*************
******************
*******Olivia
Gusto ko man siyang habulin... Gusto ko man siyang pigilan na huwag lumabas sa sasakyan ko pero di ako makagalaw. Nanigas ang buong katawan ko sa halik na yun. Ang halik ni Pia ... nakakapanghina.. Di ko maintindihan... First time akong hinalikan ng isang babae... kahit smak lang ang halik na yun... para akong nakukurente... Pia anu bang ginagawa mo sa akin.. Hindi na ito normal .. so abnormal na ba ako?!
Ang saya ko kanina... kasama ko si Pia sa buong araw... yung tawanan namin..yung ngitian.. daldalan... Ang saya niyang kasama....
Agad akong napahiga sa kama ko pagkapasok ko sa aking kwarto... Napahawak ako sa mga labi ko... Ang soft ng lips nya... Kahit ganun lang kadali ang kiss na yun... feel ko pa rin siya until now.... Waaahahhh!! Kinikilig ba ako... Para akong pbbteens sa mga nangyari.. Lalo na sa halik na yun.
Biglang tumunog ang cellphone ko.... may nagtext .. agad ko itong kinuha ....
Unknown #
1newmessage"Olivia ... Sori huh sori sa ginawa ko kanina.. Sori huwag kang magalit oh!:( - Pia"
Si Pia....... napangiti ako sa text niya na kinakabahan.... Hindi ko ito naramdaman nung kami pa ni Greg! Iba ang naramdaman ko ngayon at sa kapwa ko pa babae... Ang sarap sa pakiramdam na kinikilig ka pala!
Agad ko siyang nireplayan .....
"Hi Pia ... Sinong nagsabing galit ako? No im not mad. Can i call you? If okay lang?- sent
Nag reply agad siya.
"Okay lang."
Agad kung tinawagan si Pia...
Pia
calling mobile......"Hi ." agad kung bati sa kanya
"Hello sorry huh sori talaga."
"Okay lang Pia .. uu nabigla ako pero wag mo ng isipin yun ayukong magka conflict tayo dahil sa kiss na yun." tugon ko sa kanya na halata sa boses na nahihiya siya sa nagawa nya kanina "Ahm pia thank you ulit kanina sobrang nag enjoy ako ."
"Salamat din Olivia .. sa mga binigay mo lalo na sa phone ..Db sabi ko nga masaya ako na nakikita kang masaya?" bigla akong napangiti sa sinabi ni Pia... Parang lumundag ang puso ko... Kinikilig ako....
"Masaya ka pag nakikita akong masaya? Bakit?"
Tot! Tot! Tot!
Biglang naputol ang linya .... Tinawagan ko ulit si Pia... Hindi ko na siya makontak baka na bat empty siya! Dun talaga naputol na may tinanong ako sa kanya ... Pero ang sarap sa pakiramdam ng marinig ko yun sa kanya ...
Napangiti nalang ako at napayakap sa unan ko.... Oh Pia!
Nakatulog pala ako habang nakayakap sa unan ko... Kinapa ko agad ang phone sa bed ko ...at agad itong tiningnan ... baka may text si Pia pero wala .... at ala una na pala .. hatinggabi na ... gustuhin ko mang bumangon pero di na kaya ng katawan ko dahil sa antok. Grrrr makatulog na nga lang ulit.
At hindi ako makatulog... Ginugulo nya ang isipan ko.. Kahiy anung posisyon ko hindi ko magawang pumunta sa dreamland! Pilit kung binangon ang katawan ko at kinuha ulit ang phone....
Pia
calling mobile.......Tatawagan ko si Pia.... Hindi ko alam kung bakit pero gusto kung marinig ulit boses nya baka sakaling makatulog na ako pagkatapos kung marinig boses nya....gawin ko pang pampatulog boses niya......
Nag ring na ito... Sana sagutin niya... Sana......