Angel in Disguise - Chapter 7 *Her smile*

825 13 0
                                    


  Chapter 7

*Her smile*











[Jake's POV]









"Aring's karinderya, inihaw, atbp"





"nandito na tayo!!" sabi ni Dionne sabay hila saakin papasok sa isang maliit, madumi, mainit, at mabahong kainan.





Kinalag ko ang pagkakahawak niya saakin "bat ganito ang kainan dito?! Ang liit liit, ang baho baho ang init init pa!! wala manlang aircon! Tignan ko pa lang yung lugar nangangati na ko!"





"grabe ka naman. Masarap diyan. Wag mo na lang isipin maysado ang ambiance ng lugar. Or isipin mo na lang nasa mamahalin kang restaurant"





"there's no way I'm gonna eat in that place! Milyong milyong virus ang nagkalat diyan no! mamaya magka Hepa pa ako or kung anong virus pa tumama saakin!"





"hindi yan. Matagal na kong kumakain diyan and tignan mo ko, buhay na buhay pa!" pagkukumbinsi ni Dionne saakin





"eh  basta ayoko!"






Tinalikuran ko na siya. Di ko talaga masisikmurang kumain diyan no! napakadumi! Mamaya kung ano pang mangyari sakin! Edi umiyak ang buong Pilipinas pag nawala ako?! Tss! Tong chimay na to eh puro kapahamakan ang alam dalhin sakin!





"uy J-japoy!" humabol saakin si Dionne "galit ka ba?"





Tinignan ko siya "obvious ba?! Naisnatchan na ko ng wallet, na blackmail pa kong kumain sa pipitsuging lugar na yan! Pero para sabihin ko sayo, wala akong planong mamatay ng maaga no!!"





Nagulat ako ng biglang lumungkot ang mukha ni Dionne "ganun ba? Sorry ah, di ko naman alam na magagalit ka" tumingin saakin si Dionne pero this time naka ngiti na siya "tara na sa restaurant para kumain" inabot niya yung wallet ko "pasensya ka narin sa ginawa ko ha? Promise di ko na uulitin" nauna na siya maglakad saakin.





For a moment, I feel a spang of guilt building up on my chest.





Ay tae! Bat ba ko naguguilty ha?! Wala naman akong ginagawa eh pero bat ganito ang nararamdaman ko?! >______<





Grrrr nakakainis!! Nakakainis talaga!!!





"chimay!!" sigaw k okay Dionne kaya naman napahinto siya sa paglalakad.  

  Nilapitan ko siya at kinuha ko ang kamay niya then hinatak ko siya papasok doon sa pipitsuging kainan.



















"uwaaaaaaa nanay Aring namiss ko kayo!!!"





Pagkapasok na pagkapasok namin ni Dionne sa loob, tumakbo agad siya doon sa matandang nasa likod ng counter at niyakap to.





"oh hija ang tagal mo ng hindi kumakain dito ah?"





"naging busy po kasi sa trabaho. Ay oo nga po pala" hinatak ako ni Dionne papalapit sa kanila "eto po si Japoy, yung amo ko"





"h-hello po" sabi ko habang iniiba ko ang boses ko. Buti na lang din at naka cap and shades ako kung hindi naku baka makilala ako ng mga tao dito. Mahirap na no, ma-issue pa ko. Si Jake Marquez, kumakain sa isang maduming lugar. Yuck! Biggest scandal of the year yun! =__=





"oh hijo ikaw pala ang amo nitong si Dionne? Naku salamat ha? Masipag na bata naman ito kaya di ka mahihirapan sa kanya"





Oo nga ang sipag niya kaso hirap na hirap ako palagi sa kanya. =__=





Maya-maya lang din, naupo na kami ni Dionne para kumain. Hindi ko maatim tignan yung mga pagkain  kaya si chimay na lang ang hinayaan kong pumili para saakin.






Tsk ano ba kasi ang pumasok sa kukote ko at hinatak ko siya pabalik dito! Nung nakita ko lang kasi talaga yung malungkot niyang expression hindi na ko mapakali. Kung iisipin dalawang beses ko ng nakita ang expression na yan ngayong araw. Nung una kaninang umaga nung ayoko kainin yung cake na binigay niya, ngayon naman nung ayaw kong pumayag na kumain dito. Kahit pa binawi niya agad yung expression niya sa isang ngiti, hindi ko maiwasang makaramdam na guilt.





Tsaka isa pa..





Naalala ko kanina yung ngiti niya habang kinakain ni Rui yung cake na ginawa niya pati narin nung pumayag ako na kumain dito. Ilang beses ko na siyang nakitang ngumiti pero yung ngayon, parang kakaiba. All this time I feel very awkward when she smiles, pero ngayon, parang tumagos sa puso ko. Parang biglang gumaang yung pakiramdam ko. Parang.. parang







Para akong bakla sa mga sinasabi ko. =____=





Arrrgggghhh ano ba tong iniisip ko!!! Naku naman oh! Nababaliw na ba ko?! O baka naman kinulam na ko ng tuluyan ng babaeng to?! Blackmailing thief na mistress ng tito ko na nilalandi si Rui and and an annoying P.A at mangkukulam! That's what she is! At dapat tigil tigilan ko na ang pagiisip ko ng kung anu-ano dito! >___<





"Japoy nag antay ka ba ng matagal? Eto na pagkain natin"





Inilapag ni Dionne yung tray sa harap namin tapos naupo narin  siya sa tapat ko. Tinignan ko yung mga binili niya. Inangat ko yung isang stick nung inorder niya at tinitigan to at nung maidentify ko agad kung ano ito, dali dali ko itong binitawan.

Angel in Disguise By AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon