TPR Chapter 17

3.9K 96 3
                                    

Halos lahat nang tao sa nakakakilala at nakakaalam na kami na ni Aidan ay gulat na gulat, mga barkada din ni Aidan hindi rin daw makapaniwala na naging kami 'cause all the time, they thought laro laro lang kay Aidan. Miski nga ako di makapaniwala na kami na ni Aidan, pero sobrang saya ko. I feel so love and secure when I am with him. He is my bliss.

"I knew it, mahuhulog ka sa kanya but omg omg omg! hindi padin ako makapaniwala na kayo na!" kilig na kilig na sabi ni Noemi nang ikwinento ko sa kanila ang pagsagot ko kay Aidan, tumili pa ito.

Natatawa namang umiiling si Bruce. I sighed. "Ewan ko ba, I hate him pero I feel incomplete when he's not around. I don't want to see him but not being able to see him makes me lonely." I stated.

"Oh my gosh girl, in love kana talaga kay papa Aidan!" masaya akong niyakap nito. Napatawa nalang ako sa inaasal ni Noemi, halos abot tenga na ang ngiti nito sa saya para sa akin.

"Pero paano na ang plano mo Zia?" biglaang tanong ni Bruce. Natahimik ako sa tanong nya. Paano na nga ba ang plano ko? Ano nang gagawin ko?

"Syempre naman Bruce, end of plan na, na inlove na ang lola natin eh! Kalimutan nalang ang mga nangyari, hindi naman siguro malalaman ni Trish diba?" sagot ni Noemi sa tanong ni Bruce. Napakibit balikat lang si Bruce. Paano nga ba pag nalaman ni Trish?

"Paano nga ba pag nalaman ng best friend mo?" hinarap ako ni Bruce at tinanong.

I stare at him blankly. "H-Hindi ko alam." I answered kasi hindi ko naman talaga alam kung anong gagawin ko. Baka magagalit sya sa akin? Baka sasabihin nyang trinatraydor ko sya? I heave a sigh.

Tumayo sa pagkakaupo mula sa tabi ko si Noemi at tumabi kay Bruce, hinawakan nito ang magkabilang pisngi ni Bruce at tinignan sa mata. "Baby boy, wag kang nega, nadedetect kong mahal ni Aidan ang kaibigan natin at kung bff talaga nya si Trish, wala lang sa kanya yon, besides, they fell in love unexpectedly. Okay?" pagpapaintindi nito kay Bruce. Tumango naman si Bruce.

Hinarap ulit ako ni Noemi and showed me his sweetest smile. "I am happy for you girl." napangiti naman din lang ako sa kanya, I am so blessed that I have them in my life tapos may Aidan pa, I couldn't ask for more.

Sabay kaming tatlo na napatingin sa phone ko sa mesa na nagv-vibrate. A call from Aidan. "Yieeee, sige na baka hinahanap ka na ng boylet mo!" sabi ni Noemi sa akin, kinuha ko agad ang phone ko at sinagot ito.

"I'll fetch you after your class." sinabi agad nito bago pa ako makapag'hello'

"Magrereview ako sa library pagkatapos ng klase ko." sagot ko dito. I heard him hummed on the other line, tila nag-iisip sa isasagot. "Then I'll come with you in the library. I have to go now, may klase pa ako, I love you."

Parang natuod ako sa sinabi nya, di ko malaman kung dahil ba sa gulat ko na sasamahan nya ako sa library or sa I love you nya. "Hey, are you still there Zee?"

"Huh? Ah oo, oo. Sige." yan na lamang ang nasagot ko. Kinabahan ako bigla.

"I said I love you." sabi pa nito mula sa kabilang linya. I bit my lip sa kaba, I sighed. Ganito naman diba pag kayo na, may mga I love you-han scenarios? Ugh Zia, wag pahalata na di ka sanay magkajowa! Sarap bigwasan nang sarili ko!

"Yeah, love you too." I answered

"San naman galing yan? Bakit love you too lang?" napakunot ang noo ko sa sagot nito. Huh? Anudaw? napa-"huh?" nalang ako sa sinabi nya.

Then seconds later, narealize ko rin what he meant, I chuckled. "I love you, okay Aidan? Masaya ka na?" I rolled my eyes, I heard him laugh on the other line.

"Good girl, I love you ulit, bye," he said before hanging up.

Napangiti ako sa nangyari, it was the first time we bid our I love you's. Ang sarap pala sa pakiramdam, akala ko kademonyohan lang sides ni Aidan, may ganito pa pala? I laughed and went my way to our school dahil may pasok pa ako.

Nang mag alas singko na ay agad na akong nagpunta nang library para magreview sa test ko sa Anatomy bukas, tinext ko nalang si Aidan na uuna na ako sa library, agad akong umupo sa last table na malapit sa counter kung saan nandoon ang librarian kaya hindi masyadong tinatambayan kasi nga terror din ang librarian namin.

Nilagay ko na sa table ang mga pag-aaralan ko, minutes later, I saw Aidan entered the premises. Napasita bigla ang librarian at pinindot ang bell sa library nang kiligin ang mga babae nang makita si Aidan, nakabukas ang isang butones nang polo nya tapos sa isang balikat lang nakahang yung bag nya, damn ang gwapo lang talaga eh, napailing nalang ako. Ngumiti ito nang makita ako at lumapit kung saan ako nakaupo.

Mag ha-"hi" na sana ako sa kanya nang bigla nitong hinalikan ang sentido ko. Ayan ka na naman Aidan eh!! Nararamdaman ko tuloy na umiinit ang pisngi ko.

Umupo ito sa tabi ko at tinignan ang mga notes ko sa mesa "Ang dami naman niyan," reklamo nito.

Napairap nalang ako, "matatagalan ako dito, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya.

Napatagpo naman ang kilay nya. "I just got here and you're now asking me kung hindi pa ba ako uuwi?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

Napatawa nalamang ako, "I mean baka mabobored ka."

"No, I won't be 'cause I'm sleepy and magstudy ka lang, I'll just take a nap." he smiled and winked at me.

He opened his bag at may kinuha ito, parang nagkikislapan ang mga mata ko nang maglabas ito ng paborito kong Cheetos at tubig. He placed it on the table. "All yours," sabi nito.

Malapad akong napangiti "Aweee, thank you!" I gladly stated.

Habang nagbabasa ako sa notes ko napatingin ako kay Aidan na kinakalikot ang bag ko, aside from my binder and bundles of pen, panyo at pitaka na nasa bag ko, wala nang ibang laman so I won't bother. Napatawa nalang ako sa susunod nyang ginawa, ginawa ba namang unan ang bag ko.

"Shhh, matutulog ako wag kang maingay," sabi nito, napatikhim naman ako at napailing nalamang, he laid his head on my bag pero nakaharap pa din sa akin, nanlaki ang mata ko when he reached for my hand and kissed it. "mmmm. I love you," he sweetly said before he closed his eyes. Hawak hawak padin nito ang kamay ko, nasa labi pa din nya ang likod ng kamay ko. I looked at him, why are you like this Aidan?

Hindi ko naiimagine na ganito ka pala ka sweet.

Kaya ba madaming nahuhulog sayo? Aside from may hitsura, may kaya, may topak sa utak pero mabait din naman. I sighed and smiled at him. Tinignan ko ang mukha nito, mula sa kilay, pilik mata, matangos na ilong, mapupulang labi, ang panga, I never imagine I'd love this douchebag.

"Zee.." he moaned. "Staring is rude." sabi nito na hindi padin minumulat ang mga mata, he intertwined our fingers at ginawa itong unan. Napatawa naman ako, kung willing si Aidan na magbago sa pagiging fuckboy niya then I am willing to forget my revenge, too. Matagal na din naman akong nagdrift away sa plano ko.

I have love this man, in a ways that I can't explain.

The Perfect RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon