Twitter: #Nevermore @EinahWP
➳ Untold Chapter 4
Isa-isang dumating ang mga bisita sa loob ng simbahan. Nakapwesto ako sa entrance at nakangiting binabati ang mga dumarating. Halos lahat ay mga kakilala ni Tripp—business partners; college friends; close friends. Pili man ang mga imbitado sa binyag ng mga anak namin ay marami pa rin sila. Hindi ko na rin mabilang kung ilan na ba ang nangitian ko sa kanila.
Dito gaganapin sa isang simbahan sa Crossing Tanduay ang Christening. Mukhang pinanindigan na talaga ni Tripp ang kagustuhan niyang dito simulan ng mga baby namin ang lahat.
"Oh, look what we have here," anang baritonong boses.
Nawaglit ang atensyon ko sa iniisip at bumaling sa entrance. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pinsan ni Satanas; si Maddox Cervantez. Napawi ang ngisi ko at lalong nalukot ang mukha nang maaninag kung sino ang kasama niya. Oh, wow. No other than the song of Lady Gaga.
Ale, Alejandro. Just... what the frigging hell?
"Hola," nakangising bati ni Alejandro sa akin nang tuluyang makalapit. Umismid naman si Maddox sa kanyang tabi. Mula sa likod ay biglang lumitaw naman si Lennox na nakikipagkwentuhan kay Xairus.
Bumaling ako kay Maddox na siyang matiim nakatitig sa akin. Tulad noon, mahirap pa ring basahin ang kanyang mga mata. Tumikhim ako at hilaw na ngumisi.
"Welcome."
Naramdaman kong may pumulupot na mga braso sa aking baywang mula sa likod. I suddenly felt calm and comfortable. Hindi ko na alam kung anong mayroon kay Tripp at Maddox Cervantez. Ngunit may hinala na ako; they remained friends.
Pwede na silang modelo ng friendship goals sa totoo lang.
"Mabuti at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko." Narinig kong sambit ni Tripp mula sa likod ko.
So, si Tripp pa pala ang nag-imbita sa kanila rito? Hinahamon ba ako ng kulugong ito?
Nakita kong bahagyang yumuko si Alejandro bago sumaludo. Nang makalapit sa amin sina Xairus at Lennox ay ngumiti ang huli sa akin at saka tumango kay Tripp. Pagkatapos niyon ay nilagpasan niya kami at dumiretso na sa loob.
Naiwan si Xairus na napakamot sa batok. "May utos ka pa ba, Kuya?"
"Oo. Samahan mo si Joyce roon sa loob na nagbabantay sa mga pamangkin mo," masungit na utos ni Tripp.
"Oh-kay." Pagak na tumawa si Xairus at dumiretso na rin sa loob.
Naiwan muli kaming apat. Nanliit ang mga mata ko nang mapansin ang pag-angat ng sulok ng labi ni Maddox. Wala talaga akong tiwala sa lalaking ito. Hindi ko alam kung paano pa nila ni Tripp napanatili ang pagkakaibigan nila sa kabila ng ginawa niya sa aming dalawa.
"Of course, I'll go. I don't want to miss out on the Christening of my godchildren," walang emosyong sinabi ni Maddox.
Nanlaki ang mga mata ko. Godchildren?! Magiging ninong siya ng mga baby namin?!
Napakahusay mo talaga, France! Wala na akong masabi. Ni hindi mo man lang kinunsulta ang magiging reaksyon o desisyon ko sa bagay na ito.
Narinig ko ang halakhak ni Tripp mula sa aking likod. Hinapit niya ang katawan ko. Yumakap siya sa akin bago iniyuko ang kanyang ulo sa aking leeg. Marahan siyang kumagat sa aking balikat. Tumindig ang balahibo ko at natatarantang nilingon si Maddox. Nakita kong tumaas ang kilay nito.
Uminit ang pisngi ko. "Tripp!"
"What?" Humalakhak siya bago lumipat sa aking tabi. He placed his calloused hand on the small of my back.
BINABASA MO ANG
Nevermore [Published]
General FictionYoung love needs dangers and barriers to nourish it. Jaspher Mae Mamorno isn't what everyone expects her to be. For her, living a normal life is too tough. She's very familiar with subjectivity, and she can't have anyone judging her for her life cho...