Twitter: #Nevermore @EinahWP
➳ Untold Chapter 7
"I miss you, Manila," sigaw ko sa buong airport nang lumapag na ang eroplano.
Hindi namin ginamit ang private jet ni Tripp dahil dinala raw ito ni Gregory patungong Italya. Nagkibit ako ng balikat. Napansin kong isang napaka-busy na tao pala siya.
"Tsss." Dinig kong utas ni Tripp.
Nilingon ko siya at tiningnan nang masama. Napaka-KJ talaga ng isang ito. Palibhasa gustong manatili kami sa Crossing Tanduay hanggang sa lumaki ang mga anak namin.
Bitbit niya ang maliit na luggage naming dalawa. Hindi naman kami magtatagal dito sa Manila. Hindi ko rin kayang mawalay sa mga baby namin. Hindi ganoon kapanatag ang loob ko sa tuwing hindi ko sila nakikita o nakakasama.
"Ano? Na-set mo na?" Mataray kong tanong at saka um-abrisiete sa kanya.
Tumigil kami sa paglalakad sa tapat ng isang kulay abong Jaguar. Kung hindi ako nagkakamali ay kay Waderick ko ito huling nakita noong binyag ng mga anak namin ni Tripp sa Crossing Tanduay. Aba't hindi niya maiwan, ah? Laging dala-dala kahit saan.
Pinagbuksan ako ni Tripp ng pinto ng kotse. Binitiwan niya muna ang bitbit at iginiya niya ako papasok sa loob. Ngumiti ako kay Waderick na mukhang bagong gising pa lang. Naka-sando lang ito na pinaresan ng boxer shorts. Napailing ako. Ito talagang si Tripp, walang pinipiling oras sa pang-iistorbo sa mga kapatid niya.
Inilagay ni Tripp ang bagahe namin sa compartment bago pumasok sa loob at tumabi sa akin. Inakbayan niya ako at walang pasabing humalik sa leeg ko na parang walang Waderick na nag-eexist sa loob ng kotse.
"Tripp," saway ko bago sumulyap kay Waderick. Hinawi ko ang kanyang mukha palayo sa aking leeg.
Napasimangot siya at matalim na tiningnan si Waderick na nakakunot ang noong nakamasid sa aming dalawa ni Tripp mula sa rear-view mirror.
"What are you waiting for? Magmaneho ka na," iritadong singhal ni Tripp.
"Nakikisakay ka na nga lang," bulong ko.
Bumaling si Tripp sa akin. "Kung nambabae ako at hindi nagseryoso sa trabaho, paniguradong wala siyang kotse." Inirapan niya si Waderick.
Napangiwi ako. "Mambabae pala, ah?" Nagtaas ako ng kilay.
"Oh, bakit?" Mapanghamon niyang sagot. "Alam mong ikaw lang. Huwag mo akong tinatakot-takot, Mims. Baka kalimutan kong nandito ang kapatid ko at angkinin ka rito."
Uminit ang pisngi ko at sinapak siya. Sumulyap ako kay Waderick at nakita kong may sumilay na ngisi sa kanyang mga labi habang umiiling.
"Wala ka talagang kahihiyan." Pinandilatan ko si Tripp.
Bumaba ang titig niya patungo sa dibdib ko. "Magkakahiyaan pa ba tayo?" Tumaas baba ang kanyang mga kilay.
Napasinghap ako at tinakpan ang aking dibdib gamit ang mga braso. "Umayos ka nga." Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko sa sinasabi ng kulugo na ito.
"Maayos naman ako." Ngumisi siya.
Umirap ako at umusog palayo sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at halos gitgitin niya na ako sa pinakagilid. Kulang na lang ay mag-isa na kami ng bintana.
For goodness' sake, Tripp. Bakit ang isip-bata mo pa rin hanggang ngayon?
"Kaunting space naman diyan?" Itinulak ko siya. Hindi naman siya nanlaban.
"Gusto ko—"
"I don't care." I shot him a glare.
Nagtaas siya ng dalawang kamay at natatawang umiling. Narinig ko ang halakhak ni Waderick. Sisinghalan ko na sana siyang huwag siyang nakikitawa sa pamumuwisit ni Tripp nang mapansin kong may suot siyang earphones.
BINABASA MO ANG
Nevermore [Published]
General FictionYoung love needs dangers and barriers to nourish it. Jaspher Mae Mamorno isn't what everyone expects her to be. For her, living a normal life is too tough. She's very familiar with subjectivity, and she can't have anyone judging her for her life cho...