Angel in Disguise - Chapter 43 *Dionne's Choice*

571 11 0
                                    


Chapter 43

*Dionne's Choice*

[Dionne's POV]

"sorry talaga Ashley ha at nakakaabala pa ako sayo dito?"

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa room ng choir friend kong si Ashley habang siya naman ay busy sa paghahanap ng pantulog na pwede niyang maipahiram saakin

"ano ka ba Dionne, okay lang yun no! Pwedeng pwede ka mag-stay dito saamin hangga't kelan mo gusto" sabi niya at binigyan niya ako ng isang ngiti

"thank you talaga ah"

Nginitian ulit ako ni Ashley.

Ibinalik ko yung tingin doon sa cellphone ko. Alam kong kanina pa text ng text si Japoy saakin at pinapauwi na ako. Sa totoo lang, grabe ang pagpipigil ko sa sarili ko na replyan siya at sabihing babalik na ako sa kanya kaya lang parang may nagsasabi rin saakin na wag muna.

Isa isa kong binasa yung mga text niya. Galit na galit siya at pinagbabantaan niya ako ng mga kung anu-ano.

Hay Japoy. Isang sorry lang naman ang katapat ko eh bakit hindi mo pa magawa?

Dahil sa inis ko, pinatay ko yung cellphone ko.

"mukhang tampong tampo ka talaga sa amo mo" sabi ni Ashley saakin "may gusto ka sa kanya no?"

Bigla naman ako namula sa sinabi niya "A-ah? E-eh k-kasi a-ano eh.. y-yung b-bali a-ano eh.." huminga ako nang malalim "oo may gusto ako sa kanya at nakakainis!!" sabi ko at nagpagulong gulong ako sa kama ni Ashley "uwaaaa Ashley ayoko na nang ganito! Pwede bang turuan ang puso na wag nang mahalin ang taong malabo naming maging iyo?"

"Hay naku Dionne kung pwede lang..." iniwas ni Ashley ang tingin niya "kung pwede lang ang ganung bagay edi sana wala nang nasasaktan ngayon.."

Nilapitan ko si Ashley

"bakit Ashley, nasasaktan ka ba ngayon?"

"h-ha? A-ah e-eh a-ano e-eh.."

Bigla naman akong natawa sa expression niya "hahahahaha gaya-gaya ka! Parang kanina ata ako ang nagsasabi niyan!"

"oo nga no?" at biglang natawa narin si Ashley "hahahaha hay naku Dionne. Alam mo naisip ko lang parang madami tayong pagkakatulad. Kahit sa choir lang tayo nagkakasama at kahit na hindi pa tayo nagkaka bonding na maigi, feeling ko magkakasundo tayo sa madaming bagay. Hay! Maganda rin pala na mag over night ka dito"

Nginitian ko si Ashley "kaso okay lang ba na mag bonding pa tayo nang mas matagal? Feeling ko kasi hindi lang hanggang overnight ang aabutin ko sa bahay niyo eh"

Inakbayan ako ni Ashley "kahit pa abutin ka ng taon okay na okay lang!"

Nagkwentuhan lang kami saglit ni Ashley about sa iba't ibang bagay. Sa tinagal tagal na nakasama ko siya sa choir, parang ngayon ko lang siya nakikilala ng maigi and I must say, halos madami nga talaga kaming bagay na pagkakapareho ni Ashley.

"eh sino naman yung madalas na naghahatid sayo sa church every may choir practice at mass tayo?" pang iintriga ko kay Ashley.

Nakita ko naman ang pamumula ng mukha ni Ashley dahil sa tanong ko "Y-yun ba? S-si Yul yun, best friend ko" sabi niya

I smile.

Sa reaction pa lang niya alam ko ng inlove siya sa taong yun.

Maya-maya lang din, tinawag na kami ng maid nina Ashley na bumaba na at kumain. Pag dating naman namin sa hapag kainan, nakita ko na nadun yung kakambal ni Ashley na si Althea.

Angel in Disguise By AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon