~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~
~~~~~~~Pia
Desisyon ni Nanay na lumayo muna kami.. Sumang ayon naman si tatay ... Kahit nga sa kasal ni Olivia hindi kami pupunta dun.. Ang Kj lang pero okay lang naman kasi sasaktan ko lang ang sarili ko...
Ngayon andito kami sa probinsya .. Malayong malayo sa siyudad .. Pinaglayo talaga kami ni Olivia.. Gusto ko mang hindi sumama dito pero tama naman sila nanay eh.. mas makakabuti ito sa akin .. sa amin ni Olivia... Babalik lang kami dun pagkatapos ng kasal.. Ang saklap lang.. Iniisip siguro nila na ititigil ko ang kasal! Hindi ko naman yun gagawin ...
At sigurado ako ngayon na hinahanap na ako ni Olivia .. Hindi na niya ako matawagan o matext kasi binalik ko na sa kanya ng cellphone niya...
Ganito bah ka palabiro ng tadhana? Sa dami daming tao sa mundong ito .. Si Olivia pa ang naging kapatid ko ?! Ang saklap lang talaga isipin...
"Pia lumilipad na naman yang isipan mo?"
"Wala Nay okay lang ako."
"Siguro naman naiintindihan mo kung bakit ko ito ginagawa ?"
"Uu ... naintindihan ko naman Nay.."
"Kaya wag ka nang magsenti dyan... Mag ayos ka at samahan mo ako sa palengke may bibilhin tayo."
Napabuntong hininga nalang ako... Tanggapin ko nalang lahat na ganito na ... Magkapatid kami .. Pareho kami ng ama.. at hindi talaga pwedeng maging kami kahit baliktarin man ang mundo...
"Pia sige na mag ayos kana."sigaw ni Nanay
"Opo Nay! ito na ."
Nagmadali naman akong nag ayos para samahan si Nanay sa palengke .. Bagong buhay na ba ito.. Bagong mundo? Ay wag ko na nga lang munang isipin malay natin dito ko mahahanap si pag ibig ko... Baka tindera ng isda sa palengke... malay natin....
Nakarating na kami ni Nanay sa palengke ... Ang rami niyang kakilala huh !? Bilib talaga ako kay Nanay...
"Pia halika ipakilala kita sa kababata mo... Natandaan mo nuon naglalaro kayo sa dalampasigan mga bata pa kayo!"
"Nay kababata? wala akong matandaan nay at lalong wala kang nabanggit na tumira tayo dito o sa tabi ng dagat! Nagbibiro ka Nay?!"
"Pia hindi ko lang nabanggit sayo nuon! Rami mong satsat halika pakilala kita!"
At agad akong hinila ni Nanay sa may pala isdaan sa palengke ... Oh db sabi ko kanina baka tindera ng isda ang magiging pag ibig ko... Ang dali naman dininig ng Dios .. ganun ako kalakas kay God! Natawa nalang ako ...
"Pia si Mira ... kababata mo anak!" tindera ng isda ang kababata ko... Nakatingin lang ako sa kanya kasi wala talaga akong natandaan na Mira o kababata... "Pia hoy!"
"Ay Nay sorry... H-Hi Mira ?!" pilit ang ngiti ko..
"Pia ? Ikaw na ba yan?!"
"Ay hindi hindi!" biro ko sa kanya kasi kung naka Pia eh wagas ang sakit sa tenga ...
"Pia? Kumusta kana... Ang ganda ah! Naks ! bigtime!" ang daldal ng babaeng ito...
"O-okay lang ako....
"Pia dyan ka muna.. Magkwentuhan lang muna kayo ni Mira balikab kita dito maya!"
At tumalikod na si Nanay at naiwan namn ako dito sa kababata ko daw! talaga lang huh ang madaldal na ito.... Pero maganda naman siya kahit papano...
"Pia ano na ? Anak ka pala ng Don sa siyudad ah!"
"Ah hehe hindi naman... sakto lang!" hindi lang madaldal tsismosa pa ..
"Sakto lang?!"
Tiniis ko nalang ang madaldal na ito... Kahit papano napatawa naman niya ako.. Nakalimutan ko problema ko pansamantala...
Bumalik na si Nanay at nagpaalam na ako kay Mira ... Natatawa ako sa kababata ko.. Pero kahit anung pilit kung isipin wala talaga akong maalala na Mira ... Mmmm baka pakana na naman to ni Nanay..... Gagawin talaga lahat para makalimutan ko ang naramdaman ko kay Olivia.... Si Olivia.. kumusta na kaya siya... Nag alala na yun panigurado... Hayst!