~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~Olivia
Kahit anung pilit ko kay Papa hindi pa rin nya sinabi sa akin kung nasaan sina Pia .. Bakit ba naging ganito .. Kailangan ba talaga na paghiwalayin kaming dalawa ... Kahit anung pilit nila hindi ako naniniwala na magkapatid kami .. hindi...
Makalipas ang ilang araw ...Pinili ko munang umuwi sa bahay ayukong mapag isa sa condo ko.. Baka iiyak at iiyak lang ako pag naiisip si Pia , naiisip ang mga nangyayari sa amin...
Nakita kung nag uusap sina Papa at si Uncle Roberto ang ama ni Greg ... Hindi ko sila nilapitan pinagmasdan ko lang sila... Parang nag tatalo sila.. Umiiyak si Uncle Roberto... Ano kayang pinag uusapan nila.. Bakit ganyan sila ka seryuso ...At biglang sinuntok ni Papa si Uncle Roberto?
Agad akong tumakbo palapit sa dalawa ... Gumitna ako sa dalawang matanda ..
"Papa tama na ... Uncle ano bah? Ano bang problema ninyo?!"
"Yang traydor na yan ang problema ... Umalis kana Roberto .. Umalis kana !"
"Im sorry Mario .. Im so sorry!"
At agad lumabas si Uncle Roberto sa bahay ... Napaupo si Papa ... Hawak hawak ang dibdib niya ....
"Olivia hindi ako makahinga! Hindi ako makahinga ?!"
"Papa ?! Papa?!"
At nawalan ng malay si Papa ....
Agad namin siyang dinala sa hospital.. Nadagdagan ang problema ko ... Si Pia ! Si Papa .. Si Greg! Si Uncle Roberto na pinahahanap ko na ngayon... Gusto kung malaman ano ang pinag tatalunan nila at bakit humantong sa suntukan... Ang gulo ng isipan ko .. Hindi ko na maintindihan....
"Olivia ? Umuwi ka muna sa atin hija .. magpahinga ka muna."
"Ma may alam ka ba sa pinag usapan nila Papa at ni Uncle Roberto?" usisa ko kay Mama..
"Wala akong idea ... Kung bakit humantong sa ganito Olivia... Wala naman silang away o anu mang gusot..Matalik sila na magkaibigan simula pa nuon.." sagot ni Mama sa akin..
"May lihim silang dalawa Ma na sila lang ang nakakaalam at dapat malaman natin yun."
Hindi na umimik si Mama... Napahawak nalang ako sa noo ko at napasandal sa upoan sa labas ng room ni Papa sa hospital...
"Olivia ?! Si Tatay?!"
Si Pia? Agad akong napatayu at agad ko siyang yinakap....
"Pia? Salamat at nagbalik ka .." at yumakap rin si Pia sa akin ng mahigpit ..
"Olivia si Tatay?!"
"Halika nasa loob." hinawakan ko ang kamay ni Pia at dinala sa loob... Naiwan naman si Mama at si Nanay Patty sa labas ..
Magkahawak lang kami ng kamay ni Pia habang pinagmamasdan si Papa ...
"Ano ba ang nangyari?."tanong ni Pia sa akin .. Halata sa boses nya na nag alala siya sa kalagayan ni Papa ...
Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari...
"Kung makita ko lang ang Roberto na yan.. babalatan ko siya ng buhay." galit si Pia sa nangyari... Seryuso ang mukha niya.. Ngayon ko lang siya nakita na ganito ka galit..
"Pinahahanap ko na siya Pia... mahahanap rin natin siya at malaman natin kung ano ang pinag awayan nila."
Hindi nakapagsalita si Pia ... Pinagmamasdan ko lang siya ... Habang nakasandal siya sa upoan .. Nakapikit...
"Ikaw ? Kumusta kana ?" bigla nyang tanong sa akin.. Binuka niya ang kanyang mga mata at tinitigan ako...
"Hindi ko alam anu ang isasagot ko sa tanong mo."
"Sorry kung iniwan kita.. Sorry kung lumayo ako sayo." Nagawa ko yun para mawala tong naramdaman ko para sayo dahil hindi dapat ... magkapatid tayo.. pero hindi siya mawala kahit anung pilit ko ... Hinahanap hanap ka pa rin Olivia."
Napaiyak ako sa sinabi ni Pia... Wala akong maisagot sa sinabi niya... Yinakap ko nalang siya ng mahigpit ....
"I miss you ."bulong ko sa kanya ..
"Na miss din kita ... sobra."at hinalikan niya ang aking pisngi... "Hindi na kita iiwan dito lang ako sa tabi mo "
Napangiti ako sa sinabi ni Pia .... At hindi na rin ako makakapayag na iiwan pa niya ako...