Angel in Disguise - Chapter 11 *Mr. Seduction*

808 14 0
                                    


  Chapter 11



*Mr. Seduction*











[Jake's POV]









"ano yan?!" kunot noo kong tanong kay Dionne ng abutan niya ako ng isang garapon ng stick-o





"yung pinapabili mo saakin" nakangiti niya namang sagot





Huminga ako ng malalim at nginitian ko siya "Dionne.." malumanay kong sabi habang ngiting ngiti ako





"yes?" sagot naman niya habang ngiting ngiti din siya

















"SABI KO YOSI HINDI STICK-O!!!!!!!" sigaw ko sa kanya.





Anak ng tilapia naman tong babaeng to eh!! matapos kong malaman yung past niya, pinilit kong maging mabait sa kanya kaso sadyang di ko kaya lalo na sa mga pinag gagagawa nito!! WALA BA SIYANG IBANG ALAM KUNDI ANG PASAKITIN ANG ULO KO?!?!





"oh relax ka lang, lumalaki na naman ang butas ng ilong mo! hahahaha"





"grrrr"  



  "I'll show you the trick" binuksan niya yung garapon ng stick-o then kumuha siya ng isang stick at inilagay niya sa bibig niya in a way na parang isang yosi "see? Ganyan lang yan. May instant yosi ka na, hindi pa masama sa katawan!" masigla niyang sabi saakin





Tinitigan ko si Dionne "pinaglololoko mo ba ko ha?!?!?! pwede ba paki ayos na lang yung gamit ko at lumayas ka sa harap ko bago pa ko hindi makapag pigil sayo!!"





"yes boss!" nag salute siya saakin at umalis na sa harapan ko.





Hay buhay. Sa totoo lang naawa naman ako kay Dionne sa past niya kaso kasi kung titignan mo siya parang normal na siya at di na niya kailangan kaawaan pa! At isa pa BAKIT BA HINDI KO MAPIGILAN ANG SARILI KO NA MAG-INIT NG ULO SA KANYA?!?!?!





Paano kasi lahat pinakelamanan! Hindi ginagawa yung mga sinasabi ko, ang tigas tigas pa ng ulo! Pag pinagalitan mo tatawanan ka lang. Nakakaloko siya!





Para akong nagkaroon dito ng 6 years old na chimay =__=





Tatanda ako ng maaga dahil sa babaeng yun eh. Magkaka wrinkles at puting buhok agad ako! Tss sayang ang gwapo kong mukha =__=





Kumuha ako ng isang stick-o doon sa garapon at ginawa ko yung ginawa kanina ni Dionne dito. Tsk, walang kwenta! Ang layo naman nito sa yosi eh! =__=


  Dahil sa inis, kinagatan ko na lang yung stick-o. Nagulat naman ako ng makita kong naka dungaw si Dionne sa akin





"hehehe sabi sayo eh parang yosi lang din" sabi niya habang nakangiti na parang nangaasar





"HEH! TUMIGIL KA!! BUMALIK KA NA NGA SA GINAGAWA MO!!"





Nakakainit talaga siya ng ulo!! =__=























Kinabukasan, maaga kaming pinapunta ni Dionne sa isang hotel para sa inorganize na "meet-and-greet" ng mga cast ng movie na ginagawa namin para sa mga fans. Yung mga fans na maswerteng nanalo doon sa isang texting game ang i-m-meet namin.





Eto ang pinaka ayoko sa pagiging artista, yung mga ganitong event eh. Kung di lang kailangan, aayaw ako dito! I mean, minsan nakakatakot ang mga fans.. nanunuklaw sila kung minsan eh. Yung iba napaka bayolente. Pag nakita kami, ginagawa kaming Nazareno. Hinahalikan, pinupunasan ng pawis, niyayakap at kung anu-ano pa! Ang dami pa namang nagkalat nag bacteria sa katawan nila! =__=





"dala mo alcohol ko?" tanong ko kay Dionne





Napatakip siya bigla ng bibig at nanlaki ang mata niya "hala!! Nakalimutan ko!!"





Nanlaki rin yung mata ko dahil sa sinabi niya at pakiramdam ko lahat ng dugo sa katawan ko ay umakyat sa ulo ko "NAKALIMUTAN MO?!  ILANG BESES KONG IPINAALALA SAYO YUN TAPOS KINALIMUTAN MO?! ANAK NG--!!"






"Ep ep ep.. relax ka lang.. joke lang yun" inilabas niya yung alcohol sa bag tapos pinakita niya saakin "eto oh. Makakalimutan ko ba naman to?" natatawa tawa niyang sabi saakin





"wag na wag kang mag jjoke ng ganun!!!! Grrrrr!"





"hahahaha eh nakakatuwa kasi talaga ang mukha mo pag nagagalit eh. Ang cute cute mo!"





Napakunot na lang ang noo ko sa babaeng to. Nakaka kunsume na talaga siya!! >__<









Pagka dating na pagka dating namin doon sa hotel, sinalubong agad kami nung photographer and writer ng isang sikat na showbiz magazine kung saan lalabas yung "meet and greet" namin with the fans. Nagpakilala naman sila then hinayaan narin kami makapag ayos after.





Nag tingin tingin ako sa paligid. Himala, hindi kami sinalubong ni Rui ah. Kada dadating kami lagi niya hinahatak si Dionne saakin! wala tuloy akong mautusan palagi >__<





Nagpunta na kami sa dressing room para makapag bihis na ako at pagdating ko doon, wala si Maisie.





"nasaan si Maisie?" tanong ko doon sa isang staff





"ay hindi po makakapasok eh. Masama daw pakiramdam"  

Angel in Disguise By AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon