*************
*****************
******Pia
Kinabahan bigla ako habang naghihintay kay Olivia... Ano kayang nakain nya .. biglang nag aya sa akin ngayon... Fc na talaga siya... Ay bakit kinabahan ako.. feeling ko naman may mangyaring masama o excited lang na makita siya ulit. Ang mga ngiti niya ang mga mata niya ang maganda nyang mukha .... Para naman akong temang dito na nakangiting mag isa....
May pumarada ng sasakyan sa harapan ko.... Si Olivia.. Lumabas siya at agad nginitian ako... Hayst! Ito na naman nag ngiti niya... Sinuklian ko din ang ngiti nyang nakakamatay!
"Hi Pia so .. lets go." tumango lang ako sabay ngiti sa kanya ....
At pumasok na kaming dalawa sa sasakyan niya... Ang bango ng sasakyan niya ah! Wow pinaghandaan talaga... Agad nyang binuhay ang makina at umalis na kami... Ngayon ko lang napansin ang sexy nya pala.. Chix ! Ang landi ng iniisip ko...
"Ahm Pia. Thank you pala huh sinamahan mo ako today ayuko lang kasing mag isang mamasyal .. mga friends ko busy... Sana di kita nadisturbo." sabay lingon ni Pia sa akin ... Ang lips nya... ang pula .. "Pia are you okay? May dumi ba sa mukha ko."
"Huh? Ahm huh wala ... Sori... anu nga yung sabi mo?" o ayan kung makakatitig kasi sa lips wagas!!
"Wala ... sabi ko maganda ka." at ngumiti siya sa akin... lumandag naman ang puso ko... Ang bait ang ganda pa wala na akong masabi sa babaeng ito kaya nga magaan ang loob ko sa kanya... kinikilig tuloy ako bigla ....
"Saan tayu pupunta?"
"Secret. Ako bahala .. just sit back and relax." sabay kindat niya... Juice ko po .... napalunok ako dun ah.
Pinarada nya ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant... Kumain kami.. Pagkatapos isang salon naman ang pinasok namin... Nahiya tuloy ako... Siya nag bayad lahat...
Matapos naming makapagsalon... Pumasok kami sa isang mall... Nagshopping siya at binilhan din nga ako ng damit... Ehhhh nahihiya na ako ... at bagong shoes pa para daw sa pag aaral ko.... Hayst ang bait ng babaeng ito ang ganda pa.. Binihag na nya yata ang puso ko......
Pagabi na ...
Ang rami naming nagawa sa araw na to.. Ang saya pala niyang kasama... Yung habang nagsasalita siya hindi mo makuhang kumurap man lang... Nakatitig ka lang sa mga labi niya sa mga ngiti niya.... Ay naku Pia! Adik kana !
Binaybay na namin ang daan pauwi ... Ihahatid na namn niya ako sa amin... Gusto ko rin naman.. Gustong gusto ...
"Thank you Pia sana nag enjoy ka kasi ako sobrang nag enjoy." sabay ngiti nya na pag ka laki laki abot tenga .....
"Salamat Olivia... Masaya ako.. dahil nakita kitang masaya." sambit ko sa kanya.. talagang nasabi ko yun...
Napalingon si Olivia sa akin... Ehh bakit yun ang nasabi ko ... Di ko na alam kung pano bawiin nasabi ko na eh. Napayuko nalang tuloy ako.
"Huh? Ano yun Pia?"
"Ah wala sabi ko... maganda ka." ay salamat naman at di nya narinig .. oh gusto lang nyang ipa ulit ang sinabi ko... Ito rin si Olivia oh....
"Thank you."
"Yur so pane!" tugon ko sa kanya...
"What Im funny?!"
"Uu Yur pane... panewalin!"
At napatawa siya ng malakas. Juice ko... Bakit maganda pa rin siya kahit tumatawa ng malakas asan ang hustisya.
Pinarada nya agad ang sasakyan sa tapat ng eskinita..... Nagpasalamat agad ako kay Olivia.. Lalabas na sana ako ng sasakyan ng mahawakan nya ang braso ko... Napatingin ako sa kanya...
"Wait! I have something for you." at may kinuha siy sa bag niya ... Sabay abot sa akin ang isang cellphone? "Hindi ko na ito ginagamit... Sayo na para matext at matawagan kita anytime Pia."
"Huh?!"
"Please tanggapin mo db gusto mo masaya ka pag masaya ako. Ikakasaya ko pag tatanggapin mo tong cellphone."
Uu gusto ko siyang mapasaya..Gusto kung makita siyang masaya kaya tinanggap ko ang ibinigay niya...
"Salamat." tipid na tugon ko sa kanya... at dinampian ko ng halik ang labi nya... ang bilis ng mga pangyayari nahalikan ko ang labi niya...Hinalikan ko si Olivia.... "Sori." hindi ko siya nakuhang tingnan na at nagmadali na ako lumabas ng sasakyan.. Hindi ko na siya nilingon pa.. Nagmadali na akong pumasok ng eskinita at napansin ko nalang na may sasakyan na umalis.
Bakit ko siya hinalikan... Ano ang nagtulak sa akin para gawin ko yun sa kanya... Hayst!