Angel in Disguise - Chapter 17 *Stolen*

723 23 0
                                    


  Chapter 17



*Stolen*









[Jake's POV]





"uwaaaaaa Daddy tignan mo yung rabbit oh! Ang cute cute cute cute cute" itinapat ni Maya saakin yung hawak hawak niyang rabbit. Tinignan ko naman ito maigi





"may kamukha yan!"





"sino daddy?"





"hmmm" lumingon ako kay Dionne "tingin ko kamukha yan ng mommy mo!"





"huh? Hindi ko yan kamukha no! Ang sama mo talaga Japoy!" sabi ni Dionne habang nakapout "kanina ka pa! lahat na lang ng animal na makita natin sinasabi mo kamukha ko!"





"hahahahahaha eh mukha ka kasing animal!" pang aasar ko sa kanya. Habang naglilibot kasi kami sa loob ng zoo, lahat na lang na puntahan naming animal ay sinasabi kong kamukha ni Dionne. Aba ganti ko sa kanya yun no matapos niya ba naman akong sabihan na kamukha nung gorilla! Hah! Kala niya siya lang magaling mang asar ha! wag niyang minamaliit ang isang Jake Marquez!





"ang bad bad bad mo talaga Japoy!" T___T





"Daddy wag mo awayin si mommy!" saway naman ni Maya  saakin "ang ganda ganda nga ni mommy eh! mukha siyang angel!"






Bigla naman nag smile si Dionne then humarap siya saakin "oo nga Japoy, hindi ka ba nagagandahan saakin?" ^___^





Tinignan ko maigi ang mukha ni Dionne. May singkit siyang mata, maitim at mahaba ang buhok niya na diretsong diretso, she has a rosy cheeks and a very kissable lips. Kung titignan mo ang features ng mukha niya, napaka amo nito at mukhang inosente. Idagdag mo pa yung-adjlsfsalrhfsdlt.. BWISET! Ano ba tong iniisip ko?!





"h-hindi! Hindi ka maganda! Mukha kang animal!!"





Bigla na naman nag pout si Dionne "ang sama sama talaga ni Japoy" T___T





"Daddy! Lagi mo inaaway si Mommy! Dapat sweet kayo sa isa't isa kasi kayo ang mommy at daddy ko! say I love you to mommy na!"





Nagulat naman ako sa sinabi ni Maya "huh?!"





"ah hehehe M-maya! Hindi na kailangan y-yun" sabi naman ni Dionne na mukhang nagulat din sa request nung bata.





Bigla naman lumungkot ang mukha ni Maya "s-sorry Kuya Jake, Ate Dionne... gusto ko lang po kasi m-magkaroon talaga ng mommy at daddy dito. S-sorry po sa mga hiling  ko" malungkot na malungkot na sabi niya






"Maya.." tawag naman ni Dionne dito





Tinignan ko ulit yung bata at mukhang ang lungkot lungkot niya. Tokwa naman oh, bakit ba ko binabagabag ng konsensya dito!!! Nakakaasar talaga! Honestly, ano bang nangyayari saakin at nagkakaganito ako?! >__<





Huminga ako ng malalim atsaka ako tumingin kay Dionne. Hinawakan ko ang kamay niya kaya naman napalingon ito saakin at halatang gulat na gulat na naman sa paghawak ko sa kamay niya.





"J-japoy-"





Nginitian ko siya "Mahal ko, sorry sa pagbibiro ko kanina ah? syempre hindi ko naman talaga meant yung sinabi ko dahil para saakin..." tinignan ko siya sa mata at pakiramdam ko ako ang matutunaw sa ginagawa ko "p-para s-saakin, i-ikaw parin ang p-pinaka magandang babae s-sa b-buong mundo.." lumunok ako "I-I love you"







Hindi sumagot si Dionne instead tinitigan niya lang ako na para bang may lumabas na tentacles sa katawan ko. Her mouth is slightly open. Tokwa tong Dionne na to, nahihirapan na nga akong um-acting kasama siya, mas lalo pa niyang pinakukukplikado lahat dahil sa mga expression niyang ganyan!





I fake a laugh "he-he-he! I-ito talagang a-asawa ko h-halika nga dito!" inakbayan ko siya "w-wag ka na magalit ha?"  

  "I-I love you too, a-asawa ko" bulong ni Dionne saakin





Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napatitig din ako sa kanya. Anak ng tokwa! Bat ba ang akward ng nangyayari saaming dalawa ngayon?! Alam naman naming acting lang to pero bakit nakakailang?! Bwiset!!!





"ang sweet ng mommy at daddy ko!"





Nagkahiwalay lang kami ng tingin ni Dionne ng magsalita si Maya.





"ang sweet sweet talaga ni mommy at daddy!" yumakap saamin si Maya "ang saya saya saya ko dahil may mommy at daddy ako ngayon na sobrang sweet sa isa't isa! Love na love ko kayo"





Napangiti naman ako bigla doon sa bata.





"love na love ka din namin Maya! Love na love na love" sabi ni Dionne dito habang niyayakap niya ito ng mahigpit





"Ako ang baby niyong dalawa ha? promise yan ah?"





"oo naman! Ikaw ang nagiisang baby girl namin ni Dionne" binuhat ko si Maya "uhmm saan mo pa gusto pumunta?"





"ahmmm gusto ko pong makita yung mga dolphins!" sagot niya saakin





"ok then, let's go  to the dolphins!" masigla ko naman sabi dito

Angel in Disguise By AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon