Chapter 45
[Venus' POV]
"Where's Jake? Where's Dionne?!"
"I don't know."
"Venus! Nasaan nga sila?!"
Napabuntong hininga ako. Kanina pa ako ini-interrogate ng manager ni Jake na si Ms. Rhian about sa kanilang dalawa. Pati yung director namin sa noon-time show na ito, saakin hinahanap yung dalawa.
"We know na alam mo kung nasaan sila. Please Venus, tell us!"
Napikon na ako at tumayo "I am not a freaking lost and found section! Kung gusto niyong malaman kung nasaan sila edi tawagan niyo sila!" Iniwan ko sila doon at naglakad palabas ng office sabay balibag ng pinto.
Nakakapikon! Para na akong sirang plaka na paulit-ulit na hindi ko alam kung nasaan si Jake at Dionne tanong parin sila ng tanong. Ganyan ba sila ka-slow at kailangan paulit-ulitin ko para lang maunawaan nila?!
Well, alam ko naman kung nasaan talaga yung dalawa dahil ako ang nag set up sa kanila pero kahit yamot na yamot na ako syempre wala akong planong magsalita dahil alam kong madadamay ako sa gulo na yan.
Bumalik ulit ako sa parking lot at dumiretso sa kotse ko. Plano ko na sanang umuwi kaso biglang may kumatok sa bintana ng kotse ko at nang lingunin ko ito, nakita ko si Rui na nakasilip.
Ibinaba ko yung bintana ng kotse ko. "If you are going to ask where the freaking hell are they then you are wasting your time!" pangunguna ko na kay Rui.
"Relax, wala akong planong alamin kung nasaan sila."
Napabuntong hininga ako at binuksan yung pintuan ng kotse ko. Pumasok naman agad si Rui sa loob at isinara ang pinto.
"So, you decided to let him go," sabi ni Rui, "Jake, I mean."
"Let him go?" paguulit ko ng sinabi niya "How could I let go someone na hindi naman saakin?" medyo natawa naman ako sa sinabi ko. "Everything that is happening to us is so cliche! Mismong ang linya ko napaka cliche narin."
Rui gave me a sad smile. "Mahal mo talaga siya no?"
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, "pero mas mahal ko parin ang sarili ko. Masyado akong maganda para mag-habol lang sa isang lalaki. Dapat ako ang hinahabol."
"Tama!" pagsangayon saakin ni Rui. "Masyado din akong gwapo para mainlove sa isang chimay! Bagay saakin superstar!" dagdag pa niya.
"Sus! Yang dalawang yan? Si Dionne at Jake? Bahala sila sa buhay nila! Hindi sila kawalan!"
"Tama ulit! Hindi sila kawalan dahil sila ang nawalan!!"
Nagkatinginan kami ni Rui at nginitian namin ang isa't isa pero nagulat ako ng agad binawi ni Rui ang ngiti niya at tumingala siya. May namumuong luha sa gilid ng mga mata niya.
"Pero ang sakit no?" sabi niya. "Ang sakit malaman na talo ka na at wala ka nang pag-asa na manalo."
"A-ano ka ba! Wag ka nga magdrama!"
"Pero tama nga sila na hindi lahat nang laban dapat manalo tayo. May mga pagkakataon na dapat din tayo magpatalo---para sa ikabubuti nang lahat."
Agad kong iniwas ang tingin ko kay Rui. Sa totoo lang ayokong aminin na natalo ako at yung tao pang nakatalo saakin ay isang hamak na chimay lang. I acted like I didnt care. Kung hindi ako gusto ni Jake edi wag! Wala rin naman akong planong ipilit ang sarili ko sa kanya.
Akala ko yung mga tao ang pinapapaniwala ko, yun pala pati ang mismong sarili ko.
Tumingin ako sa bintana habang pilit na pinipigilan ang mga luha na gustong kumawala sa mata ko.
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise By Alyloony
Roman d'amourCopy lang po ito... original Author po nito is Alyloony anyway pls join me here Join SOL REPUBLIC's SOLdiers of Sound community of music lovers and use my referral code to earn extra points when you signup: 3CUD-1KXQ Get the app here: iOS: http...