I watched Aidan as he sleep na nakashades. I'm sure tulog siya pagod na pagod daw siya kagabi eh, yan lang ang sabi niya baka napagod sa pakikipag sex sa mga babae nya tapos gusto niya daw na umalis sa bahay nila kaya niyaya niya akong pumunta dito sa park view hilltop.
Naka unan lang sya sa bag ko tapos may dala siyang kumot kanina na nilapag niya sa bermuda tapos ginawang higaan habang ako kain lang ng kain sa cheetos na bili namin kanina sa isang convenience shop.
Napatitig ako kay Aidan, ang gwapo ni Aidan matulog, ang tangos ng ilong pero ansama ng ugali, ang kinis pa ng mukha, ano ba skin care nito?
I heave a sigh. Nagpapasama lang yata matulog ang mokong na to eh!
Napatingin ako sa phone ko nang magvibrate ito. I got a text from Noemi kaya binasa ko agad ito.
From: Noemi
"ateng wer r u? Gutom ako, libre mo naman ako pizza oh."
To: Noemi
"with the douchebag. No money."
From: Noemi
"Omaygad! ikaw ah! Puro ka nalang with Aidan these past few days, nakakaloka kayong dalawa! Ateng d pa ako ready maging ninang!"
Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa text nito. Wala naman kaming ginagawang masama ni Aidan at knock on wood, never may mangyayari sa amin no!
To: Noemi
"inamo. Wag ako! Iba nalang! ewan ko ba dito! Gigisingin ko nalang 'to papahatid na ako uuwi, nababagot ako dito, para akong nanay na nagbabantay sa anak na natutulog pwe!"
From: Noemi
"Hala ka!!! San natutulog? Sa lap mo ba? Shet laplapin mo bhe!!!! Laplapan gaming hahaha bongga!"
To: Noemi
"Pakyu po."
Nainis na ako kay Noemi kaya nilagay ko nalang ang telopono ko sa gilid ko.
Napadapo ang tingin ko kay Aidan. Naiirita tuloy ako sa sinabi ni Noemi, tangina laplapan with Aidan, kadiri!
"Hoy Baez gising na!" inis na paggising ko kay Aidan.
"Aidan." I called him again. And again. And again. And again.
"Aidan, gising na!" niyugyog ko balikat nito.
Tulog mantika ang mokong! Kainis naman nitong si Aidan gusto ko na umuwi baka ano pa isipin ng ibang tao kung anong ginagawa namin dalawa.
"Hmmm" he groaned.
Teka, bakit ang sexy? what the fuck? I immediately dismissed that thought off my head.
"Gising na, uwi na tayo."
Nababagot na talaga ako dito at naiinis!
"Hmm?" his eyes were half open.
Niyugyog ko ulit sya sa balikat. Uwi na tayo hoy! Sapukin kita jan eh!" irita kong sabi
"Later Zee." he said in a bedroom voice tapos pumikit ulit ito.
Napasinghap ako nang abutin nya ang kamay ko na pinangyugyog ko sa balikat niya at niyakap ito na parang batang natutulog na yakapyakap ang paborito nitong teddy bear. "
A-Aidan.." I breathlessly said while stuttering.
Gago naman tong si Aidan pinapabilis nalang palagi ang tibok ng puso ko, nararamdaman ko ring namamasa na ang kili kili ko sa kaba.
Bakit parang nanginginit ang mga tenga ko?!
What the hell?!
"Aidan gising na, uwi na tayo," I said almost whispering, pinilit kong sabihin.
I slowly take my hand off him pero mahigpit niya itong niyakap. Ano ba 'tong nararamdaman ko na ayaw ko na tuloy umuwi, ayaw kong kunin sa mga bisig niya ang kamay ko. I want him to hold me, because for once in my life, I never felt like this before. I feel so safe with him. Parang may bodyguard ako lagi. Mula nung birthday nang kapatid niya, lagi na niya ulit akong sinasama but with limitations, pag alam niyang may quizzes or exams ako, maaga niya akong pinapauwi. He even bought me a coffee last week nung nagcacramming na ako. Sinusundo na nya ako sa apartment, hindi nga lang siya nagsstay dahil bawal ang lalaki doon.
AHHHH ANO BA AIDAN! I want to kill you for making me feel this way!
Nabaling ang tingin ko sa phone ko when a notification popped up. It was a text from Noemi.
From: Noemi
"Ang ganda na ni Trish ngayon sa Mindanao no? Nasa Surigao ang gaga nakita ko sa post niya, nagpakulot pa! Ay iba talaga ang bff mo ateng, bongga na!"
I tightly closed my eyes and aggressively na kinuha ang kamay ko sa bisig nya
"Aray Zia! Natutulog yung tao eh!" may halong pagkapikon nitong sabi nang hilain ko ang kamay ko at nasagi ang shades niya. Hindi ko alam kung ano na ba ang dapat kong maramdaman
"Kanina pa kita ginigising jan! Sabi ko uwi na tayo!" singhal ko sa kanya. I rolled my eyes at him atsaka padabog na tumayo at kinuha ang bag ko.
"Tara na! Gusto ko nang umuwi," sabi ko sa kanya atsaka umuna nang maglakad papuntang kotse nya.
Naramdaman ko din naman na nakasunod na sya sa akin. Naiinis na ako sa sarili ko, naiinis ako kay Aidan dahil sa body language nito.
"Problema mo?!" nakatagpo ang kilay nitong tanong sa akin nang makapasok na kami sa sasakyan niya.
I crossed my arms and looked away. "Wala," I said in a cold tone.
Mabuti nalang at hindi na din siya nagsalita pa. Without saying a word I get out of his car as soon as we reached my apartment.
"Zee," tawag nito sa akin nang papasok na sana ako sa gate. Lumabas pala ito sa sasakyan nya, akala ko naman uuwi nadin
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito sa akin nang humarap ako sa kanya.
Walang emosyon ko siyang tinignan. I need to compose myself. I need to get my shit together.
Tumango ako. "Yeah, i'm fine," I casually answered. "Pasok na ako Aidan, uwi ka nadin, pagod ka diba?" I added, tatalikod na sana ako nang magsalita pa siya.
Hindi ba pwedeng umalis na lang siya? Umalis na lang siya sa buhay ko?
"Hey, I'm sorry for what I did earlier," sabi niya na halata sa boses ang sinseridad.
Lumakad ito ng konti dahilan para parang tatlong dangaw na lamang ang pagitan namin.
Tinaasan ko ito ng kilay. "Sorry? Earlier? Why?" I asked, clueless of what he's sorry about. Wala naman yata siyang dapat ipagsorry ah
"Na tinulugan lang kita. Pagod lang kasi ako eh," nakangiting sagot nito sa akin.
Nginitian ko din naman siya. "Ah wala yon. Okay lang yun kaya uwi ka na, pahinga ka na," sagot ko nalang sa sinabi niya, clearly nothing was wrong with what he did earlier.
The wrong thing was the feeling that I've been feeling when I'm with him these past few days at napapatangina nalang ako sa lahat!
Nginitian ko ulit ito. "Sige, pasok na ako. Bye."
Tatalikod na sana ako nang pigilan ako ni Aidan at hinawakan ang balikat ko at pinaharap at pinalapit sa kanya.
Biglang nagsilundagan ang mga organs ko sa buong katawan ko nang maramdaman ko ang labi ni Aidan sa noo ko. Putangina lang talaga ayoko nang ganito! But forehead kisses though, they're the best!
Aidan, please stop making me forget my revenge
BINABASA MO ANG
The Perfect Revenge
ChickLit#BaezSeries4 Isa lang ang motibo ni Zia Delos Santos kay Aidan Jose Baez at iyon ay paibigin at saktan ito dahil sinaktan nito ang best friend niya pero paano kung ganun din ang gusto ni Aidan kay Zia? This is a story that started with a revenge and...
