"Tinamaan na ang walangyang manyak sa barkada?! Wow naman!" pumapalakpak pa si Reign nang sabihin niya yan matapos sabihin ng tatlo sa kanya ang sinabi ko kagabi sa club.
"Wooh! Ten thousand! Out of town tayo pagkatapos nang exams?" Masayang sabi ni Trevor at sobrang lawak pa talaga ng ngiti nila.
Tuwang tuwa din naman silang apat na umagree pa at nagplano na kung saan sila mag o-out of town. Napapailing na lamang ako sa mga utak nilang apat.
Napatingin ako sa relo ko at sakto din namang mag aalas tres na, tapos na klase ni Zia ngayon tapos ang last class niya mamaya pang six to eight. Pwede pa na gumala yon ngayon kaya pupuntahan ko nalang. Tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse ko at cellphone sa mesa.
"Aidan? Saan ka papunta?" rinig kong tanong ni Prince nang magsimula na akong maglakad. Tinuro ko nalang ang gate, katamad magsalita eh.
"As usual, susunduin si Zia." sagot naman ni Reign dito.
Hindi ko na tinext si Zia na susunduin ko siya para surprise, may cheetos naman ako sa backseat na paboritong paborito niya iyon. As I reach their building I waited at the main gate of Medical Building para hintayin lumabas si Zia.
Thirty minutes lang akong maghihintay sa kanya, paglumampas, kokotongan ko talaga yon.
May pumaradang sasakyan sa harap ng sasakyan ko na sa may gate talaga nakatapat. Didn't he read the sign Dont Block The Driveway or is he blind? Are people really that stupid?
Napadapo na lamang ang mga tingin ko sa babaeng papalabas ng gate na may kausap sa telepono, napangiti ako nang makita si Zia, bababa na sana ako ngunit sumakay ito sa sasakyan na naka parada sa harap ng main entrance gate.
What the fuck?
_____
From: Aidan
"Go to the quadrangle around 3pm. I know you're in our building doing some research at siguro naman tapos na kayo jan around 3pm dba?"
Binalik ko nalang sa bulsa ko ang cellphone ko atsaka nagpatuloy sa ginagawa namin dito sa building nila. Tatlong araw ko nang di nirereplyan si Aidan at di pinapansin. May mga post tests din kasi kaya okay na din.
"Okay, we're all done here kaya see you all in class?" sabi ni Leah atsaka nag goodbye na din kami sa isa't isa.
Gusto ko sanang pumunta sa quadrangle but I refuse to. If I continue feeling like this when I'm with Aidan then I must stop this revenge nalang. Ayoko naman matulad kay Trish na magiging tanga lang sa estipudong pag ibig na'to.
Papalabas na sana ako sa building nila nang makita ko si Lester. Pareho kaming nagulat nang makita ang isa't isa.
"Oh Zia!" bati nito sa akin, ngumisi na lamang ako nang yakapin ako nito. "It's so nice to see you again. Akala ko magkasama kayo ni Aidan? Nasa quadrangle sila ngayon eh. Tara I'll come with you." pagyayaya nito sa akin. Maglalakad na sana ito ngunit napailing ako at nginitian siya
"Ah hindi na Lest, papauwi na din k-kasi ako eh. Ah sige bye, ingat," pilit ulit akong ngumiti sa kanya at kumaway na lamang at mabilis naglakad papalayo sa kanya. Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas ng building ng mga Engg at Arki. I heaved a sigh. Thank you po mahal na Panginoon!
"I told you to come to the quadrangle, didn't I?"
I gasped hard as I heard his voice behind me, so close behind me. Dahan dahan akong napalingon ako sa kanya na agad din naman nagtagpo ang kilay ko nang makita siya. Bakit pawis na pawis siya at tila hingal na hingal pa?
BINABASA MO ANG
The Perfect Revenge
Chick-Lit#BaezSeries4 Isa lang ang motibo ni Zia Delos Santos kay Aidan Jose Baez at iyon ay paibigin at saktan ito dahil sinaktan nito ang best friend niya pero paano kung ganun din ang gusto ni Aidan kay Zia? This is a story that started with a revenge and...
