Chapter 23
*unrecognized feelings*
[Dionne's POV]
"Japoy gising na, kailangan mo ng maligo at malapit narin mag breakfast kaya bumangon ka na!"
Nagtalukbong naman ng kumot si Japoy. At hindi ako pinansin.
Hay buhay, every morning na lang ganito kaming dalawa. Mag se-set siya ng time sa alarm clock niya, babagon siya para patayin pag nag alarm tapos balik ulit siya sa kama at matutulog. Pag ginising ko magagalit siya, pag di ko ginising magagalit parin siya.
At ngayon naman nandito kami sa Subic ganyan parin siya. May certain time lang yung breakfast buffet sa baba kaya naman pag di namin naabutan yun, di na kami makakapag breakfast dalawa! Nagugutom pa naman ako. T___T
"uy japoooooy! Bumanggon ka na! male-late ka na sa shooting mo oh. Dali na!!"
"tss wag ka magulo!!! Anak ng---kita mong natutulog yung tao oh!!" sigaw niya saakin.
See? Galit na naman siya! Ang cute cute talaga ni Japoy, kala mo kinder! ^__^
Hay no choice ako kundi gamitin ang huling alas ko para gumising ang isang to.
Huminga ako ng malalim at itinapat ko ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng bibig ko atsaka sumigaw ng pagkalakas lakas.
"Magnanakaw!!! Magnanakaw!! May nakapasok na magnanakaw!! Uwaaaaaaa ninanakaw na ang mga alcohol ni Japoy!! Uwaaaaaaaaaaa!!"
Nakita ko namang halos napatalon sa kama si Japoy at mukhang gulat na gulat sa pagkakasigaw ko.
"ha?! Magnanakaw?! Nasaan!! Nasaan yung magnanakaw!!" kinuha niya yung lampshade na nakapatong sa gilid ng kama niya "nasaan?!" tanong niya saakin habang lumilingon lingon siya at nakaamba yung lampshade na any minute eh ipangpupukpok niya sa magnanakaw pag nag appear ito.
"joke lang! hehehe. Ligo ka na para makakain na tayo sa baba" sabi ko sa kanya habang ngiting ngiti ako.
Nung matauhan si Japoy sa sinabi ko, ibinaba niya yung lampshade doon sa side table at tinignan ako. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya na dala ng galit na akala mo eh isa siyang bulkan na malapit ng sumabog. But for me he look so cute! XD
"YOU--!!! YOU--!!! ARRGGGGGGGHHHHHHHHH!!! You're making me insane!!!!!" sigaw niya sabay pasok sa loob ng C.R at ibinalabag ang pinto nito na akala mo eh masisira buong resort house na tinutuluyan namin.
Hala napikon ata saakin! O__O
Pero ok lang atleast naliligo na siya, makakakain na kami ng breakfast! ^__^
After maligo ni Japoy, bumaba na kami sa buffet hall para kumain ng breakfast. Nakita naman namin doon sina Maisie at Rui na kumakain narin.
"Dionne-chan!" tawag saakin ni Rui nung mapansin niyang palapit na kami sa kanila "here!"
Inusog niya yung isang upuan para saakin
"s-salamat Rui!" lumingon ako kay Maisie "good morning, Maisie!"
"good morning Dionne! Good morning kuya!" bati ni Maisie saamin
"Dionne-chan, ako na bahala kumuha sayo ng breakfast! Wait lang ha.."
"p-pero--!"
"hay naku Rui may paa yang chimay na yan! Kaya niya kumuha!!" yamot na sabi ni Japoy kay Rui then lumingon siya saakin "ikaw! Kumuha ka ng pagkain ko!" sigaw naman ni Japoy saakin "gusto ko nung bacon, at nung omelet. Tapos garlic rice. Ikuha mo narin ako ng cream of mushroom soup pati tinapay at strawberry jam. Pati pala kape ha!" utos niya saakin
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise By Alyloony
RomansCopy lang po ito... original Author po nito is Alyloony anyway pls join me here Join SOL REPUBLIC's SOLdiers of Sound community of music lovers and use my referral code to earn extra points when you signup: 3CUD-1KXQ Get the app here: iOS: http...