I comfortably lay on the couch wrapped around Aidan's comfiest blanket like a burrito habang nanonood ng tv, si Aidan naman nasa kwarto may ginagawa yata? but then lumabas ito mula sa kwarto niya at sumandal sa pintuan
"Nag aaya sina Prince, mag iinuman daw." sabi nito sa akin rason upang mapatingin ako sa kanya sabay mute sa tv
"Sure, ano oras ka uuwi?" tanong ko rito, nakatitig naman ito sa akin sabay malokong nakangiti
"ang comfy naman.." dahan dahan itong naglakad papunta sa akin "parang mas gusto ko dito"
"Ahhhh, love!" napasigaw ako sa bigat nito nang tumabi ito sa akin at niyakap ako.
"Ay dito na lang pala ako, sarapppp" sabi nito sabay yakap sa akin ng mahigpit na para akong teddy bear nya, napangiti naman agad ako sa kilig
"Dito ka nalang kaya uminom may whiskey ka naman dyan sa ref diba?" I suggest. Nakaakap pa rin ito sa likod ko at nakapatong ang baba nya sa ulo ko
"Tayo nalang mag inuman para may kasabay ka," I told him nang umikot ako para magkaharap na kami habang nakahiga, tinanggal ko ang kamay ko sa loob ng kumot at niyakap ko ito "di ka na mababagot nyan tas sakin lahat ng pulutan" dagdag ko pa dahilan upang lumapad naman ang ngiti nito. At bumangon kami para mag inuman sa veranda.
Nakapatong ang paa ko sa upuan habang pinapapak ang chichirya, nilalasap ang malamig na hangin at masayang nakatingin sa city lights habang si Aidan naman umiinom lang, minsan nag uusap kami pero nakikipag chat siya sa mga kaibigan niya na inindian niya.
"Nagseselos na daw sila" natatawang sabi ni Aidan at binaba ang cellphone sa lamesa at nilagok ang alak, tumawa na lamang din ako kasi totoo, mula nung nagsama na kami ni Aidan hindi na siya masyadong sumasama sa mga barkada niya eh hindi ko naman pinagbabawalan ayaw niya lang talaga.
Inusog nito ang upuan nya sa tabi ko sabay akbay sa akin at ininom ang whiskey. I looked at him, "kung gusto mo ayain mo nalang sila dito para dito na kayo mag inuman."
Napakunot naman ang noo nito at nilagok muli ang alak. He shook his head and said, "I've been with them for years, sawa na ako sa mga mukha nila," he scoff at pilyo itong nakangiti sa akin "I'd rather be with you right now" at kiniliti ako.
Tangina
BINABASA MO ANG
The Perfect Revenge
ChickLit#BaezSeries4 Isa lang ang motibo ni Zia Delos Santos kay Aidan Jose Baez at iyon ay paibigin at saktan ito dahil sinaktan nito ang best friend niya pero paano kung ganun din ang gusto ni Aidan kay Zia? This is a story that started with a revenge and...
