Angel in Disguise - Chapter 2 *Kiss*

1K 16 2
                                    

  Chapter 2

*Kiss*





[Jake's POV]





"she's Dionne Sy, anak siya ng kaibigan ko. She'll be your P.A from now on"





Tinignan ko yung Dionne mula ulo hanggang paa. Chinita siya at may mahabang itim at straight na straight na buhok. Halatang may lahing Chinese ang isang to.





"hi Sir Jake, nice meeting you po. Sorry pala kanina" nilahad niya ang kamay niya na parang gusto niyang makipag shake hands





I look her hands with disgust "may I ask when is the last time you sanitize your hand?"





"h-ha?"





"kung di mo naiintindihan sa English then itatagalog ko para sayo. Kelan mo huling hinugasan yang kamay mo?"





"Japoy!! Manners!!" saway ni Tito Jin.





Sumimangot ako dahil sinaway niya ako at dahil tinawag na naman niya ako diyan sa stupid nickname na yan. Tong si Tito di nagiingat eh! paano kung may nakapasok na paparazzi dito sa unit ko at nag install ng hidden device para makapag stalk saakin? Paano kung narinig nila ang mabaho  kong nickname? edi yari ako? Sira ang career ko? Tss.






"Japoy it is not right to keep a girl waiting" sabi ni tito habang nakatingin doon sa kamay ni Dionne na nakalahad parin. Dahil wala na kong magawa, hinawakan ko ang dulo ng daliri ni Dionne gamit ang dalawang daliri ko at nakipag shake "fingers" sa kanya while digust is written all over my face. Kadiri talaga. Malay ko ba kung ilang bacteria ang dumapo sa daliri ng babaeng yan. Asar naman oh, kakapaligo ko pa lang nadumihan na ako agad =__=





"be kind to her ok? And wag mo siyang aawayin at pahihirapan ha?" sabi ni Tito Jin "make sure hindi siya magugutom. And also-"





"wait wait wait" pag awat ko kay tito "sino ba ang P.A saamin dalawa? Ako o siya? Bakit saakin mo siya binibilin ha? Sino bang pagsisilbihan dito?"





"oh wag kang magalit! Reminders lang" sabi ni tito





Dionne giggled. Napatingin naman ako sa kanya, at nginitian niya ako.





Creepy, bat parang nagtindigan lahat ng balahibo sa balat ko? This girl is weird.





"oh siya maiwan ko na kayo ha. Jake, wag manyak ok?"





Hindi ko pinansin ang huling sinabi ni tito kaya naman lumabas narin siya ng tuluyan. Ako pa ngayon ang manyak. Tsaka duh! Yang babaeng yan mamanyakin ko? Wag na uy. Di siya  maganda para mamanyak!






"uhmm Jake-"





"call me sir Jake" hinarap ko si Dionne "tell me may kuto ka ba? O hadhad? O alipunga? O putok? Kung meron sabihin mo na sakin agad"





"ha? Wala naman akong mga ganun"





"good. Ayoko ng madumi. Tsaka make sure maliligo ka three times a day and maya't maya kang may dalang alcohol ah? Ayokong magkaroon ng close contact sa taong puno ng bacteria sa katawan. Another thing, mamayang 4pm may mall tour ako. Madaming fans doon, magdala ka ng mga sampung alcohol. Ipapakilala din kita kay Maisie, yung fashion designer namin para alam mo kung ano ang mga damit na aayusin mo. As for now, linisin mo yung living room. And oh, don't you even dare break into my bathroom again!! Any question?!"





"uhmm yes, saan ako pwede matulog?"





"doon sa left side na pinto, diyan ka tutuloy. Yung katapat nun is room ko kaya wag na wag kang papasok doon without my consent!"





"ok! How about yung day-off ko?"





"every Sunday! But be sure to be back at Monday morning"





"ok lang, babalik ako ng Sunday afternoon"





Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya "you mean hindi ka   uuwi sa family mo?"






She just smiled at me then iniba na naman niya ang question "Uhmm another question, ilang taon ka na? ano trabaho mo? Bakit may mall tour ka? Sikat ka ba?"





Halos malaglag ang panga ko doon sa mga question niya. Honestly, wala siyang idea kung sino ang gwapong nilalang na nasa harap niya?! O___O





"takas ka ba sa mental o sadyang weird lang? seryoso kang di mo ko kilala?!"





"uhmm kilala kita, ikaw si Japoy ang amo ko"





"don't you dare call me that specially in public!! I'm Jake Marquez, ang sikat na sikat na artista! Saang planeta ka ba nanggaling?!"





"hehehe sorry di kasi ako nanunuod ng tv eh"





"but still!!"napahawak ako sa ulo ko at parang makukunsumi na ako "hay naku maglinis ka na nga lang! wake me up at 1pm ok? Make sure malinis yang living roon ha?!"





"ok Japoy!" ^__^





Grrr talagang paulit ulit siya sa name na yan ha?! =__=





At wow ang galang! Maka address saakin akala mo close kami! Ni walang 'sir' eh!





Bago pa mas uminit ang ulo ko sa babaeng to, naglakad na ko sa room ko and ni-lock ko ito just in case that weird girl crawl into my room. Pagsamantalahan pa nun ang pagkalalaki   ko, mahirap na no!






