Angel in Disguise - Chapter 33 *burst of emotions*

561 8 1
                                    


Chapter 33

*burst of emotions*

[Jake's POV]

"Japoy oh ito na ang dinner mo! Kumain ka ng madami ha! Tapos ito pala, juice for you!" ^___^

Tinignan ko yung chimay ko na ngiting ngiti saakin then tinaasan ko siya ng kilay.

"pwede bang tumigil ka ng kakangiti ha! Mukha kang aso!!" =__=

"masaya lang ako Japoy!"

"at bat ka naman masaya?!"

Tumabi si Dionne saakin then mas lumawak yung ngiti niya "kasi concern ka saakin! Uuuuyyy nag alala ka talaga ng husto no nung nawala ako? Grabe ka makayakap kanina saakin eh! May pa I'm glad-I'm glad you're safe ka pa diyan! Ayiiieeee" bigla naman akong tinusok tusok ni Dionne sa tagiliran.

"ano ba tigilan mo nga ako!!" sabi ko sabay tabing ng kamay niya "natural magaalala ako sayo! Paano kung may mangyari sayo edi yari ako kay Tito Jin?! Nasakal ako nun panigurado!!"

Bwiset na babaeng to! Totoo naman yun eh! Kaya nag alala ako sa kanya dahil takot ko lang pagalitan ako ni Tito Jin! Baka mamaya sa sobrang galit nun eh ipadala pa sa media yung mga pictures ko nung bata ako na naka hubo ako! Edi sira ang career ko at mamamatay ako sa kahihiyan! =__=

"eeh pero nag alala ka talaga saakin di ba?" pag pupumilit ni Dionne saakin

"hindi nga! Wala akong pake sa kung ano man ang mangyari sayo! Kahit pa makulong ka sa elevator kasama ng best friend mong si Venus wala akong pake!"

"asus! Alam ko naman na nag alala ka talaga saakin eh! May pa hug hug ka pang nalalaman! Wahahahaha"

Tinignan ko si Dionne then bigla naman akong may naisip na kalokohan "bakit? Kinilig ka naman nung niyakap kita?" mapang-asar na tanong ko sa kanya.

Akala niya siya lang ang may kayang makipag-asaran ha!

Nakita kong biglang namula si Dionne at napaiwas siya ng tingin saakin "he-he-he o-oo naman kinilig ako k-kasi ang isang gwapo, mayaman, malinis, sikat at mabango na si Jake Marquez ay nag alala saakin! O-oo tama! Yun nga yun!" she said defensively then tumayo na siya "t-tapos ka na ba kumain? M-mag liligpit na ako"

Hinawakan ko bigla yung kamay ni Dionne. Yuck lang mamaya di naghugas to! Pero mamaya ko na iisipin yun. May alcohol naman. Sa ngayon nag eenjoy ako sa pangaasar ko dito. BWAHAHAHAHAHAHA


"J-japoy-"

"dahil lang ba diyan kaya ka kinilig?" mapangasar kong tanong ulit sa kanya

"o-oo naman! a-ano pa bang dahilan?"

"come on Dionne, magkasama tayo sa iisang bahay, palagi tayong magkasama. It's impossible na yun lang ang dahilan"

"b-bakit.. a-ano pa ba pwedeng maging dahilan?"

Halos matawa na ako sa expression ng mukha ni Dionne, mukha na kasi siyang matatae na ewan eh! Parang pagpapawisan na siya ng malagkit! HAHAHA akala niya siya lang magaling sa mga ganitong bagay ha?! Buti nga sa kanya!

I took one step closer to her at sinabi na ang pasabog na tanong ko "tell me Dionne, are you in love with me?" I asked her seriously pero syempre acting lang yun! Sus!

Nakita ko naman namula ng tuluyan ang maputing mukha ni Dionne. Oh kita niyo ang charm ko! Kahit ang mala singkamas na kutis ng babaeng to, nagiging kamatis ng dahil sa kagwapuhan ko!

"h-hindi ako in love s-sayo.."

Ngumisi ako kay Dionne "di ba turo sa simbahan masama ang nagsisinungaling?" mas lalo akong lumapit sa kanya then I whispered in her ears that made her shiver "tell me the truth Dionne... are you in love with me?"

"J-japoy... a-ano k-kasi..


kasi.. k-kasi ano... UWAAAA!" nagulat naman ako ng bigla niya akong itulak palayo "i-ikaw kasi eh! Kasalanan mo to! Ano ba ginawa mo saakin?! Hindi naman ako familiar sa ganitong pakiramdam! Ayoko nga ng ganito eh! Pero ikaw kasi! Nakakaasar ka!"

Bigla naman napataas ang kilay ko ng dahil sa sinabi ni Dionne. Wait, what is she talking about?

"Nakakaasar ka talaga! Araw-gabi ikaw na lang iniisip ko! Gusto ko laging makita kang masaya! Nung panahong nawala ka ng hindi nagsasabi at nakita na lang kita sa ilalim ng puno at mukhang problemado, alam mo ba nasasaktan din ako nun! Tapos hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ka malungkot! Alam mo bang gustong gusto kitang yakapin nun ha? Tapos nung niyakap mo naman ako kanina hindi mo ba alam kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko? Nakakaasar ka eh! Tapos nung panahon ding nakita ko kayong naghahalikan ni Venus, kahit eksena lang yun sa movie niyo, parang nadudurog ang puso ko! Lalo na doon sa bedscene niyo! hindi mo ba alam kung gaano kasakit na makita ko yun?! tapos isang ngiti mo lang din, nawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko!"

"w-wait wait what are you talking about?!" takang taka na tanong ko

"eh sira ka palang alcohol freak ka! Tinatanong mo kung in love ako sayo di ba?! Ayan ang sagot! Oo in love ako sayo! I hate you!!" pagkasabing pagkasabi ni Dionne nun, bigla na lang siyang tumakbo papasok sa loob ng kwarto niya at ibinalabag ang pinto.

O-kay, what was that? Inaasar ko lang naman siya, that's all. Pero ano tong mga narinig kong sinabi niya? Totoo ba yun? Hindi ba ako nananaginip?

Hindi ko naman talaga expected na ganun ang nararamdaman niya eh. At ang utu-utong chimay, umamin nga.

Pero wait... Dionne is in love with me? She's in love with me? Paano nangyari yun?

Ganun na ba talaga ako kagwapo?

I'm speechless. Hindi ko alam ang dapat kong i-react at dapat kong maramdaman.

Pero anak ng alcohol yan oh!

Bakit abot hanggang tenga ang ngiti ko ngayon?!


Angel in Disguise By AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon