Angel in Disguise - Chapter 13 *flashback*

869 10 0
                                    


  Chapter 13



*flashback*







[Jake's POV]







"oh Jake bakit ba kanina pa nakabusangot ang mukha mo diyan ha? mamaya mahipan ka ng hangin eh maging permanent na ganyan na mukha mo. Sige ka, hindi ka na bibigyan ng mga projects! Hahahaha" sabi ni Manager Rhian sabay tawa ng pagkalakas lakas.





I just glared at her at hindi na nagsalita. Mas mabuti ng manahimik na lang kesa sagutin ko pa ang isang to! Mala tigre to kung magalit eh! Nakakatakot! Mamaya pingutin na naman ako ng isang to! Ang sakit pa naman mamingot nito =__=





"Jake ni-chan wag ka na kasi sumimangot diyan! Nag enjoy ka naman sa meet and  greet di ba?" sabi ni Rui saakin






"mabait naman yung fan mo" dagdag pa ni Dionne





"HEH! Manihimik nga kayo!!!!! Mukha ba kong nag enjoy ha?! eh kung makayakap saakin yun tila sawa eh! isa siyang makating sawa!!! Isa pa kulang na lang eh hilahin ako nun sa isang liblib na lugar at pagsamantalahan ang pagkalalaki ko!!"





Tinapik ako ni Manager Rhian sa braso "ikaw naman oh! Mahal na mahal ka lang nung fan mo. Ano pangalan nun? France? Binigay ko nga number mo sa kanya eh"





Bigla akong napalingon sa kanya "ANO?!"





"hahahahahaha joke lang! di mabiro ang isang to! O siya order lang kayo ng order diyan ah?" sabi niya sabay tawag doon sa server





Dinala kami ni Manager Rhian sa isang restaurant after ng meet and greet and treat daw niya saamin. Syempre pumayag na ko at nakaladkad pa namin itong si chimay at si Rui. Si Manager Rhian kasi, bukod sa pagiging manager ko ay isa rin siyang sikat na international model. Oo aminado ako, maganda siya at bihira lang ang mga taong sinasabihan ko ng maganda. Pero kahit maganda yan eh pag nagalit siya, akala mo eh bigla na lang nag ttransform na isang tigre kaya naman ang laki ng takot ko diyan. =___=





Pero dahil wala akong nagawa kanina kundi sundin siya, oorder ako ng madami ngayon! Mamulubi sana siya! tutal kanina naman inilagay ko at stake ang pagkalalaki ko. =__=  


  Maya-maya lang din, dumating na yung mga inorder namin. Kumain lang kami habang patuloy naman ng pag kukwento si Manager Rhian sa experience niya sa California ng bigla namang mapunta ang usapan kay Dionne.





"oo nga pala Dionne, gaano na kayo katagal ni Jake? Bagay na bagay kayo ha! itong batang to may ka live in partner na pala hindi manlang nagsasabi saakin!"





Halos maibuga ko yung kinakain ko dahil sa sinabi ni Manager Rhian saakin.





"anong ka live-in partner--?!?!"





"hindi siya ka live in partner ni Jake nii-chan!!" pag putol ni Rui sa sinasabi ko "personal assistant lang siya nito and alam ko grabe siyang pahirapan ni Jake nii-chan! Kaya naman Dionne" humarap si Rui kay Dionne at hinawakan niya ang kamay nito "onting tiis na lang at iaalis na kita sa puder niya. Magiging masaya ka sa piling ko promise!"





"h-ha? hehehe"





"ohh I see akala ko kasi si Jake at si Dionne eh! kayo pala ni Rui?"





"ah n-naku po hindi po" pagkakaila naman ni Dionne





"hindi pa Ms. Rhian  pero malapit na! bridesmaid ka sa kasal namin ha?" sabi naman ni Rui.

Tsk! Hindi sila bagay ni Dionne! Mas bagay sila ng kapatid ko! =___=

"Ikaw naman Jake bakit wala ka pang girlfriend ha? tignan mo naunahan ka na ni Rui!"

"tsk! Di ako interesado!" =__=

"eh? d-diba kayo ni Venus?" sabi ni Dionne kaya naman bigla akong napatingin sa kanya ng masama.

Tokwa naman oh! Nakalimutan ko, pagkakaalam pala ni Dionne eh kami ni Venus! =___=

Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Manager Rhian "Si Venus Fair? Kayo pala?"

Angel in Disguise By AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon