Angel in Disguise - Chapter 34 *I love you*

555 10 0
                                    


Chapter 34

*I love you*

[Dionne's POV]

"eh sira ka palang alcohol freak ka! Tinatanong mo kung in love ako sayo di ba?! Ayan ang sagot! Oi in love ako sayo!! I hate you!!"

Uwaaaaaaaa hindi pwede to! Hindi pwede to!

Pinunasan ko yung mga luha sa pisngi ko. Ewan ko ba kung bakit ako umiiyak. Siguro dahil sa pinaghalong pagkainis at kahihiyan. This is weird. This is very very weird. Hindi naman talaga ako iyaking tao pero bakit ayaw tumigil ng luha ko ngayon?

At ang nakakainis, bakit ako umamin kay Japoy? Bakit hindi ko na lang idinaan ulit sa ngiti yung tanong niya katulad ng madalas kong ginagawa pag nagtatanong siya ng mga bagay na ayokong sagutin?

Paano pa ako haharap sa amo ko ngayon?

Uwaaaaaaaaaaa anong gagawin ko? T__T

Tumagilid ako ng higa at bigla akong napatingin doon  sa picture frame na nakapatong sa side table ko. Picture namin ni Japoy kasama si Maya. Kinuha ko yung picture frame.

"Maya kamusta ka na diyan sa heaven? Alam mob a nainlove na ang mommy Dionne mo sa Daddy Jake mo... siguro magiging masaya ka no kung pati siya maiinlove din saakin?"

Napangiti ako.

Ano ba tong sinasabi ko. Alam ko naman na kuntento na ako na parating nasa tabi ni Japoy eh. Alam ko na hanggang doon lang naman ang pwede.

Napaka imposible na magkagusto saakin si Japoy. At kung ako papipiliin, ayoko rin naman na magkagusto siya saakin... hindi pwede...

Dahil sa huli si Japoy lang din ang mahihirapan.

Huminga ako ng malalim.

Hay! What's done is done. Nasabi ko na sa kanya eh. Hindi ko na maitatanggi yun. Pero pwede pa naman maging normal ang lahat di ba? Act like nothing happened.

Sana lang wag niya akong sisantehin sa trabaho. T___T

Halos hindi ako nakatulog buong gabi kakaisip sa lahat ng nangyari kaya naman hirap na hirap din ako gumising kinabukasan. Buti na lang at walang naka schedule na lakad si Japoy buong maghapong except mamayang gabi. Kailangan kasi niya umattend sa isang party. Natapos na kasi ang shooting ng pelikula nila kaya naman nag handa ng salu-salo ang network na naghahandle sa kanila.

Nung lumabas ako sa kwarto ko, hindi pa gising si Japoy kaya naman nag luto na lang muna ako ng pancakes para just in case magising na siya, ready na ang almusal niya.

Habang nag luluto ako, kumakanta ako para naman medyo malibang ako at mawala din sa isip ko lahat ng nangyari kagabi.

"Lala lalalala Lala lalala

I like your smile, I like your vibes, I like your style

But that's not why I love you"

Kanta ko habang feel na feel ko ang pag halo ng batter ng pancake.

"And I, I like the way you're such a star

But that's not why I love you

And hey

Do you feel, do you feel me?

Do you feel what I feel too?"

This time, pina-fry ko na yung pancake gamit yung korteng heart na pang hulma. Natuwa naman ako ng makagawa ako ng heartshaped na pancake

"Do you need? Do you need me?

Do you need me..."

Itinapat ko yung sandok sa bibig ko habang ginagaya ko si Avril Lavigne sa pagkanta niya

Angel in Disguise By AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon