Angel in Disguise - Chapter 41 *beach disaster*

614 14 0
                                    


Chapter 41

*beach disaster*

[Jake's POV]

"oh naayos mo na ba yung mga gamit ko? nag baon ka ba ng madaming sun screen lotion at alcohol? wag mo kakalimutan yun!" sabi ko kay Dionne habang nag hahain siya ng almusal.

"yap! naayos ko na lahat!"

"good!" tinignan ko siya "oh bat parang ang saya-saya mo? kasi pupunta tayo sa beach kasama yang Rui mo?"

Nginitian din ako ni Dionne, "dapat nga kami lang ni Rui eh.." sabi niya

Napakunot naman ang nook o. So gusto nga talaga ng babaeng to na mapagsolo sila ni Rui?! tignan mo yan! Sasabihin niya na may gusto siya saakin pero gusto niyang mapag solo sila ni Rui?! Tss. Sinungaling!

"sorry ka kasama kami ni Venus! pero wag ka mag-alala hindi ko kayo pakikielamanan ni Rui sa beach! bahala kayo mag solo doon! mag so-solo din kami ni Venus!!"

Nawala bigla yung ngiti ni Dionne "uhmm m-may gusto ka ba kay Venus, Japoy?"

Halos mapangisi ako sa tanong ni Dionne. Nagpangalumbaba ako at nginitian siya "Venus is definitely my type. Maganda siya, sexy, magaling humalik, at talented. Bagay na bagay siya sa isang katulad ko di ba?"

Iniwas ni Dionne ang tingin niya saakin "k-kung sabagay.."

"right! kaya naman napaka imposible akong magkagusto sa mga plain looking girls" I told her while emphasizing the word 'pain'

Mas lalong napayuko si Dionne "o-oo nga.. paano ka nga ba naman magkakagusto sa mga simpleng babae" she gave a sad smile "napaka imposible..." sabi niya na halos pabulong na lang.

Tumayo na si Dionne sa kinauupuan niya "uhmm naku kailangan ko na pala mag-ayos, maya-maya dadating na sina Rui para sunduin tayo" dali-dali siyang lumabas ng kitchen ng hindi manlang ako tinitignan.

Nasaktan ba siya sa sinabi ko? Naapektuhan ba siya?

Napakamot ako sa ulo ko.

Bwiset naman! Bat ba pakiramdam ko nakokonsensya ako?! nakakaasar!

"Ok! we're here!" sigaw ni Rui ng makarating kami sa isang private resort sa Bulacan. Dahil weekdays ngayon, saktong sakto at solo namin yung island.

Nagsibabaan na kami sa kotse

"Dionne dalin mo yung gamit ko" utos ko sa kanya

"o-okay" sabi niya at pumasok ulit siya sa sasakyan para kuhanin yung bag ko

"wait" nakita kong lumapit si Rui at hinawakan si Dionne "we all went here to relax... even Dionne. Please naman, sa araw na ito, wag mo muna siyang itratong katulong mo" sabi ni Rui saakin

"teka nga.. eh paki mo ba?! Ako ang nagpapasahod diyan!"

"Jake.. tama si Rui" sabi ni Venus "kaya mo namang dalhin yang bag na yan eh"



Hinarap ko si Venus "since when did you start taking Dionne's side?"

Bigla namang napaiwas ng tingin si Venus saakin. Tsk nakaasar! bat ba nakikielam sila sa inuutos ko?! si Dionne naman ang inutusan ko ah hindi sila!

"hehehehe bubuhatin lang naman yung bag eh" sabi ni Dionne "kayang kaya yan!"

Inumpisahan niya nang kunin yung mga bagahe ko at isinabit isa isa sa shoulders niya. May back pack siya sa likod in which nandun yung gamit niya. Sa kanang shoulder niya nakasabit yung gym bag ko. Hawak naman ng kaliwang kamay niya yung isa pang bag na naglalaman ng mga pagkain na ibinaon ko.

Angel in Disguise By AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon