Angel in Disguise - Chapter 31 *trapped*

626 10 2
                                    


Chapter 31

*trapped*

[Maisie's POV]

"I need you. . . . to help me court Dionne.."

Nag ba-vibrate sa tenga ko ang sinabi saakin ni Rui. Halos mabingi na ako sa kinalulugaran ko. Isang simpleng salita pero para bang isang malaking granada ang sumabog sa tenga ko ng marinig ko ito.

"Maisie-chan. . . .?"

"ah hehe b-bakit k-ka naman s-saakin nagp-papatulong e-eh hindi naman kami masyadong close ni Dionne?"

"wala naman talaga akong ibang malalapitan kundi ikaw eh. I mean, hindi mo naman kailangan gumawa ng paraan para paglapitin kami, I-I just want to ask f-for advice. Sa mga ganung bagay lang"

I force a smile "ah I see. T-then if you need an advice, I'll be there for you"

Nakita kong lumawak ang ngiti ni Rui then bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit.

"thank you Maisie! Salamat talaga ng madami! You'll always be my best-est friend ever!"

Always..

Tama. Ano ba tong iniisip ko? Bakit kahit ilang beses na akong nasaktan lagi na lang akong umaasa na magugustuhan ako ni Rui. Limang taon, limang taon na puro na lang sakit ang naramdaman ko ng dahil sa kanya, but still, sa loob ng limang taon, siya parin talaga ang gusto ko.

Kinagat ko ang labi ko to prevent myself from crying. Alam ko kasi na the moment I cried infront of him, the moment na malaman niyang may gusto parin ako sa kanya, ay yung panahong tuluyan na akong bibigay ng dahil sa sakit.

That night, pinilit kong tumawa at magpakasaya kasama si Rui habang unti unti akong nadudurog sa loob loob ko. Buti na lang nung pauwi na kami, hindi na niya ako pinilit na ihatid dahil pareho kaming may dalang kotse nun.

Pagkasampang pagkasampa ko sa kotse ko, nawala ang ngiti sa labi ko and mas naramdaman ko ang bigat sa pakiramdam ng mga nangyari. Kaso ang nakakapagtaka lang, ayaw ng bumagsak ng mga luhang kanina ko pang pigil na pigil ilabas. Para bang nalipat narin yung mga luhang yun sa bigat ng pakiramdam ko.

Pinaandar ko na yung sasakyan ko then dumiretso na ako sa bahay namin. Pagdating ko naman doon, nagulat ako na nandun parin si Kuya Jake. Mukha atang dito na niya plano matulog ah.

"oh kuya nandiyan ka pa pala" sabi ko sa kanya without looking at him

"hinintay ko sila mommy, hindi pala sila uuwi ngayon" sabi ni kuya saakin

"ah ok. Sige akyat na ako sa kwarto..."

Tinalikuran ko si Kuya Jake at paakyat n asana ako ng bigla niyang hatakin ang braso ko.

"let me guess... may ginawa na naman sayo yung Hapon na yun no?" sabi ni Kuya saakin

"A-ano bang sinasabi mo?" hinatak ko yung braso k okay kuya pero mas hinigpitan niya ang hawak doon

"wag kang magsinungaling"

"a-ano ba kuya Jake! Bitawan mo nga ako! I'm tired and I want to sleep!"

"lagi ka na lang bang aasa?"

Bigla na lang akong natigilan ng dahil sa sinabi ni kuya Jake. Para bang bigla na lang akong natauhan sa tinanong niya saakin. And with that, bumuhos na lang bigla ang luha ko na kanina pa pigil na pigil lumabas sa mga mata ko,

"Maisie..." nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Kuya Jake while tapping the back of my head. Binigyan ko din siya ng isang mahigpit na yakap habang patuloy ang pagiyak ko.

Angel in Disguise By AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon