Chapter 10
*I miss you*
[Maisie's POV]
"Kuya talaga nakakaasar ka! I hate you!" sigaw ko kay Kuya Jake habang kausap ko siya sa telepono
"hay naku Maisie wag ka nga mag inarte. Alam ko naman ngayon eh namimili ka na ng damit na isusuot mo sa date niyo ni Rui"
Tinignan ko yung mga damit na nakalatag sa kama ko "h-hindi no kuya! A-anong sinasabi mo d-diyan! W-wala akong planong pumunta" pagsisinungaling ko sa kanya kahit kanina pa ako namimili ng damit
"oh ganun? O edi hahayaan ko na si Dionne na sumama kay Rui?" tanong ni Kuya Jake saakin
Medyo natigilan naman ako. Sa totoo lang gusto kong sumama kay Rui ang problema hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan. Highschool pa kami nung huli kaming lumabas na kaming dalawa lang. Ilang taon na ang nakakalipas. Tsaka isa pa...
"wag mo na pagisipan Maisie. I'm doing you a favor here kaya iappreciate mo na lang" Kuya Jake told me in the other line
Napabuntong hininga ako "hay sige na nga. Pasalamat ka idol ko si Taylor Swift"
"sus next time wag mong idahilan si Taylor Swift. O sige na naiistorbo mo na ko eh! nagluluto ako"
Natigilan naman ako "ikaw? Kuya? Nagluluto? Teka, di ba kasama mo si Ate Dionne? Bat di siya ang nagluluto?!"
"ha? e-eh a-ano kasi, yung babaeng yun di marunong magluto. Tama! Di siya marunong magluto! Mamaya malason pa ko! Wag ka na nga mag tanong bye!" bigla na lang niya ako binabaan ng telepono.
Problema ng isang yun? Palagi na lang nasa menopausal stage ang lalaking yun. Well ako naman kay Rui lang mataray pero siya sa lahat ng tao eh. Ewan ko ba kung paano ko naging ka-close ang napaka sungit kong kuya.
But oh well, back to business.
Tinignan ko yung mga nakalatag na damit sa kama ko. Hay nakakaasar naman. I'm a fashion expert but how come nahihirapan akong mamili ng isusuot?!
Ano ba kasi magugustuhang outfit ni Rui?
Oh my gosh I'm going insane! Bakit ko ba iniisip ang lalaking yun?! Bakit ko ba pinoproblema kung magugustuhan niya ang damit na isusuot ko?! Eh ano naman ngayon?! May magbabago ba?!
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hay dapat di na ko pumayag na makipag kita sa kanya ngayon eh. Alam ko namang si Ate Dionne talaga ang gusto niyang isama hindi ako.
Pero kasi... namimiss ko na siya.
Nag buntong hininga ako then I grab the simpliest outfit in my bed. Bahala na si batman.
"Hi Maisie" bati saakin ni Rui pagkadating na pagkadating ko sa colesium kung saan mag k-concert si Taylor Swift.
"s-sorry late ako" I told him without looking at his face
"ok lang di pa naman nagsisimula. Tara na sa loob?"
I just nod then pumasok na kami sa loob. Habang naglalakad kami papunta doon sa seat namin, napatingin ako sa kanya and doon ko lang napansin na naka-cap siya and may suot siyang malaking eye-glass. Siguro para hindi siya masyadong ma-identify ng mga tao. Kung iisipin, sikat din si Rui at malamang, baka magtakbuhan sa kanya yung mga tao pag nakita siya. Pero kahit ganyan yung itsura niya ngayon, ang gwapo parin niya sa paningin ko.
"Maisie!" I was back to reality nung biglang hawakan ni Rui ang kamay ko at hilahin ako palapit sa kanya "madaming tao baka mawala ka"
"ah pasensya na"
"ok ka lang ba?" tanong niya saakin
"huh? Ah oo bakit?"
"wala naman, parang kanina ka pa hindi mapakali eh"
"ah wag mo na lang ako pansinin"
Hindi niya na ko sinagot after nun. Hay ano ba to, naiilang naman ako. Hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan si Rui. Ilang taon ding puro katarayan ang ipinakita ko sa kanya. Ngayon lang ulit kami nakalabas ng kaming dalawa lang and swear hindi ko alam kung paano ako makikisama sa kanya.
Nakarating na kami doon sa seat namin at naupo. Medyo malapit kami sa stage and ang ganda ng view sa pwesto namin. Halatang pinagkagastusan niya talaga and nararamdaman ko medyo disappointed siya kasi hindi niya kasama yung babaeng talagang gusto niyang isama sa concert na ito.
We both sat in silent habang hinihintay namin na magsimula yung concert. Tinitigan ko si Rui habang busy siya sa paglalaro ng kung ano sa cellphone niya. 4 years ago, pumunta din kaming dalawa sa concert ng favorite naming band. Hindi pa siya artista noon pero nag momodel na siya. Habang papunta kami sa concert, kwentuhan kami ng kwentuhan. Walang humpay ang tawanan namin noon at napaka komportable ko na kasama siya. But that was 4 years ago when we used to be best friends. Nung mga panahong hindi ko pa naamin sa sarili ko na mahal ko siya.
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise By Alyloony
RomanceCopy lang po ito... original Author po nito is Alyloony anyway pls join me here Join SOL REPUBLIC's SOLdiers of Sound community of music lovers and use my referral code to earn extra points when you signup: 3CUD-1KXQ Get the app here: iOS: http...