Pagkahigang pagka-higa ko sa kama, nakatulog na ko agad dala narin siguro ng matinding pagod.













"Japoy, gising na! japoy!"





Naramdaman kong may tumatapik ng pisngi ko pero di ko pinapansin





"uy japoy! Mamaya ma-late ka niyan sa mall tour mo eh"





"5 minutes"





"hindi pwede baka ma-late ka"





"tsk! Ang kulit mo naman eh!" nagtaklob ako ng kumot. Good thing hindi na ko kinulit ulit nung kung sino naman yun. Now I can rest in peace again-













"HUWAAAAAAAAA SUNOG! SUNOG! MASUSUNOG NA ANG BUILDING! AYAN NA ANG SUNOG LUMALABAS SA REF! HUWAAAAAAA!"





Napatayo ako bigla dahil doon sa sumigaw





"sunog?! Asan?!"





Agad agad kong inalis yung kumot na nakapulupot saakin at nagmamadali akong bumangon sa kama. Halos madapa dapa pa ako. Nakita ko naman si Dionne na nakatayo lang at natatawa tawa





"what are you waiting for?! The building's on fire!!"





"hahahahahahahahha! To naman oh joke lang yun!  

  Di naman nasusunog ang building eh, sinabi ko lang yun para bumangon ka" ^__^v





"ah ganon" huminga ako ng malalim "DO YOU WANT ME TO FIRE YOU?!!!!!"





"hahahahaha highblood oh! Hahahahahaa"





Ay anak ng--!! Tinawanan pa ko?!





"you're such a *toot toot* weird girl!! How dare you *toot toot* tease me with the fire thing?! It's not even *toot toot* funny!!! You're such a *toot toot toot toot toot*" galit na galit kong sabi sa kanya na halos magamit ko na lahat ng curse word na sinabi ko.





At ang ginawa niya?





"hahahahahahha grabe iiyak ang mga anghel pag narinig kang magsalita"





Bat ba ang galing niya mang-asar ha? Gusto ko na tong palayasin kahit first day niya pa lang =__=





"paano ka nga pala nakapasok dito sa kwarto ko samantalang ni-lock ko yung pinto ko!!!"





May inilabas naman siya sa bulsa niya na spare key kaya napapalo ako sa noo ko.





Grabe lang ah! Paano niya naisip na may spare key ang room ko? Freaky. Mamaya magnanakaw ang isang to =__=





Nag-bihis na ako then maya-maya lang, dumating na yung sundo kong van.





"wala ka na ba nakalimutan sa lahat ng pinadadala ko sayo?"

  tanong ko kay Dionne bago kami sumakay





"wala na. Ok na lahat"





"good. Then let's go"



Sumakay na kami sa van. Siya doon sa unahan, ako doon sa likod. Habang nasa byahe, napatingin ako bigla sa may rearview mirror ng kotse at doon, kita ko ang mukha ni Dionne. Ngayon ko lang na pansin, kahit singkit ang mata niya, maganda ito. Tapos yung buhok niya straight na straight na akala mo eh model ng rejoice. Tapos sobrang puti niya though may natural blush ang pisngi niya. Tapos yung labi niya, ang pula, parang---















AH BWISET!!! Bakit ko tinititigan ang weirdong chimay ko? Ewwww ano ba tong nangyayari saakin! Ang cheap! Kadiri! Kinilabutan ako ng husto sa mga inisip ko. Brrrr.







Maya-maya lang nakarating na kami doon sa mall kung saan yung show namin. Madaming fans ang naka-abang sa labas.





"wow Japoy! Ang dami mo palang fans" sabi ni weirdo





"tss don't you dare call me that in public or else I'll kill you" =__=





"hahahahahahaha grabe naman yun XD"





Minsan talaga ang sarap ng i-detach ang lalamunan nito ng di na makatawa forever =__=





Nung pag-baba ko ng van, as usual dagsaan ang mga tao. Buti na lang eh madaming humaranang sa mga ito. Pero syempre yung iba nahahawakan ako sa braso, yung iba naman nakikipag kamay saakin. Jusko naman! Nakaka diri!





"dala mo ba yung alcohol?" pasimpleng bulong ko kay Dionne habang naglalakad kami.





"ah oo"





"good" makaligo nga sa alcohol mamaya bago mag start yung program. Nanlilimahid ako sa mga taong to. Kung makahawak wagas! Kadiri talaga!





"SI MS. VENUS FAIR!!!"





Nagtilian yung mga tao ng bumaba sa van yung leading lady ko doon sa movie, si Venus. She wave and smile sweetly on her fans.





Plastic.





"sino siya Japoy? Ang ganda ganda niya!" bulong ni Dionne





"sus, saan banda?"





"grabe ka Malabo na ata ang mata mo. Ang ganda niya oh! Para siyang Goddess"





OA naman ng isang to. Para saakin, common na ang beauty ni Venus =__=





"oh Jake" tawag ni Venus at tumakbo siya saakin "I miss you babe!"





Babe? Huh? Ano sinasabi nito?





Pero bago pa ko makapag-react, nagulat ako ng bigla na lang pinulupot ni Venus ang mga braso niya sa braso ko at hinalikan ako.











And the next thing I knew, narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga tao kasabay ng mga flash ng camera.  

  


Angel in Disguise By AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon