"Uy, Zia, pinapatawag ka daw ni dean."
Habang naglalakad kami ni Aidan papuntang canteen bigla nalang sumulpot si Micka, one of my blockmates.
"Ngayon?" I asked suspiciously.
Napatingin din si Aidan sa kanya na tila naguguluhan o nagugulat ba.
"Yes. Ngayon ka na pumunta. Importante daw kasi sabi ni dean eh. Actually, kahapon pa nya ako sinabihan eh kaso di ka pumasok sa Anatomy class natin."
Napamura ako sa isip ko, oo nga pala hindi na naman ako pumasok kasi nagpasama si Aidan na mag arcade kasi napipikon daw siya sa bahay nila.
"Sige thank you, Micks!" I smiled at her.
She smiled at us too pero iba yung smile nya kay Aidan. Hindi friendly smile eh at malapad ding ngumiti si Aidan sa kanya gustong gusto naman ng mokong nato
"I have to go now," I told Aidan.
"No," he stopped me.
Napatingin ako sa kanya nang masama at tinaasan sya nang kilay.
"Kakain muna tayo, gutom na gutom na ako tsaka may assignment ako.." he murmured.
Hihilain na niya sana ako pero nagpumilit akong magstay kaya tinabig ko kamay niyang nakahawak sa akin.
"No, Aidan. Alam ko kung anong pag uusapan namin ni dean ngayon and I'm so doomed," I told him, bakas pa sa boses ko ang kaba. I rolled my eyes in frustration, kinakabahan talaga ako
BINABASA MO ANG
The Perfect Revenge
ChickLit#BaezSeries4 Isa lang ang motibo ni Zia Delos Santos kay Aidan Jose Baez at iyon ay paibigin at saktan ito dahil sinaktan nito ang best friend niya pero paano kung ganun din ang gusto ni Aidan kay Zia? This is a story that started with a revenge and...
