~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~
~~~~~~~~
~~~~~Olivia
Nakakalungkot ... Hindi ko alam kung bakit ganun ang ina ni Pia... May nagawa ba akong mali?! Hindi ba nya ako gusto ?! Hayst! Nakakadismaya... Nasasaktan ako ramdam ko kasi na hindi nya ako gusto!
Tok!Tok!Tok!
"Sino yan?"
"Maam pinatawag po kayo ng Papa ninyo?" ang kasambahay namin ..
"Okay Manang.... Sunod na po ako."
Bumangon ako sa higaan ko at lumabas ng kwarto... Ano kayang pakay ni Papa ... Bigla tuloy akong kinabahan.. Agad kung nilapitan si Papa sa may salas namin...
"Pa?"
"Olivia maupo ka."
At agad naman akong naupo sa harapan ng ama ko...
"May nakapagsabi sa akin na close na raw kayo nitong tindera sa canteen ... Pia ang pangalan?" tinitigan ako ni Papa nagkatinginan kami.. "May nakakita sa inyu na palagi kayong magkasama sinasama mo siya sa condo mo? Totoo ba ito?"
"Magkaibigan kami Pa.. Wala naman sigurong masama dun."
"Magkaibigan? Hmmm ... Tama .. walang masama dun kung magkaibigan lang talaga kayo. May nakapagsabi din sa akin na itong si Pia ay isang lesbiana. Alam mo ba yun?!" patuloy ni Papa.... Dumadagundong na ang dibdib ko sa kaba
"Ahm wala po akong idea papa . Ang alam ko lang mabait yung tao."
"Olivia ... siguraduhin mo lang na magkaibigan lang kayo ni Pia .. kapag malaman ko na may relasyon kayo..Ipapatapon kita sa Italy .. sa Lola mo."
Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Papa ... Akala ko ang Nanay lang ni Pia ang hadlang pati ba naman si Papa...
"Dahil ba lesbiana si Pia papa?" hindi ko napigilan ang sarili ko ba sagutin ang ama ko
"Uu dahil lesbiana siya at malaking kasalanan yun! Kaya siguraduhin mo lang na wala kayong relasyon Olivia dahil sabi ko nga... Ipapatapon kita sa Italy!"
Tumayo ako .... At agad bumalik sa kwarto ko.... Napasandal ako sa pintuan... Hindi ako makapaniwala na hinahadlangan nila kami ni Pia... Bakit ganun! Bakit di nalang sila masaya para sa amin... Anung problema nila!
~~~~~~~~~~
"Pa , ma sa condo na muna ako mag stay na miss ko na kasing mapag isa." sambit ko sa mga parents ko habang nag hahapunan kami...
"Mapag isa?" sagot naman agad ni Mama ... Hindi kumibo si Papa sa sinabi ko
"Yes ma... dun na ako uuwi bukas pagkatapos ng klase ko.."
"Okay . Kung yan ang gusto mo Olivia.. Malaki kana." si Mama....
"Salamat Ma."
Wala akong narinig na salita galing kay Papa ... Hinayaan ko nalang siya baka magkasagutan lang kami.....
~~~~~~~~~
Pinuntahan ko agad si Pia sa canteen pagkatapos ng klase ko.... Hinintay ko nalang siya na matapos ang trabaho niya ..
Nilapitan agad ako ni Pia ng matapos na ang trabaho niya ...
"Hi mine." pabulong niya sa akin at sabay tabi sa upoan ko ...
"Hi." sabay ngiti ko sa kanya
"Ahm parang matamlay ka? May problema bha?" tanong sa akin ni Pia na halatang nag alala siya .. Tiningnan ko siya .. Nagkatitigan kami... at nginitian ko siya ..
"Wala mine... busy lang kanina... ahm sa condo na pala ako uuwi ngayon.. Dun muna ako mag stay para may place tayung dalawa na tayo lang mine."
"Ganun bha? So ipagluluto muna ako?"
"Of course mine... So lets go hatid na kita sa inyo baka mapagalitan ka na naman ng Nanay mo."
"Wag mong intindihin si Nanay mine..Ako na bahala dun."
At nginitian ko nalang si Pia ....
Hinatid ko siya sa kanto nila...
"Mine bukas sunduin kita ah..Ipagluluto kita sa condo... Walang school bukas remember ?"
"Okay mine.. Ako nalang pupunta dun.. Baka makita ka pa ni Nanay ." tugon sa akin ni Pia... Agad kung dinampian ng halik ang labi niya ... Tinugunan din ito ni Pia... Matagal na halikan yun... Madiin.. Masarap.. Puno ng pagmamahal...
At lumabas na si Pia sa sasakyan ko pagkatapos at nagmadali na rin akong umalis ...
"Hi baby.. Im back..Where are you?!"
Si Greg!!!?