~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~Pia
Halos nabibingi na ako sa kakasermon ni Nanay sa akin.. Hindi niya matanggap na may nangyayari pa rin sa amin ni Olivia..
"Pia ilang beses ko bang sasabihin ko ito sayo! Magkapatid kayo ni Olivia.. Hirap ba yang intindihin anak?!"
"Nay alam ko at alam ko po ang ginagawa ko ! Hindi madali sa akin ang mga nangyayari , sana naman bigyan mo ako ng oras nay hindi madali sa amin ni Olivia nahihirapan kaming pareho!" tugon ko kay Nanay...
"Mas nahihirapan kayo pareho kung palagi kayung nagkikita at nag uusap... Pia ikakasal na ang kapatid mo ...alam mo yun db?!"
Hindi ko na inimik si Nanay.. Lumabas na ako ng bahay at pumasok na sa canteen... Ayaw na ni tatay na mamasokan ako sa canteen pero ito ang nakasanayan ko na .. Gusto ko ito kaya hinayan nalang niya ako....
"Iba ka talaga teh! Iba ka!" bungad sa akin ni jaja
"Oh bakit naman?!"
"Basta teh iba ka! Hindi ko ma imagine... !"
"Ewan ko sayo!"
Nagsimula na ang araw ko sa canteen... Hindi ko nalang muna iisipin ang mga nangyayari sa buhay ko.. Sakit sa ulo... Nakaka stress ...
Napansin kung pumasok sa canteen si Kuya Albert si Miss Lian at ang asungot! Andito na naman siya at may dala na namang bulaklak... Papalapit sila sa akin...
"Hi Pia !"
"Kuya?!"
"Pia si Lian pala at si Greg... Kilala mo na siguro sila db?!" sambit sa akin ni Kuya sabay tango at ngiti ko....
"Hi.... how are you?!" si Lian...
"Okay lang...! tipid na sagot ko sa kanya ... Si Greg naman iwas ang tingin ko pero nakangiti siya na nakatitig sa akin... Muntanga lang...
Napansin kung papasok sa canteen si Olivia... Agad naman siyang sinalubong ni Greg... Inabot ang flowers at hinalikan sa pisngi...
Ouch!!
Ang sakit! Nagkatinginan kami ni jaja at pinagtawanan ako ng bruha... Nalipat ang tingin ko sa dalawa at parang nagtatalo sila... Hinila ni Olivia si Greg palabas ng canteen...
Gusto ko silang sundan pero ayaw kung makadagdag pa sa gulo... Alam na ni Olivia kung ano ang tama at mali....
~~~~~~~~~~~~
Hindi ko na nakita si Olivia simula nung lumabas silang dalawa ni Greg sa canteen....
Ito pauwi na ako at iniisip ko siya ... Mweset naman oh.. Saan ba sila nagpunta ...
At may napansin akong sasakyan na sumabay sa akin sa paglalakad .. Napahinto ako at napalingon sa sasakyan ... Kidnapper ba ito?!
Huminto ang sasakayan at lumabas ang driver nito....
Si Lian.....
"Hi Pia ... Sorry kung sunod na sunod ako sayo huh? natakot ba kita?!" sambit niya sa akin habang papalapit siya sa tinatayuan ko..
"Hindi! Hindi ako natakot... Akala ko nga kidnapper eh... Magpapakidnap ako at ilayo ako sa magulong buhay ko!"
"Wow! You are so funny Pia!"
"Seryuso!"
"Oh sorry! Seryuso ka nga! Hmmm sige okay lang ba na kidnapin kita ngayon at ilayo kita muna sa magulong buhay na meron ka?! Dinner? Its my threat?!" yaya sa akin ni Lian sabay hawak sa braso ko at may haplos pa....
"Hmmmm !" nag iisip pa talaga ako
"Please!?"
" Okay!"
"Great... so lets go!"
Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan ni Lian... Siya lang ang daldal ng daldal... Ang rami niyang sinasabi .. Ne isa walang pumasok sa utak...
"Hey Pia? Are you with me?!" nahalata na pala ni Lian na naglalakbay sa kalawakan ang isipan ko..
"Huh? Ah Uu .. Sorry! Ano nga yun?!"
"Sabi ko... Maganda ka!" napatingin ako sa kanya... jolly pala to si Lian... kung makatawa wagas parang wala ng bukas... Ang daldal din niya para siyang hindi teacher ... Puro siguro biro ang tinuro nito sa mga estudyante niya....
Napangiti nalang ako sa kanya.......
"Lian ahm si Greg pala at si Olivia?!"
"Ah sila? Nasa condo ni Olivia ata yun ang sabi ni Greg sa akin kanina nung nagtext ako! Why?!"
"Ahm wala.. Di ko na kasi nakita yung kapatid ko kanina!"
"Ah i see uu nag halfday siya! Gusto sigurong makasama si Greg ..!"
Ouch!!!
Ang sakit na naman ng narinig ko... Tama na nga Pia... magkapatid kayo at ikakasal na yung tao... kaya tama na.....