Twitter: #Nevermore @EinahWP
➳ Untold Chapter 19
They say time flies when you're happy.
At mukhang may katotohanan nga iyon dahil mabilis na lumipas ang isang buong linggo na parang inutot ko lang.
Hanggang sa Candoni lamang ako inihatid ni Tripp kasama ng aming mga anak. Narito kasi ang bus terminal. Malabong maihatid ako ni Tripp sa airport kasama ang mga bata dahil mahigit limang oras na biyahe ang kailangan kong tahakin upang makarating sa Bacolod.
Nakabukod pa roon ang byahe papuntang BCDA at may kalayuan din ang airport sa drop off point ng bus. Our kids won't be comfortable with it. Hindi sanay ang mga ito sa malayuang biyahe. And I don't want them to go through all those troubles just to escort me all the way to the airport.
Tripp insisted to use the chopper, though. Maagap ko namang tinanggihan iyon dahil sa tingin ko ay mas doble ang paghihirap kong makaalis kung masasaksihan ito ng mga anak ko.
Tulad ngayon.
"Mommy," Baron cried quietly. "Please don't go. You don't have to go." He hiccuped, then continued crying helplessly in the crook of his father's neck.
Panay naman ang pagpapakalma ni Tripp dito. Sa tatlo naming anak ay si Baron ang pinakaapektado sa pag-alis ko.
Umigting ang aking bagang. It hurts to see him cry like this. Na para bang napakasama kong tao kung pipiliin ko pa ring umalis matapos kong masaksihan ang pagpalahaw ng iyak ng aking anak.
"Mommy will come back," Prince said softly, his voice cracking. "She will always come back." Tumingala ito sa akin at tumakbo upang yakapin ako sa mga hita.
Earl was unusually quiet. Hawak nito ang isang kamay ni Tripp dahil ang isang braso ng kanyang ama ay karga ang umiiyak na si Baron.
I felt my heart break into thousand pieces. They are my precious. Habang tumatagal na narito ako ay mas lumalala ang pagnanais kong huwag na umalis.
But I need to. I have to.
"Babalik si Mommy, and this time, kasama na si Duke!" I tried cheering them up but my sons weren't buying it.
They are too caught up in the fact that I'm leaving. Again.
When Tripp saw how conflicted I was, he took the initiative and said, "Dry your tears, boys. Your Mom has to leave for now." May pait ang boses ni Tripp kaya't umiwas siya ng tingin sa akin.
I understand, baby. Babawi ako.
Halos tumagal pa nang kalahating oras ang pananatili ko upang tulungan sa pagpapatahan ng aming mga anak si Tripp. Gusto kong umalis nang hindi mabigat ang loob ng mga anak namin.
Among the three, si Baron ang dumibdib talaga sa muli kong pag-alis. Wala sa sariling pinahid ko ang aking luha habang nakatulala sa alapaap.
Sometimes, I would like to blame myself for this mess. I could have done better. Kung may nakalaan lamang ako na plano para sa aking sarili noon, hindi sana ganito ang nangyayari sa buhay ko ngayon.
Marami akong natutunan sa buhay na pinili ko. I thought living a normal life was easy. Mag-aral, kumain, magmahal, magkaroon ng anak, maging masaya. I realized it wasn't too simple.
Kung ang kahihinatnan din naman ng paglisan ko ay ang makapiling sila sa huli—I think I can endure it. Because sometimes, leaving is the only way to be there for someone.
"Mommy?"
Ngumiti ako kay Duke.
Nagpasya akong gabi ko na susunduin si Duke upang makapagpahinga muna ako saglit sa bahay. Nasa tatlong oras din ang tulog ko.
BINABASA MO ANG
Nevermore [Published]
General FictionYoung love needs dangers and barriers to nourish it. Jaspher Mae Mamorno isn't what everyone expects her to be. For her, living a normal life is too tough. She's very familiar with subjectivity, and she can't have anyone judging her for her life cho...