~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~
~~~~~~~
~~~~~Olivia
Napag usapan namin ni Papa at ni Greg na sa civil lang muna kami magpapakasal... Mamaya na ang church kung okay na ang lahat... At gusto ni Papa kasi bukas na bukas agad ... Ito na... Magpapakasal na ako sa taong hindi ko mahal... Ang saklap lang... Pero para kay papa at kay Pia gagawin ko ito .. kahit sobrang labag sa kalooban ko...
Nakalabas na si Papa sa hospital... Nakauwi na siya ng bahay... Si Pia naman hindi ko na nakita simula kahapon nung pumunta si Greg sa hospital. At si Greg naman hindi na umalis sa tabi ko....
"Okay kalang bha? Bukas na ang kasal mo" si Kuya Albert ..
"Hindi ako okay kuya at alam mo yun."
"Olivia magiging okay din ang lahat ... Sundin mo lang si Papa."
"Bakit kuya ikaw ?naging masaya ka ba nung ikinasal ka kay ate Pam? Diba hindi siya ang girlfriend mo that time."
"Olivia may mga bagay na hindi natin ma ko control.. Yes hindi ako naging masaya pero natutunan ko din siyang mahalin sa huli!" tugon sa akin ni Kuya Albert ... Napag isip ako... Kaya ko kayang mahalin ulit si Greg?"
"Ewan ko kuya hindi ko alam...."
"Olivia ... give him another chance .. a last chance tapos e let go mo si Pia magkapatid kayo .. tayo... " napatingin ako kay Kuya ..
"Kung matuturuan lang ang puso Kuya kung ganun lang kadali ang lahat."
"I know Olivia I know."
Hindi na ako nakaimik .... Bahala na kung ano ang mangyayari bahala na.....
~~~~~~~~~~
Kasal ko na... Pinili ni Papa na manatili nalang sa bahay...kasi hindi pa siya fully na nakarecover ... Sinamahan ako ni Mama at ni Kuya... Si Greg naman kasama si Lian.. at may mga ibang common friends na ilan lang din....
Dumating na kami sa isang private garden kung saan idaraos ang civil wedding namin ni Greg...
Andito na rin si Greg ... Hinihintay nalang namin si Lian at ang magkakasal sa amin....
Wala si Pia... Mas makakabuti sa aming dalawa na wala siya sa kasala ko... masasaktan lang kaming dalawa pareho....
Dumating na si Lian .. Sumunod na rin dumating ang Judge na kaibigan ni Papa .. ang magkakasal sa amin...
Agad sinimulan ang ceremony ....
"WAIT!!!"
Si Uncle Roberto! ?! Nagkatinginan kami ni Greg... Natigilan din ang judge...
"Daddy?!" agad sambit ni Greg sa ama niya
"Im sorry son ... pero hindi ako makakapayag na makasal ka kay Olivia ... Im sorry... !"
"WHAT??!!! But why???!!!! takang tanong ni Greg... Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit sa eksenang nangyayari ngayon.... Ang taong to sa harapan namin ang dahilan kung bakit nahospital si Papa .... pero bakit hindi ko makuhang mag react... Walang boses na lumalabas sa bibig ko.....
"Judge Im sorry pero hindi ako makakapayag na dalawang anak ko ang magdurusa pagkatapos ng kasalang ito ! Hindi ako makakapayag... Greg listen to me son... Ginawa ko ito para sayo at sa kapatid mo kaya walang kasalan na magaganap ... Wala!"
"DAD???!!!" si Lian "Dad anu bang pinagsasabi mo?!"
At may inabot si Uncle Roberto na papel sa akin... Isa itong DNA test .... kay Pia??!
Napatingin ako sa kanya.... Kinuha naman ni Greg ang papel..... hindi siya nakapagsalita ....
"Ako ang ama ni Pia..at hindi si Mario!"
Parang napana yung lalamunan ko sa narinig ko....
"Ayukong masasaktan ang mga anak ko sa kasinungalingan na ito ..... Alam ko Olivia si Pia ang mahal mo ... at hindi si Greg! Son masasaktan ka lang... yung kapatid mo ngayun nagdurusa sa kasinungalingan ko! Im so sorry son , Olivia!"
"Paano ?!" hindi nakapagsalita ng maayos si Greg... Agad kung kinuha ang DNA test sa kamay niya ....
"Im sorry Greg!" sambit ko kay Greg at agad akong tumakbo palabas ng St. Mark's Garden...
"Oliviaaa??! Oliviaaa?!" hindi ko na nilingon ang tumawag sa akin... Wala na akong pakialam kung ano ang nangyayari sa loob... Ang importante sa akin ngayon ang makita at makausap si Pia....