TPR Chapter 23

1.9K 36 0
                                    

"Putangina!" 




Napatalon ako mula sa inuupuan ko sa gulat sa sobrang focus ko sa pag aaral as I heard the door shut really hard at ang malutong na mura ni Aidan. Nakauwi na siya, mukhang sa mansion nila galing. I closed my books as he entered our room



"Kumain ka na ba?" napatayo ako at tinanong ito. "Are you okay?" kunot na kunot kasi ang noo nito at namumula pa. Lalapit na sana ako sa kanya nang magsalita ito. 




"Do I look okay, Zia?" tanong nito sabay turo pa sa mukha nya, bakas sa boses ang inis nito, natameme nalang ako. Galit nanaman siya.




Hindi ako sanay na nag aaway kami ni Aidan, minsan lang kasi kami nagbabangayan nadadaan din naman sa lambing at nagiging maayos na din but these past few days, mainit palagi ang ulo niya and I understand, sino ba naman kasing anak ang masisiyahan na makita ang tatay niya na may kahalikan na iba.



Aidan looks up to tito Chaos all his life, bilib na bilib siya sa tatay niya sa pamamahala sa kompanya nila kahit dapat naman si tito Charm ang CEO. He always love how his father loves his mom so much na tila ba mamahaling babasagin na gamit si tita kung ingatan ni tito but it turns out na parang isang kasinungalingan lang pala iyon but I know, deep in my heart, sobrang mahal ni tito si tita, natukso lang talaga siya.




"Love.." hahawakan ko na sana ang kamay nito ngunit pumasok ito sa banyo kaya sinundan ko




"Ano ba kasing nangyari?" I asked. Nag aalala na ako, hindi kasi ako sumama kay Aidan sa pagbisita niya sa kanila kasi may exams kami na kailangan ko talagang aralin.




Napapailing pa ito, nakakuyom ang mga kamay. He gritted his teeth. Nagulat ako nang tumilapon ang lahat na gamit na nasa sink ng bathroom. "She fucking forgave him kasi sa relasyon daw nagpapatawaran! Can't she even realize how stupid she sound?!" mariin niyang sinabi




"Baka kasi.." I was about to speak but he cut me off again




"Dahil daw mahal na mahal niya si papa at kailangan nang mga kapatid ko ng ama! Putangina lang talaga!" bakas sa boses nito na hindi makapaniwala, halos mamula na siya sa sobrang inis. 




He went out of the bathroom at pumasok sa walk in closet sinundan ko naman ito "Harap harapan na siyang ginagago, matagal na siyang ginagago niyan eh patawad lang siya ng patawad sana hindi na lang siya dumating sa buhay namin, lumaki naman kami nang maayos noong limang taon kami ni Nadia eh"

The Perfect RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon