Angel in Disguise - Chapter 24 *first move*

687 13 0
                                    


Chapter 24

*first move*

[Dionne's POV]

"ok guys! Pack up na muna tayo. Bukas na ulit yung ibang scenes. Make sure to be here on time tomorrow. For now you may take your time na mag gala or mag pahinga" sabi nung director saamin matapos yung last take nina Japoy, Rui at Venus.

Nakita ko naman si Japoy na papalapit saakin

"alcohol ko nasaan?" pambungad na tanong niya saakin.

Agad agad kong kinuha ang alcohol niya at inabot ko sa kanya to "i-ito.."

Kinuha naman niya ito agad saakin at nag lagay agad siya sa kamay niya. After that naupo siya sa upuan habang pinupunasan yung pawis niya.

Tinitigan ko lang si Japoy. Naalala ko na naman bigla yung kissing scene nila ni Venus. Hindi ko alam kung bakit paulit ulit tong nag re-replay sa utak ko na akala mo eh parang pirated DVD. And the weirdest thing is, naninikip na ewan ang dibdib ko. Para bang nakakaramdam ako ng sakit at galit at the same time.

Isang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman.

"pakikuha yung tubig ko" rinig kong utos ni Japoy. Agad agad ko naman sinunod yung utos niya at kumuha nung tubig at inabot ko sa kanya

"e-eto" sabi ko sa kanya while avoiding his gaze


Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Japoy at sinilip ang mukha ko.

"huy!"

"b-bakit?" sabi ko sabay tingin sa kabilang direksyon para iiwas ang mukha ko sa mukha niya. Pero lumipat naman siya ulit sa direksyon na tinitignan ko at pilit na sinilip ulit ang mukha ko.

"huy!" sabi niya ulit

"b-bakit nga?" sabi ko sabay iwas na naman ng tingin sa kanya.

"may sira ba ulo mo ngayon at iniiwasan mong tignan ang gwapo kong mukha?"

"w-wala ah" sabi ko sa kanya while still avoiding his gaze.

"eh bat ka ganyan? Bat ka nakasimangot? Bat di mo ko tinitignan ha? Anong problema mo?!"

Di ako umimik. Sa totoo lang hindi ko rin naman alam ang isasagot ko sa tanong niya. Ano nga ba problema ko at bakit parang naiinis ako kay Japoy? Parang hindi ako to ah. Usually kahit naiinis ako nagagawa ko parin kumalma at ngitian ang taong kinaiinisan ko. Tsaka isa pa kung maiinis man ako ay dahil sa isang mabigat na dahilan.

Pero ngayon bakit ako nagkakaganito? Naiinis ako ng hindi ko alam ang dahilan? Simula nung kissing scene nila ni Venus para akong nabadtrip na ewan.


Napapukpok ako sa ulo ko.

Ang salitang badtrip at pangalan na Dionne ay hindi magkatugma. Pero bat ba ko nagkakaganito? >__<

"huy! Baliw ka na ba?!" tanong ni Japoy

Tinignan ko si Japoy "oo mukha ngang nababaliw na ko. Paki dala na nga po ako sa mental" T___T

"ewan ko sayong chimay ka! Tumino ka nga!! Yung yosi ko nasaan?!" pagalit na sigaw ni Japoy saakin

Agad agad kong inilabas yung isang pack ng stick-o at inabot k okay Japoy "eto yosi!" ^___^

Nakita ko namang kumunot ang noo niya at halos magdikit ang dalawang kilay niya "PINAGLOLOKO MO BA KO HA?!?!" sigaw niya saakin habang nanlalaki na naman ang butas ng ilong

Angel in Disguise By AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon