Chapter 5

10.1K 236 6
                                    

************
*********

*******
*****


Pia

"Nay nagtatrabaho pala sa mga Andrada si Tiya Rona nuon?" tanong ko kay Nanay habang kumakain kami ng hapunan...

"Uu naging yaya siya sa bunsong anak ng pamilyang Andrada ... bakit mo naitanong?" tugon naman sa akin ng aking ina..

"Wala lang nay... natanong ko lang..ahm mababait naman sila?"

"Bakit interesado mong malaman?"

"Nay nagtatanong ako... huwag mo naman akong sagutin ng isang tanong... Nanay talaga oh..Panira." at napatingin naman si Nanay sa akin... para lang kaming magbabarkada ng aking ina... mahal na mahal ko to kahit matigas ang ulo minsan ....

"Sa pagkakaalam ko uu mababait naman daw.. Hindi ko naman narinig ang tiyahin mo na may reklamo siya sa mayaman na pamilya na yan."

"Ahh." tipid kung tugon kay Nanay... Mabait maman si Sir Albert sa akin... Yung babae naman ay wag na ... Naiinis lang ako pag iniisip ko siya... Eh kasi naman eh.. badtrip... pero kung mag sorry siya wagas naman... ay ewan ko basta di ko kakainin yung pride ko para sa mestisang hilaw na yun....

~~~~~~~~~~

Papasok na ako ng paaralan at dumeretso na ng canteen... Napalingon lingon ako baka may bumangga na naman sa akin...

"Morning piyaya." Si Sir Richard kasama si Olivia .. may relasyon ba ang dalawa na ito... bagay naman sila puro asungot.

"Morning." hindi ako huminto sa aking paglalakad .. Sinabayan pa ako ng dalawa pero nasa likuran lang si Olivia at hindi umiimik..

"Masungit ka na naman ang aga aga ah. By theway si Olivia kapatid ni Albert .." pakilala ni Richard sa aming dalawa , may sasabihin pa sana siya nang...

"Alam ko pangalan niya at hindi ako interesado... kaya mauna na ako sa inyung dalawa." binilisan ko agad ang paglalakad at naiwan naman ang dalawa na napatigil sa paglalakad ... Hmmm bakit di ko siya matingnan ng deretso nung nakita ko ang mukha niya... ang maganda niyang mukha...Bakit ba ako kinabahan sa tingin niya... ay naku makapasok na nga sa canteen ...

"Oh teh badtrip ka na naman, binangga ka ulit?"

"Wala naman... may asungot lang." sagot ko kay Jaja ... "hindi paba okay si tiya rona?!"

"Hindi pa teh, baka bukas makapasok na yun."

"Ganun bha?" sagot ko kay jaja at tumango lang siya... Busy busyhan na naman ako nito... pag wala si tiya ako ang andito sa counter .. matalino kasi ako sa math.. wew!

"Ja pabiling iced tea ... thanks." si Olivia .. Napatingin ako sa kanya... Nang tumingin siya sa akin iniwas ko agad ang tingin... "bayad ja oh!"

"Kay Pia nalang maam." ugghhh ane beh! di man lang kinuha ng pinsan ko ang bayad sa akin pa talaga eh pwede naman nyang kunin... nang aasar tong si jaja ...

"Bayad ko." sabay abot ng bayad niya... Hindi ko siya tiningnan at lalong hindi ko siya inimik.. agad kung inabot ang sukli sa kanya "Thanks." at agad siyang tumalikod at lumabas ng canteen..

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya... ano ba tong naramdaman ko .. naiinis ako na ewan?!

"Teh lagkit ng tingin natin ah, wag masyadong titigan teh baka matunaw.. " pang asar sa akin ni jaja..

"Tseee isa kapa.. Inaasar mo ako."

"Huh anu ba ang ginawa ko?"

"Pwede mo namang kunin ang bayad bakit pinasa mo pa sa akin?!" matigas na boses ko..

"Eh kasi teh kailangang suklian ... kaya ayun.. ayee sabihin mo kinakabahan ka sa presensya niya.. Halah teh ikaw huh? May kasabihan nga tayu... The more you hate the more you love. Ayeee!"

"Ano?!! Ewan ko sayu!!"

"Susssss!! ganda mo teh noh." patuloy na pang aasar ni jaja sa akin... at bigla nalang akong napangiti na di ko alam kung bakit... "Napangiti na siya ... ayeee kilig ang tawag sa ganyan teh."

"Mweset ka... Tigilan mo ako baka lumipad tong baso sa mukha mo."

At pinagtatawanan nalang ako ng magaling ko na pinsan... kilig daw ... anung pinagsasabi niyang kilig... Langhiya!

Alam ni nanay at ni jaja na baluktot ang kasarian ko at tanggap naman nila yun... Wala pa akong naging gf at boyfriend... Sungit ko kasi daw kaya walang lumalapit sa akin at mangahas na ligawan ako.. saklap noh?!

Lunchbreak na busy na ang beauty ko.... Rami ng nag lalunch .. buti nalang ang trabaho ko ngayun ay ang pagiging miss cashier di masyadong haggard!

Napansin kung kumakain lang ng lunch ay si Sir Albert at si mahangin na asungot... Asan kaya si Olivia .. At bakit ko naman siya hinahanap? Mabuti nalang wala siya noh baka ma badtrip lang ako ..

Nakahinga din ako ng matapos na ang lunchbreak.. Hindi na masyadong busy.. Pero bakit kaya hindi ko nakita si Olivia... Iniiwasan na ba nya ako dahil yun ang sabi ko? Halah ito na naman ako iniisip ko na naman siya... Wala akong pakialam sa babae na yun noh bahala siya kung saan siya kumain o kung iniiwasan man niya ako dahil yun ang gusto ko...ugh!

"I hate you but I love you " <Done>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon