TPR Chapter 14

3.4K 82 2
                                        

"Oyyy! Andito na ang Baez!"



Masayang sabi ni Tristan, kabarkada namin na pinsan ni Reign nang makita akong papalapit sa table nila. The beat of the music and neon lights welcomed me.



"It's so nice to see you back again at the club Aidy," Cheska said as I kissed her cheeks hello. Girlfriend siya ni Jairus na kabarkada lang din namin. Usually sila ni Abby na girlfriend ni Carlo lang ang kasama pag may session ang magbabarkada


Ngumiti ako sa kanya because yes, it's good to be back in the club. Tinatamad na kasi talaga akong lumabas at uminom after I got a condo, doon lang ako umiinom all by myself.


"Paano ba kasi may project yan si Aidan," nakangising sabi naman ni Trevor bago nilagok ang beer na hawak niya nang makaupo ako sa tabi niya



Malawak na napangisi silang lahat at nagtinginan naman silang lahat sa akin, nagpalakpakan pa sila. Alam nila kung anong ibig sabihin ng project.

"Bad boy," rinig kong sabi ni Jairus na abot tenga pa ang ngiti at umakbay sa syota niya.

I shook my head and I nonchalantly smiled at them, kinuha ko ang baso ng beer na inabot sa akin ni Prince at ininom iyon.

"So who is this girl, man?" tanong ni Carlo sa akin.

"Yan yung kwento kong close friend ng syota ni Reign," pagsabat ni Lester sa tanong ni Carlo pero si Jairus ang kausap. 


"Is that the girl y'all called the great?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Jairus.


So they are talking behind my back ah? Bigla silang nagtawanan lahat na napatawa na lang din ako. They call Zia Zia The Great kasi siya lang daw ang confident na sungitan, pahiyain, at asarin ako.

"Yeah!" Lester bursted out laughing.


"The girl who made Aidan wore the peter pan suit in a birthday party," tawang tawang dagdag na sabi pa ni Prince kaya lahat sila nagtawanan.


Napailing ako, nakakagigil si Zia nung araw na yon! Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa lahat kinabukasan non but nevertheless, I nailed that suit buti nalang may mga babae pang nagwapuhan sa akin nun.

"So ano na ang project?" Cheska asked while she is still laughing. "Is it to let her wear a funny suit in a serious place too?" she added.


Natatawa lang din ako sa mga sinasabi nila and shook my head, tinungga ko agad ang beer. "To make her fall in love within three months but magt-three months na ngayon. Pag nagawa ko yon, the four of 'em would pay me," I answered her.

Napatango tango naman si Trevor. "It was supposed to be one month kaso nung malaman namin na tigre din pala si Zia The Great, eh three months nalang, kung mangyari yon babayaran namin siya tig-iisa ng 5k at kung hindi man mangyayari yon," he eyed at me and mischievously smile "..Aidan will pay us. Each one of us. 10k." he even wiggled his brows

"But.." I was gonna say something nang tumawa si Carlo at maglabas ng cheque.

"But what?! 20k pusta ko jan! Pag hindi nangyari yan, doble babayad mo sa akin Baez." tila nanghahamon pa akong tinignan nito. Napangisi silang lahat sa sobrang intense nang pangyayari at naglabas din ng pera si Cheska na utos ni Jairus.

"10k ang sa akin. Doble din ibabayad mo sa akin Aidan pag natalo ka," sumandal pa si Jairus sa upuan at nagdekwatro.

Napailing ako and pushed their cheques back to them. Binunot ko sa bulsa ko ang tatlong cheke ang tig iisang binigay kay Lester, Trevor at Prince; Reign wasn't with us so I'll give it to him when I see him.

"Ten thousand pesos?" sabay na sabi nang tatlo. Halatang gulat pa silang tatlo na totoong binibigyan ko sila ng sampung libo.

I heaved a sigh and drank my beer bottoms up. Binalik ko kay Jairus at Carlo ang pera nila. "I can't do it. I don't know why pero...."

"Pero ano?!" sabay sabay na sabi nilang lahat.

"Mahal ko na yata si Zia."

The Perfect RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon