Twitter: #Nevermore @EinahWP
➳ Untold Chapter 17
Ni-isang beses ay hindi pumalya ang mga anak ko sa pagsisimba tuwing linggo. Alam na alam ng mga ito kung anong oras gigising upang dumalo sa simbahan.
Apat na taong gulang pa lamang sila ay sinanay na sila ni Tripp sa pagpunta roon. Wala namang reklamo masyado ang mga bata sa kagustuhan ni Tripp sapagkat istrikto ang kanilang ama.
Tripp knows how to spoil his sons. He gives almost everything they wish for. Ngunit pagdating naman sa mga batas na ipinapatupad ni Tripp, mabilis na tumitiklop ang mga anak namin.
Nang matapos kaming magsimba ay halos makiusap ang mga anak namin na kumain sa Fiesta Minore. It is a 15 minute ride away from Central. Agad namang pumayag ang kanilang ama.
I told you.
Habang nasa sasakyan ay panay ang kulitan ng mga chikiting sa likod. Ako ang katabi ni Tripp sa front seat. Inabala ko ang aking sarili sa pagtanaw sa kawalan sa bintana.
I felt Tripp hold my hand as he changed gears expertly. His full attention was on the road. Sumulyap siya sa akin nang saglit at muling ibinalik ang tingin sa daan. He was grinning like an idiot.
Napairap ako sa kawalan. "Stop it, France. You look stupid, trust me." I toned down my voice at the bad word part. I can't risk my sons hearing that. They would probably imitate the word.
"What?" Tripp questioned, smirking. "I feel happy. Bawal na bang ngumiti ngayon?" Tanong niya habang umiiling. Napakagat siya ng labi nang mapansing nakamasid pa rin ako sa kanya.
"In love na in love, ah?" Mapang-asar niyang sinabi. "Natutulala na naman sa akin ang Misis ko," halakhak niya. God! Tripp is so full of himself. Hiyang-hiya ang bagyo sa lakas ng isang ito.
"You're one aggravating man," I retorted back. "Kung sa bagay, ganoon naman talaga kapag tumatanda na, right?" Patay-malisya kong tanong. He has always been sensitive about his age.
And my age.
Kunot-noong sumulyap sa akin si Tripp. He looked bothered by my statement. Hindi ko napigilang matawa sa kanyang facial expression. Umigting ang kanyang panga at hindi man lang ako pinansin.
See? Topakin talaga ang mga matatanda.
"Do you want a repeat of last night? Upang maipaalala ko naman sayo kung ano ang kayang gawin ng matandang sinasabi mo," medyo pagalit niyang utas. But I could see amusement in his eyes.
Wow! Palaban na siya!
Nagkibit-balikat ako. "Huwag na. You should rest. Madali ka nang mapagod. Signs of aging, you know?" Tumawa ako. Tripp's reaction was priceless. He looked very offended. His jaw kept moving.
"Don't say that," Tripp warned, his voice strained.
"Pikon," I teased, laughing lightly. "Don't worry. I'm like, twenty-two. Kaya mo naman akong sabayan." Kinagat ko ang aking labi. Hindi nag-react si Tripp. Walang pagbabago. Asar talo pa rin.
Kinurot ko ang kanyang braso sa panggigigil at naglalambing na tumingin sa kanya. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya sa sarili upang lingunin ako at pagmasdan ang pag-make face ko.
"Daddy, I want a drone," Prince rambled, toying with his seatbelts.
Tripp grunted. "Okay."
"What?" I asked, still shocked. "Tripp, you can't always say yes and okay to your sons' whims and caprices. Lalaking basagulero ang mga iyan once na hindi mo na mapagbigyan," I explained.
BINABASA MO ANG
Nevermore [Published]
General FictionYoung love needs dangers and barriers to nourish it. Jaspher Mae Mamorno isn't what everyone expects her to be. For her, living a normal life is too tough. She's very familiar with subjectivity, and she can't have anyone judging her for her life cho...