulit siya. Why so adorable, though?
Nilagpasan ko siya at inignora. Humabol muli siya sa paglalakad ko. Kalaunan ay naramdaman ko na ang isang braso niyang pumulupot sa aking baywang. Kahit na alam kong kating-kati siyang magsalita ay nanatili siyang walang imik hanggang sa makarating kami sa unit niya.
Dumiretso ako sa kwarto niya upang magbihis. Akmang huhubarin ko pa lang ang sundress nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Tripp.
Nanlaki ang mga mata niya nang madatnan ako sa ganoong sitwasyon.
"H-Hindi ko sinasadya." Tinalikuran niya ako at isinara ang pinto.
I chuckled. Ano kayang magandang gawin?
Imbis na damit ko ang isuot ay kumuha ako ng malaking sando niya at iyon ang ginamit. I didn't bother to wear a pair of shorts. I got out of the room with just his sando and my panties on. Ano kaya ang reaksyon niya?
Natunugan niya ang mga yabag ng paa ko kaya napalingon siya sa akin. Nakaupo siya sa sofa habang naka-de cuatro.
Napaawang ang mga labi niya.
Nagkibit ako ng balikat at umupo sa tabi niya. Napipi na yata ang isang ito, e. Umusog siya palayo nang kaunti sa akin. Gusto kong magtaas ng kilay pero pinigilan ko ang aking sarili.
Kinuha ko ang remote na nakapatong sa coffee table. Sinadya kong tumayo at pumwesto sa harap niya upang tumuwad. Kung minsan, naiisip kong hinawaan niya ako ng kawalan niya ng kahihiyan.
Hindi ako makapaniwalang ginagawa ko ito.
Narinig kong suminghap si Tripp. This time ay mukhang hindi na siya nakapagtimpi.
"Why are you wearing my sando? And please, wear a brassiere on," mahina niyang usal. "And your panties barely covered... fuck."
Namaywang ako sa harap niya. Imbis na sa mga mata ko ay sa dibdib ko bumagsak ang mga titig niya. Napakahusay mo talaga, Tripp.
"May sinasabi ka?" Mataray kong tanong.
Napalunok siya bago nag-angat ng tingin sa akin. "W-Wala."
Tumango ako. "Mabuti."
Umupo ako sa tabi niya. Sinigurado kong magdidikit ang mga balat namin. At nang mangyari nga iyon ay naramdaman ko ang paninindig ng kanyang balahibo. Napangisi ako sa isip. Binuksan ko ang TV at nagpanggap na naghahanap ng magandang palabas.
Tumikhim siya. "Magbibihis muna ako."
"Huwag ka nang magsuot ng pantaas," sabi ko habang abala sa paglilipat ng channel.
BINABASA MO ANG
Nevermore [Published]
General FictionYoung love needs dangers and barriers to nourish it. Jaspher Mae Mamorno isn't what everyone expects her to be. For her, living a normal life is too tough. She's very familiar with subjectivity, and she can't have anyone judging her for her life cho...