Angel in Disguise - Chapter 58

637 9 0
                                    


Chapter 58

[Venus' POV]

"Naka-leave ako ng three months. Forced leave. May substitute na agad ako doon sa reality show na hino-host ko! Hay naku sana bumaba ang ratings nila," pag-rereklamo ko sa harap ni Dionne. "At dahil sapilitan ang leave ko, dito na muna ako tatambay sa ospital. Para naman kahit papaano eh mahawahan kita ng kagandahan ko."

Nakita kong napa-ngiti si Dionne, "thank you Venus ah? S-salamat kasi lagi mo akong binabantayan."

I rolled my eyes at her, "wag kang assuming. Hindi kita binabantayan. Pampalipas lang kita ng oras dahil bored ako."

Narinig ko naman ang pag-tawa ng mahina ni Dionne, "ikaw 'yung isa sa mga taong in denial sa pagiging mabuti nila."

Dahil sa sinabi niya, pakiramdam ko nag init ang mukha ko and for the first time in my entire life, tinamaan ako ng isang bagay na akala ko eh never kong mararamdaman---ang mahiya.

"S-shut up chimay! K-kung anu-ano ang mga pinagsasabi mo. Kumain ka na nga lang," inilapag ko ang tray ng pagkain niya sa maliitna lamesang naka-patong sa harapan niya.


"Hay naku naman kasi. Asan na ba 'yong boyfriend mong alcohol freak? Ba't ang tagal-tagal bumalik? Ako tuloy ang nag iintindi sa'yo. Imbes na makapag beauty rest ako!"

Paano kasi itong is Jake kinakailangan pumunta sa airport para sunduin si Maisie. Sa totoo lang ayaw niyang umalis sa tabi ni Dionne. Ako lang itong nag pumilit sa kanya na sunduin niya ang kapatid niya tutal siya rin naman ang nagpauwi sa kanya dito. At dahil doon, napilitan na rin akong mag prisinta na mag babantay dito sa chimay na 'to.

Me and my good deeds. Hay.

"Okay lang 'yun. Alam ko naman na gustong-gusto mo akong sinasamahan," naka-ngiting sabi ni Dionne.

I'm speechless! She's sick but she still managed to get into my nerves! This girl! My god!

Napa-hinga na lang ako ng malalim habang tinitignan na masayang kumakain si Dionne habang nanunuod ng T.V.

Sa totoo lang, tama naman siya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako mapakali pag wala ako sa ospital. Lagi kong iniisip si Dionne kung okay lang ba siya.

Paulit-ulit ko kasing naalala lahat ng mga bagay na ginawa ko dati sa kanya.

Hindi iyon maganda. Alam kong ilang beses ko siyang nasaktan both physically and emotionally. Lagi ko siyang napag bubuntungan ng galit.

But still, tinulungan pa rin niya akong makawala sa past ko. Siya ang naging dahilan para gawin ko ang bagay na talagang gusto kong gawin.

I owe her big time. Hindi pa 'to sapat. Hindi pa sapat ang ginagawa ko sa kanya para masuklian lahat ng ginawa niya sa'kin at mabayaran ang mga masasamang bagay na nagawa ko sa kanya. Kulang pa ang panahon na itatagal niya para mabayaran ko lahat. Kulang na kulang.

Napa-talikod ako bigla kay Dionne at napalunok dahil nararamdaman ko ang nag babadyang luha sa mata ko. Nakakainis naman oh. Hindi naman ako iyaking tao eh. Si Jake nga hindi ko masyadong iniyakan eh. Pero bwisit naman. Halos gabi-gabi akong umiiyak dahil kay Dionne.

Sa lahat ng tao, hindi ko expect na yung nag iisang taong kinaiinisan ko pa ang makakapagpa-bago sa'kin.

"Mag pagaling ka," halos pabulong kong sabi sa kanya.

"V-venus..."

"For the sake of Jake... and for the sake of those people na pinapahalagahan ka."

Angel in Disguise By AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon