Twitter: #Nevermore @EinahWP
➳ Untold Chapter 6
"If I were you, papakitaan ko ng Caliber 45 ang hitad na iyon nang mabahag naman ang buntot ng gaga," ani Jee mula sa kabilang linya.
I told her about Clarine. She kissed my man not only once. Aba't gumugusto siyang masyado, ah? Hindi ko na palalagpasin ang isang ito. I want to talk to her, and no one can stop me. Ayaw naman akong pigilan ni Tripp dahil ayaw niyang pagdudahan ko na naman siya. Nagi-guilty tuloy ako. Pero ang gusto ni Tripp, sa oras na kausapin ko ang babaeng iyon ay nasa tabi ko siya. Baka raw kung anong gawin ni Clarine at wala siya.
Of course, the same old overprotective brute.
At baka mag-imbento ng kung anu-ano si Clarine. Iyon ang ikinatatakot niya. Medyo nainsulto pa nga ako noong una dahil parang ipinapamukha niya sa aking uto-uto ako. Malalaman ko naman kung nagpapanggap at trying hard ang isang tao. But he wouldn't give in. Gusto niya pa ring sumama.
Fine, then.
"Anong say ni Papa Tripp?" Kuryosong tanong ni Jee.
Napalabi ako. "He's okay with it, but he wants to go with me."
Napasipol si Jee at tumawa sa kabilang linya. "As usual."
Ngumuso ako at napailing. Teasing had been her hobby since forever.
"So, iiwan ninyo ang mga inaanak ko kapag luluwas kayo?" Jee inquired.
I sighed. Nilingon ko isa-isa ang mga anak namin na payapang natutulog. Lahat sila ay matakaw sa tulog. Nandito ako ngayon sa loob ng nursery. Kapapatahan ko pa lang sa pagpalahaw ng iyak ni Iñigo.
It really amazed me how Xairus could do it effortlessly, though. Noong isang araw na bumunghalit ng iyak si Iñigo ay si Xairus lang ang nakapagpalma sa kanya. I tried cooing and singing nursery rhymes to him, but nothing worked. Nanginig lang ang mga labi ni Iñigo habang nakatingin sa akin bago tumuloy sa pag-iyak.
Tapos ay isang buhat lang ni Xairus sa kanya noong kunin siya sa mga bisig ko ay agad na tumigil ito sa pag-iyak. Napanganga na lang ako. Xairus could do magics.
"Kung iyon ang tanging paraan para mapanatag ang loob ko," I paused. "Matagal ko nang planong kausapin siya noon pa man. I just had never got the chance to," paliwanag ko. "Alam mo namang maraming nangyari."
Gusto kong kay Clarine mismo manggaling kung bakit ginagawa niya ito. Why the hell would he kiss Tripp in the first place? Wasn't she informed of the words 'limits' and 'karma'? May mga anak na nga iyong tao!
Napatiim ako ng bagang.
Let's see if she has a valid reason for this. Kahit na alam kong walang excuse akong tatanggapin. Ano iyon? She'd tell me that her lips just slipped and all that? Damn it!
Kahit alam kong hinding-hindi magagawa ni Tripp na pagtaksilan ako, hindi ko pa ring maiwasan ang magselos. Bakit? What do you think would be Tripp's reaction once he caught me lip-locking with a guy? At hindi lang isang beses? Baka sumabog iyon sa galit at pagseselos. Napailing ako at bumuntong-hininga. Am I not allowed to get jealous?!
Alam kong nag-eenjoy din si Tripp sa nararamdaman kong pagseselos ngunit sa kabila niyon ay alam kong hindi niya rin gustong iparamdam sa akin ang bagay na iyon. Baka kung anu-ano na naman ang tumatakbo sa isip niya na posibleng gawin ko dala ng selos.
I rolled my eyes.
Ang gwapo naman niya kung matindi ako magselos. Wow na lang.
"Sus," Jee snorted. "Let me tell you something, alright? Listen very well because this shit is about to go down," Utas niya.
BINABASA MO ANG
Nevermore [Published]
General FictionYoung love needs dangers and barriers to nourish it. Jaspher Mae Mamorno isn't what everyone expects her to be. For her, living a normal life is too tough. She's very familiar with subjectivity, and she can't have anyone judging her for her life cho...