Angel in Disguise - Chapter 20 *let go*

676 14 0
                                    


Chapter 20

*let go*

[Jake's POV]

"Tito!!! Tito si Dionne!!" sigaw ko sa labas ng bahay nila Tito Jin habang buhat buhat ko si Dionne sa braso ko.

Nung himatayin siya kanina, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya naman ang unang pumasok sa isip ko ay dalhin siya dito kay Tito Jin. Ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko habang nakatingin ako sa namumutlang mukha ni Dionne.

"Tito Jin! Open this fckin' door!"

Tsk ano ba yan! Bat ba ang tagal tagal niya buksan yung pintuan?! Halos ma-rape ko na tong door bell nila hindi parin niya binubuksan!! Dapat pala dineretso ko na si Dionne sa ospital!

Patalikod na sana ko ng marinig kong may nagbukas ng pintuan nila at nakita ko si Tita Chyna.

"Oh Jake what happened? Ano ang nangyari kay Dionne?!"

"Tita, I don't know! She just lose consciousness!"

"Naku sige ipasok mo siya sa loob"

Ipinasok ko si Dionne sa loob ng bahay nila habang tinatawag naman ni Tita Chyna si Tito Jin. Maya-maya lang din ay lumabas ito ng kwarto nila.

"Bring her inside the room!" sigaw ni Tito saakin kaya dali-dali kong ipinasok si Dionne sa room nila.

Nakita kong agad inilabas ni Tito Jin ang stethoscope niya then itinapat niya ito sa dibdib ni Dionne. After that naglabas siya ng thermometer.

"Tito anong nangyari sa kanya ha? bat ganyan siya? bat hinimatay siya? ano sakit ni Dionne? Bat ayaw niya pa gumising? Uy tito! Ano ba nangyari diyan ha? sabihin mo saakin ano ang nangyari kay Dionne?!"

Tumingin si Tito Jin saakin then huminga siya ng malalim "Jake... I'm really sorry but I think kailangan mo ng mag hanap ng bagong PA" sabi niya ng seryosong seryoso..

"huh?! Bakit! Ano nangyari kay Dionne! For pete's sake tell me what's fckin' happening to her!!" nanggagalaiti kong tanong sa kanya.

Palitan si Dionne? Bakit? Ano ba talaga ang meron? Sa expression pa lang ni Tito eh kinakabahan na ako.

"Jake wag kang mabibigla" sabi ni Tito then ipinatong niya ang kamay niya sa braso ko "may malalang sakit si Dionne..."

"No" napaupo ako sa sofa sa room nila "no.. you're lying..." halos pabulong kong sabi

Una si Maya, and now it's Dionne?! Bakit ba niya pinapahirapan ang mabubuting tao?! Bakit hindi na lang ako na barumbado?! Dionne taught a lot of things to me! Sa lahat ng PA ko siya lang ang nagtyaga at nag alaga saakin ng ganito. I know she's annoying, crazy, nosy and weird! But she's my angel in disguise! Hindi ko kayang makitang nahihirapan siya!

"No.. hindi pwedeng mangyari yun! ayoko! Ayokong palitan si Dionne! It's not the same without her! ayoko!!"

"Jake.." tawag saakin ni Tito Jin

Tinignan ko siya at nakita kung paano ang malungkot na expression niya....

..ay napalitan ng mapangasar na ngiti!

"Joke lang! hahaha to naman di ka mabiro oh! May lagnat lang si Dionne. Siguro over fatigue narin! Pero aminin nag alala ka no? hahahahahaha" sabi ni Tito Jin saakin habang tawa ng tawa na parang nakakaloko "ang sarap tignan yung mukha mo kanina eh! parang iiyak ka na! hahahahahaha!"

"ikaw talaga hunny ang hilig mong pinagaalala tong si Japoy" sabi naman ni Tita Chyna na natatawa tawa rin.

"hahaha eh hunny tignan mo naman kasi tong si Japoy eh kung makapag alala kay Dionne wagas. Kala mo asawa niya ang may sakit eh"

Angel in Disguise By AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon