Twitter: #Nevermore @EinahWP
➳ Untold Chapter 14
I couldn't stay calm no matter how badly I wanted to. Namamawis ang aking mga palad habang nakatulala sa alapaap. Tripp wouldn't do that to me. Matapos ang lahat ng pinagdaanan namin, panatag na dapat akong hinding-hindi niya ako magagawang pagtaksilan.
I conceived our children. I gave him sons. Four sons to be exact. Hindi ko alam kung paano niya makakayanang mangaliwa nang hindi muna pinag-iisipan iyon. Besides, I don't even have to get my sons involved in this matter to guilt-trip him. If he truly loves me, he will never cheat.
Cheating is the most disgusting, hurtful and disrespectful thing you could do to someone you claim you love. Sa mga nakaraang rebelasyon ni Maddox, napatunayan na ni Tripp kung gaano siya katapat sa akin. I shouldn't be questioning his love for me right now.
Kung bakit ba ako masyadong binabagabag ng sinabi ng anak ko ay hindi ko na alam. Maybe because kids do not lie. They easily believe what they see. At hindi naman magiging emosyonal ang anak ko nang ganoon kung walang mas malalim na dahilan upang iyakan niya iyon at pauwiin ako.
Damn it! Pumikit ako nang mariin at sinariwa sa aking imahinasyon ang masasayang alaala naming dalawa. Wala nang ibang pumupukaw sa diwa ko kundi ang katotohanang hindi niya nga ako nagawang lokohin noong wala pa kaming mga anak, ngayon pa kayang mayroon na?
I mean, men can't be that stupid, right? Bakit pa sila gagawa ng kalokohan na alam nilang sila ang magiging dehado at talo? And all that cheating does is just complicate things! Tripp doesn't like complications. At iyon na lamang ang pinanghahawakan ko.
But deep down, in the pit of my stomach, it feels hollow. I'm still bothered. I quickly murmured a small prayer in hopes that I would feel better—that this strange, nagging feeling would go away.
I heaved a huge sigh and forced myself to take a nap. This is just stress. I repeat, this is just stress. Masyado lang akong nag-ooverthink kahit na wala namang magandang maidudulot iyon, mentally and emotionally.
Hindi ko namalayang nakatulog lang ako sa flight. I knew it. Stress was just trying to consume my whole being. I woke up feeling better. And stop worrying, Mims! Hindi ba dapat ay buo ang tiwala mo sa future husband mo? Of all people, you knew Tripp damn well.
Sana nga...
Nang makapag-landing na ang eroplano sa BCDA ay agad akong nakahanap ng taxi na masasakyan. Halos kaedad na ni Daddy ang driver at mukhang matino at nagtatrabaho nang marangal naman ito. I offered a warm smile and told him to go to the city proper.
My paranoia didn't help a bit. Hindi na ako nakapagligpit ng bagahe nang maayos kanina sa bahay dahil halos liparin ko na ang daan patungo sa NAIA. Prince got me then and there. Dahilan upang mag-block out ako sa lahat. Nakalimutan ko nang bilhan ng pasalubong ang mga anak ko.
"Negros ang probinsya ninyo, Ma'am?" Nakangiting tanong ng taxi driver.
I snapped out of my thoughts and turned to look at him. "Hindi po," payak kong sagot.
"Oh!" Tumawa ito. "Turista po, Ma'am?" Segunda nito.
Umiling ako. "Probinsya ho ito ng asawa ko. Uuwi lang ho ako ngayon," kalmado kong saad.
Bahagyang nanlaki ang mga mata nito nang banggitin ko ang salitang asawa. I knew from that very moment that I was being judged wrongly. But what do I care? Hayaan mong mali ang isipin nila dahil sa huli, sila pa rin naman ang mali.
Tumikhim ang taxi driver upang kunin ang atensyon ko. "Tatay Ronaldo na lamang ang itawag mo sa akin, Ma'am." Tila lumambot ang boses nito. "Paumanhin at mukhang hindi mo nagustuhan ang naging reaksyon ko. Naisip ko lang na mukhang ikaw ay bata pa."
BINABASA MO ANG
Nevermore [Published]
Genel KurguYoung love needs dangers and barriers to nourish it. Jaspher Mae Mamorno isn't what everyone expects her to be. For her, living a normal life is too tough. She's very familiar with subjectivity, and she can't have anyone judging her for her life cho...