Chapter 35

6.9K 143 3
                                    

~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~
~~~~~~~~
~~~~~


Pia

"Nay si Olivia." nang makauwi na kami ni Olivia.. Dumeretso kami sa bahay namin para makausap si Nanay...

"Nay Patty ... im sorry po kung tinakas ko si Pia... andito po kami para kausapin po kayo sa lahat po ng mga nangyayari."si Olivia

"Alam ko na ang lahat... Sinabi na sa akin ni Roberto! at salamat naman na naisipan nyo pang dalawa na umuwi.. nag alala kami sa inyo pati ang mga magulang mo Olivia..."

"Alam ko po yun Nay kaya po andito na kami para harapin na po lahat... "

"Nay kami na po ulit ni Olivia... Sana po hindi na po kayo maging kontrabida Nay ah .. hindi kami magkapatid! Wag ka ng kj Nay."
nagkatinginan naman kami ni Olivia...

Seryuso ang mukha ni Nanay.... Kinabahan tuloy ako...

"Pia .. anak.. alam mong mahal na mahal kita... Kaya kung saan ka masaya anak andito lang ako palagi sa likod mo nakasuporta at nakagabay sayo! Olivia mahalin mo tong Pia ko kahit matigas ulo nyan minsan mahal na mahal yan!" at napaiyak si Nanay... best actress talaga nanay ko...

"Makakaasa po kayo Nay Patty." sagot naman ni Olivia sa kanya..

Agad naman akong tumayo sa kinauupoan ko at niyakap si Nanay....

"Ikaw talaga Nay... nahawa kana ng mga teleserye na pinapanuod mo.. iyakin kana din..." pabiro ko kay Nanay habang yakap yakap ko siya...

"Patty? Patty?"

Naputol lang ang moment namin ni Nanay ng may taong dumating....

"Sir Roberto pasok ka." Andito na anak mo."

Si Tatay?

Nagulat naman ako sa gwapo ng tatay ko kaya pala ako maganda... Magkamukha kami ni Tatay... At may dala pa siyang flowers ...

Nakangiti siya agad ng makita ako ...

"Pia anak? ikaw na ba yan?"

Agad kung niyakap si Tatay.....

At nang matapos ang yakapan namin... Inabot naman niya kay Nanay ang flowers na dala niya... Nagkatinginan kami ni Olivia.... Pumapag ibig na ata Nanay ko.....

Napangiti nalang kami ni Olivia sa dalawa....

Nagkausap kami ni Tatay ng masinsinan na kaming dalawa lang habang si Nanay naman at si Olivia nasa kusina nag hahanda nga hapunan namin.....

Ang saya sa pakiramdam... Feeling ko kompleto na ako ngayon...Wala na akong mahihiling pa...

Naghapunan na kaming apat... at nagpaalam na rin si Tatay pagkatapos naming kumain... Bukas sasaamahan niya kami sa bahay ng mga Andrada para harapin si Tatay Mario....

~~~~~~~~~~~~


Dumating na kami sa bahay nina Olivia... Agad kaming pumasok.. at nadatnan namin na magkausap si tatay roberto at si tatay mario...

Binati agad namin ni Olivia ang dalawa .... At nag usap na...

Naging klaro na ang lahat at nagkapatawaran ... Tanggap na rin ni Tatay Mario ang lahat at masaya ako na ituturing pa rin niya ako na anak ... lalo na .. na nagmamahalan kami ni Olivia....

"Pia anak?"si Tatay Roberto

"Tay?"

"May ipapaalam lang ako sa iyo?"

"Anu po yun tay?!" naging seryuso bigla kami ni Tatay ...

"Pwede ko bang ligawan ang Nanay Patty mo?! single naman ako anak so okay lang ba sayo!?!" napatingin ako bigla sa mukha ni tatay.. may lagnat ba siya o nasapian ng masamang espiritu... pumapag ibig ang dalawa ah habang wala ako...

"Hmmmm wala namang problema sa akin tay... Ang problema po kung san ayon ang mga anak nyo?"

"Walang problema si Lian nak... Si Greg naman wala na dito nasa ibang bansa na..."

Nalaman ko na wala na pala si Greg dito ... Nasaktan at naguluhan siya sa mga nangyayari kaya minabuti niyang lisanin muna ang pinas ....

"Okay tay ..Basta dalian muna para makarami pa kayo ni nanay.." tumango si Tatay at agad niya akong yinakap... at nagtawanan nalang kami..

Ang saya sa pakiramdam.. Hindi ko inasahan na maging ganito na .... maayos na ang lahat.. at sana tuloy tuloy na ito.....

"I hate you but I love you " <Done>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon