Angel in Disguise - Chapter 40 *questions*

618 14 0
                                    


Chapter 40

*questions*

[Jake's POV]

"oh ano? May bago ka na bang boyfriend diyan ha? May bago nang pumuporma sayo? Nakalimutan mo na ng tuluyan yung Hapon na yun?" tanong ko kay Maisie habang kausap ko siya sa Skype

"kuya naman! Dalawang Linggo pa lang ako dito. Hindi ka naman masyadong excited niyan?!" =___=

Sinimangutan ko si Maisie.

Dalawang Linggo na simula nung umalis yang babaeng yan dito sa Pilipinas. So far nakikita ko namang okay lang siya. At yung Hapon na si Rui naman? Mukhang mas okay na okay din kasi wala naman siyang ibang ginawa kundi ang umaligid sa chimay ko. Tss. =__=

"eh bumalik ka na ulit kasi dito! Feeling ko talaga may gusto sayo yung Hapon na yun, manhid lang siya at nagbubulagbulagan lang sa chimay ko"

Nginitian naman ako ni Maisie "kuya, wag mo nga akong gamitin para ilayo si Rui sa Dionne mo! Kung gusto mo talaga siyang makuha kumilos kilos ka na baka maunahan ka ni Rui. Yung Hapon pa naman na yun, ang daling mahalin"

"h-hoy! A-ano ba yang pinagsasasabi mo! Hindi ko type yung chimay na yun no! Alam mo naman mga trip ko di ba?! Yung maganda, sexy, malaki boobs, yung mga ganun!" =__=


Nagpangalumbaba si Maisie "hmmm kuya ang sweet niyo nung despedida ko. Nung nagsasayaw kayong dalawa"

"heh! Tumigil ka! Sinayaw ko lang siya nun kasi nakakaawa naman at baka mag butas lang siya ng upuan!"

"weh?"

"oo nga! Sige na nga bbye na! may gagawin pa ko!!"

Tumawa ng malakas si Maisie "hahaha sige na kuya bye na!"

Nag log-off na ko sa skype at pinatay yung laptop ko. Bwiset talaga na babaeng yun, sa lahat ng taong i-iissue ako kay Dionne pa? di ba siya nandidiri?! Tsaka di niya naisip na maiinlove lang ako sa babaeng yun pag naging puti na ang uwak?!

Alam ko kung gaano kapatay na patay si Dionne saakin. Well given na ang reason kung bakit. Sobrang hot ko. Kahit si Maria Clara nagiging wild ng dahil saakin. Pero para ako na mainlove kay Dionne?

Sa panaginip lang ata pwede mangyari yun. =__=

Lumabas ako ng kwarto ko dahil nagutom ako at gusto ko ng meryenda. Nadatnan ko naman yung chimay ko na nakaupo sa sofa at seryosong seryoso na nanunuod ng T.V.

Wow ha! Porket nagka rest day ako ng isang Linggo eh magpapakatamad na siya! Bat kesa maglinis siya eh panuod-nuod na lang siya ng T.V?!

"Hoy!" sigaw ko sa kanya "bat ka nanunuod ha! Bat hindi ka gumawa ng gawaing bahay kesa nandyan ka sa harap ng TV at nag wa-waldas ng kuryente ko?!"

"tapos na po ako maglinis ng banyo, sala, at dining room. Kagabi ko pa nalabahan yung mga damit mo at naplantsa ko na sila kaninang umaga. Naigawa narin kita ng meryenda" sabi ni Dionne na hindi inaalis ang tingin doon sa TV "grabe ang ganda naman ng movie na ito..."

Tinignan ko yung pinapanuod ni Dionne. Isang lumang movie na nakalimutan ko na yung title. Napanuod ko na ata to once pero hindi ko nagustuhan kasi napaka drama at puno ng depression ang dala.

"tsk.." sabi ko sabay alis sa sala at pumunta sa kitchen para tignan kung ano yung inihandang pagkain saakin ni Dionne. Nakita ko naman sa isang bowl ang nachos. Kinuha ko ito at inamoy. Amoy normal naman. Mukhang okay lang ang pagkaka luto niya sa beef nito. Buti naman at kahit papaano eh natututo nang magluto ang chimay na yan. =___=

Angel in Disguise By AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon