Untold Chapter 15

43K 1.2K 133
                                    

Twitter: #Nevermore @EinahWP

➳ Untold Chapter 15

Abala ako sa pagtanaw sa mga anak naming naglalaro sa damuhan. Naglalaro ito ng mataya-taya at si Prince ang IT sa kanilang tatlo. Nakatirik ang araw subalit hindi nakapapaso ang init niyon.

Napalilibutan kami ng maraming puno at mga halaman. Malakas ang hangin. Hindi alintala sa mga pumupunta rito ang kasikatan ng araw. The fresh air calmed my nerves. I could live here forever. With my kids. With my man.

Nasa Central kami ngayon, isang maituturing na chill place sa Crossing Tanduay. Malawak na lupa na halos isang hektarya siguro ang laki nito. Maintained ang damo at nag-uumpisa na ring magtanim ng ornaments ang local officials.

This is to attract tourists.

Naglatag ako ng isang malaking blanket at umupo roon. Isa-isa kong inilabas ang mga laman ng basket—na halos puro pagkain at inumin lang naman. Nakahiwalay sa isang gilid ang dinala kong extra t-shirts at bimpo para sa mga anak namin.

I felt Tripp sit down beside me. Hindi ko siya tinapunan ng tingin ngunit damang-dama kong halos lusawin na ako ng mga mata niya. Ipinuwesto ko sa isang tabi ang mga pagkain.

Nagbukas naman ako ng isang bottled mineral water. Nilagok ko iyon habang pinagmamasdan ang mga anak naming naghahabulan. My sons are really enjoying this, huh? I suddenly felt stupid for leaving Duke behind.

I tried to close my eyes and compose myself. This is not the time to take the blame. Your son insisted to visit Jek, his cousin. Do not overthink it, Mims. You're here to unwind and finish your remaining workload. No drama. That's it.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Tripp. "Is this because of Nicole?"

I smirked bitterly. "Who is Nicole to you anyway?"

"Mims—"

Nilingon ko si Tripp. "Just answer it. For once, can you get straight to the point? Quit with the charms and all," diretso kong sinabi.

Napailing si Tripp at wala sa sariling pinasadahan ng palad ang kanyang buhok. Kitang-kita ko ang paghihirap sa mukha niya. Hindi naman siya magkakaganyan kung wala lang namamagitan sa kanilang dalawa, hindi ba?

"Valderama is no one to me," kalmado niyang sagot. "She's a possible big-time buyer. Gusto niyang magpaangkat ng mga prutas para sa supermarket na pagmamay-ari nila," dagdag ni Tripp.

Nagkibit-balikat ako. "Sweet," I commented.

"Please try to be mature, Mims. I don't do monkey business. Sa mundong ginagalawan ko ay mahalaga ang mga taong katulad niya. She meant cash money," he explained, trying to knock some sense into my obviously petty brain.

Natahimik ako ng ilang segundo. I heard him sigh again before I felt his arm around my waist.

"Okay," I whispered, defeated.

"Alam mo namang ikaw lang, hindi ba?" Bulong niya sa aking tainga.

I seriously want to cry right now, Tripp. I feel dumb, shallow even. Taon na ang nakalipas pero pakiramdam ko ay laging ako ang mali sa tuwing magkakaroon tayo ng pagtatalo. Ang tingin mo sa akin ay bata pa rin. Childish. Immature.

"Namiss kita. Sobra. This may sound selfish, but I wish that someday you'll no longer have to leave my arms. I'm waiting for that to happen. Huwag na tayong mag-away. I already felt bad for not replying..." Huminga siya nang malalim at naramdaman ko na lang na umangat ang buo kong katawan.

He placed me above his lap and made me face him.

Kinagat ko ang aking labi. "She touched you inappropiately. Mababaw man iyon sa paningin mo pero hindi ko mapalalagpas iyon," I muttered in a weak voice.

Nevermore [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon