TPR Chapter 5

9.6K 195 4
                                        

Dalawang araw ang makalipas nung una kaming mag tutor kuno ni Aidan at dalawang araw ko na din siyang di pinapansin o sinasagot ang mga texts at tawag niya. Manigas siya! May plano na ako. I devilishly laugh in my head.

"Zia! Sa sabado ah!" pagpapaalala ni Ella sa akin.

"Oo nga! Dapat malaking party ah! Madami akong iimbitahin!" Nakangisi kong sabi sa kanya.

Nanlaki ang mga mata nito. "Seryoso?! Mangiimbita ka?!" hindi makapaniwalang tanong nya pero halata sa mukha ang pagka excite gustong gusto niya kasi na magkafriends ng marami

Mayaman kasi si Ella kahit dugyutin and kahit na college na kami uso pa din yung pambubully dahil lang sa itsura, ewan ko ba sa ibang tao hindi na iniwan sa high school ang ganyang pag uugali but I guess, ganito talaga sa malaking syudad.

I smirked. "Yes! Lahat iimbitahin ko..."
______________________________

"But Zia! That girl is stupid!"

"yeah! she's like so weirdo!"

"and she's so like mabaho ang armpit!"

They all hissed.

Kinakausap ko ang mga kaklase kong mga ang aarte na puro kagandahan ang inaatupag. Diring diri pa sila nang sabihin kong may party si Ella and they are invited.

"Take it or leave it. You'll miss the Aidan Jose Baez," nakangisi kong sabi sa kanila.

I was about to turn around nang pigilan nila ako, hindi lang ng isang tao but parang halos sila lahat buong room hinawakan ako. Ganyan ba talaga ang impact ni Aidan sa mga babaeng 'to? Gold ba tite nun?

"HE'S COMING?!" sigaw nilang lahat na halos di magkaundagagang makahinga sa sobrang excite.

"Yes!" I shrugged my shoulders nonchalantly.

"Oh my gosh! You can count on us!" they happily shrieked.

_____________________________

"Zia! Turuan mo na ako oh!" Pagpipilit ni Aidan sa akin na turuan ko siya sa assignment niya. "dalawang araw mo na akong di pinapansin eh!" patuloy pa din ako sa paghindi pansin sa kanya. 

"Zia naman.."

"Zia..."

"Aidan! Tahimik please!" naiinis na sabi ko kay Aidan.

"Galit ka ba sakin dahil sa ginawa ko sayo nung Tuesday?" tanong nito.

Actually... hindi.

"Hindi!" tipid kong sagot.

"Weh? Galit ka eh!"

"Hindi nga!"

"Galit ka kayaa.."

"Hindi nga!" inis kong sagot dito.

"Galit ka eh!"

"Punyeta! Edi oo na! Push mo pa yan!" singhal ko sa kanya.

Napakunot nalamang ako ng noo ko nang bigla naman itong tumawa ng napakalakas. Okay? Bangag lang?! Pinapakain ba 'to sa kanila?

"You're funny," he burst out laughing. He immediately composed himself when I glared at him. "Okay, babawi nalang ako sayo. I'll do anything wag lang magpakamatay! Gagawin ko lahat ng gusto mo!" he said confidently while grinning.

Umupo ito ng maayos at hinarap ako, parang aso pa itong sinabihan ng sit na nakatingin sa akin na tila ba naghihintay na bigyan ng treat.

Napangisi ako. "As innn?! Lahat talagaaa?" tanong ko dito habang malaki padin ang ngiti sa mukha. Excitement was visible in my voice.

He winked at me and let me see his toothpaste-commercial-like teeth. "Uh-huh!" he wiggled his brows at tumango tango pa ito.

I couldn't help but smile dahil sa saya na nararamdaman ko.

"Go to Ella's party with me. Sa Masked Party Club. Dapat naka costume ha! I'll count on you Baez" sabi ko rito with matching caress pa sa makinis nitong mukha sabay kindat.

Nakangising kinuha ko agad ang binder notebook nito para ako na mag-sagot sa assignment niya.

I saw his face, it was so full of emotions. Gulat, di alam ang gagawin, excited, takot etc. I smiled and began walking away.

Sa akin ang huling halakhak.

The Perfect RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon