Angel in Disguise - Chapter 49 * Instant reunion*

561 11 0
                                    


Chapter 49

[Jake's POV]

"Hindi ako makapaniwala. Hindi talaga ako makapaniwala. Ikakasal ka na kuya? Hindi talaga ako makapaniwala," sabi ng kapatid kong si Maisie na kasalukuyan kong kausap sa Skype ngayon.

"At ano naman ang hindi kapani-paniwala doon?! Sa gwapo kong 'to?!"

"Kung malalanding higad na gold digger ang niyaya mo, hindi na ako magugulat. Pero si Dionne? Papakasalan ka ni Dionne? I can't believe it!"

"At bakit ha?! Eh sadyang mahal niya ako eh kaya pumayag siya!"

"I still can't believe it!"

Tinignan ko ng masama ang kapatid ko mula sa screen ng laptop ko.


"Hindi mo lang matanggap kasi hanggang ngayon, wala kang syota diyan!"

"Oy hindi 'no! May nanliligaw kaya sa'kin dito."

Tinaasan ko siya ng kilay, "nanliligaw? Uso ba 'yan diyan?"

"He's a Filipino at sobrang bait at gentleman niya," naka-ngiting sabi sa'kin ni Maisie.

Napa-iling naman ako, "ngayon pa lang naawa na ako sa lalaking 'yan."

"At bakit naman?!"

"Kasi magiging rebound lang siya."

Napaiwas agad ng tingin sa'kin si Maisie.

"Hindi no..." halos pabulong niyang sabi.

I give her an evil grin, "itsura mo pa lang halatang hindi ka pa nakaka-move on sa Hapon na 'yun. Kung gusto mong alamin kung kamusta na siya, okay na okay lang siya. May bago siyang drama ngayon. Action-romance. Sexy ang leading lady niya at mukhang nagkakaka-mabutihan na rin sila."

"Ewan ko sa'yo kuya! Bye na!" iritang sabi niya at tuluyan nang in-end ang video chat namin.

Ang pikon talaga ng isang 'yun!

Wala na tuloy akong kausap.

Plano ko na sanang mag laro na lang sa laptop ko nang biglang may marinig akong bumagsak na mga kasangkapan sa kitchen ko kaya napatayo ako bigla at dali-dali akong tumakbo papunta doon.

Nadatnan ko naman si Dionne na naka-luhod at nag pupulot ng bumagsak na Teflon pan at chopping board.

"What happened?!"

"Hehe, natabing ko. Sorry po!" naka-ngiting sabi niya habang papalapit ako para tulungan siya.

"Napaka-clumsy mo talaga. Sigurado ka bang gusto mo akong ipagluto ha?"

"Oo naman! Mag-antay ka na lang doon Japoy!" pagtataboy naman niya sa'kin.

"Alam mo, you don't need to do this. Marunong ka man magluto o hindi, papakasalan pa rin kita. Pwede naman tayo mag hire ng taga-luto para sa'tin dalawa. O kaya ng maid."

"No! Ayoko! Si mommy palaging inaalagaan si daddy. Gusto ko ganun din ako sa'yo! Gusto ko mapasaya kita. Alam kong onti lang ang kaya kong gawin kaya nga nag-aral ako talaga para mapag luto kita. Para mapasaya kita."

Napangiti ako sa sinabi ni Dionne at hinila siya papalapit sa'kin.

"May ibang paraan pa naman para mapasaya mo ako eh."

"Ano?" tanong niya sa'kin habang kita ko ang curiosity sa mga mata niya.

Nag lean forward ako at itinapat ko ang labi ko sa tenga niya at bumulong in my most seductive voice, "tara sa kwarto..."

Angel in Disguise By AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon