TPR Chapter 16

3.6K 79 1
                                    

"Mahal mo 'ko?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Hindi ko matanto kung bakit pero ang saya ko, pero isa lang ang alam ko, hindi ako masaya dahil nanalo na ako sa plano ko kay Aidan, pero parang may tumutulak sa akin na ipagpatuloy ang plano, na maging masaya dahil napahulog ko si Aidan sa akin. Ang lalaking nagdulot ng sakit sa best friend ko pero bakit parang iba ang dahilan kung bakit ako masaya. Dahil ba mahal ko na din siya?

"Oo mahal na kita Zee, I just woke up one morning wanting to see you everyday," he sincerely said. "Pinagpustahan ka lang naming apat, na mahulog ka sa akin kasi naman ang snob mo nung una kitang makita," bakas ang lungkot sa boses nito.


Nanlaki ang mata ko at parang uminit ang ulo ko. The hell?! Pinagpustahan lang nila ako?!

"What the fuck? Pinagpustahan nyo lang pala ako?!" inis kong tugon

"No. No." Umiiling pa ito. "Oh, I mean yes, pinagpustahan ka lang namin but I ceased, binayaran ko na silang apat, sabi ko sa kanila talo na ako. I wanted to tell you this, I wanted to be honest with you because that's what mom taught me, na maging tapat sa taong mahal namin. And yes Zee, I love you already."

Speechless.

Ano na gagawin ko?

Ano na sasabihin ko?

Sige na! Aamin na ako, mahal ko din si Aidan.. ewan.. di ako sure.. siguro? Ugh! Nakakabaliw naman 'to!

"Pagkasama mo ba ako parang nagsisilundagan lahat ng organs sa katawan mo?" parang batang walang ka alam-alam kong tanong sa kanya. Tinignan ako nito sa mata at tumango.

"Masaya ka ba pag mag kasama tayo? Yun bang ayaw mo nang umuwi dahil magkasama tayo?" I asked again. He nodded as response.

"Yung gusto mo akong makita araw araw?" tanong ko pa ulit. Tumango muli sya. "Bumibilis ba tibok ng puso mo pag naririnig ang pangalan ko?" tanong ko pa ulit.

Tumango naman sya. "At sumasaya," sagot nito na pumupungay pa ang mga mata."Why are you asking me that questions?" siya naman ang nagtanong sa akin.


I looked away."K-Kasi yan din ang nararamdaman ko" I almost lost my breath when I answered him.

Parang ilang segundo lang ang katahimikan na bumalot sa loob ng sasakyan nang biglang masayang sumigaw si Aidan "WOOOOOOOOOOH!"

The next thing I knew he was hugging me so tight. "Mahal mo din ako? Mahal mo din ako?" masayang tanong nito sa akin. I smiled at him and nodded. "Yes! Yes! Yes! Yes! I knew it you love me too!"

____

From: Aidan
"Come down. I'm at your building, nasa gate ako."

Napataas ang kilay ko nang mabasa ang text ni Aidan, di pa din nagbabago? Walangya padin kung makapagtext, demanding! Bumaba na din ako since tapos naman din ako sa pag-aaral sa library.


"Ziaaaaa!" masayang sabi ni Ella nang magkatagpo kami nang pababa na ako.

We greeted eachother with a beso."Nasa baba prince charming mo!" kilig na kilig pa nitong sabi.

Napatawa na lamang ako. "Pang beast nga lang ugali."

"Asuuuus! Basta sa biyernes ah, yung out of town!"

"Out of town?" kunot noo kong tanong sa kanya. Out of town sa biyernes? Ba't wala akong alam diyan?

"Oo, La Union daw yata sabi ni babe, este Reign eh." sagot nito sa akin. "Sige na Zia, una na ako may second class pa ako eh, see you around!" at umalis na ito. La Union? Out of town? Paano at bakit? Lumakad nalamang ako papuntang gate.

Parang namula ako bigla nang makita si Aidan na nakasandal sa kotse niya na nakashades pa habang naka cross ang paa. Damn! Bakit ang sexy? Bakit ang hot tignan?

Lalapit na sana ako sa kinatatayuan nya nang biglang parang nag init ang dugo ko nang may lumapit sa kanyang mga taga HRM na nakipag usap pa sa kanya, nginitian pa niya ang mga ito at nag "Hi Aidan."

"Hi girls." at hinalikan sa pisngi as goodbye. Ang landi talaga bwesit!

"Hi Zee." he greeted me as soon as I got near him.

I glared at him "Hi girls mo mukha mo!" at naglakad na papauwi. Kabwesit! Ang landi! May pa beso pa silang nalalaman, pwede namang kumaway na lang

"Hoy Zia, problema mo?" sigaw nito mula sa likod ko kaya binilisan ko nalang mag lakad "Zia. Ano ba." inis nitong sabi nang mahapit ang braso ko, hinarap naman ako nito agad sa kanya kaya I grab my hands from him and crossed my arms.

"Aside sa kalandian mo, wala nang ibang problema." sagot ko sa kanya at tinaasan sya ng kilay

"Is it because pinansin ko sila Mitch?" He chuckled. Napairap lang ako. Nakakabwesit, may pa Hi girls Hi girls pang nalalaman.

"Ewan ko sayo!" then I started walking again.

"Zia, there's nothing wrong with that. Mga kaibigan ko lang 'yon." He explained pero patuloy pa din akong naglakad. "Zia, nagseselos ka ba?"


I stopped walking. Natigilan din ako. Nagseselos ba ako? pero nagagalit ako kasi may beso pa silang nalalaman na halata namang nilalandi siya nung mga babae, selos ba iyon?

I faced him. "Bobo ka talagang kumag ka ano?! Sinabi ko na sayong mahal din kita tapos ineexpect mo pa na di ako magseselos?! Ano ako robot para walang maramamdaman?" inis kong bulyaw sa kanya, hindi ako makapaniwalang nasabi ko nalamang iyon.

"Zia, wala akong time sa M.U-M.U na kashittan na 'to." sagot nito sa akin na napasabunot pa sa buhok nya sa inis.

"Wala din akong time sa kashittan mo Aidan!" sigaw ko sa kanya at naglakad na ulit.

Bakit di mo nalang kasi ako ligawan? Bakit di nalang ba kasi naging tayo? Pucha naman oh!

"Sige, tutal matalino ka naman! Sagutin mo na ako Zia!" napatigil ako sa sinabi nito.


Eh hindi ka nga nanliligaw bigwasan kita jan eh!


Naglakad ito patungo sa harap ko, he eyed at me, parehong hinawakan ang mga kamay ko. "Hindi ako marunong manligaw Zee, I know you know me well, I'm just good at having a fubu and I'm willing to change that, just be mine, yung akin lang."

Parang nagmelt ang puso ko sa sinabi niya. Alangan naman pilitin ko si Aidan na ligawan ako diba, I can't change someone, they change themselves. I pouted and answered. "Relasyon naman pinapatagal diba hindi ang ligawan?" mahinang sabi ko. He nodded. "Edi yes, mahal kaya kita, gusto ko lang din na akin ka 'no!" we both chuckled.

Niyakap agad ako nito at hinalikan sa noo . So this is it? Kami na nang taong unang nagparamdam sa akin ng ganito, ang sarap pala sa feeling. Kakalimutan ko na nga lang ba ang plano ko? I heaved a sigh and hug Aidan back.

The Perfect RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon