"Guys, girlfriend ko."
Wait...
Girlfriend?!
Napatingin ako kay Aidan sa gulat atsaka pinanlakihan siya nang mata. I felt him pinch my waist a little and smiled at me as if saying "sumakay ka nalang, please."
Sinamaan ko siya nang tingin. Ugh Zia, heto din naman plano mo diba?! Kaya umo-o kana lang! Easy lang din naman 'tong pamilya niya!
I faced his family and smiled at them. "Good afternoon po," I greeted.
"Oh my gosh! halika hija," pagtawag sa akin ng babaeng tumawag kay Aidan na Aidy kanina. I felt relieved when Aidan finally let go of my waist. I smiled as I walked towards her.
"I'm Casey. Just call me Tita Casey, that'll be fine" she introduced herself. Napatango nalamang ako.
"I'm Lucho, tito Lucho, the celebrant," pagpapakilala din ng lalaking nakakarga kay Chanty.
"Oh! Hello po and happy birthday po, sorry wala po akong mabibigay sa inyo," I sounded apologetic.
"No worries young lady, your presence is enough," he assured me and even winked at me.
Napangiti nalamang ako. Sabagay, anyayayaman narin ng mga 'to para tumanggap pa ng gifts pero ambabait nila, anlayo layo sa ugali ni Aidan. Ugaling hinayupak!
Bigla namang may nagsulputan na mga bata, yung tatlong bata na mula sa playground.
"Hi I'm Adrian," pagpapakilala nang isang batang lalaki na kamukha ni Aidan, naglahad pa ito ng kamay niya. I think he's about thirteen or fourteen years old. I chuckled at inabot ito at kinamayan siya. "I'm Aidan's brother," he added.
Napatango nalamang ako, I was right. Adrian, Aidan almost magkatugma names nila and they have the same eyes.
"I'm Nardan," pagpapakilala din ng babaeng halos kamukha nadin ni Aidan.
BINABASA MO ANG
The Perfect Revenge
Literatura Feminina#BaezSeries4 Isa lang ang motibo ni Zia Delos Santos kay Aidan Jose Baez at iyon ay paibigin at saktan ito dahil sinaktan nito ang best friend niya pero paano kung ganun din ang gusto ni Aidan kay Zia? This is a story that started with a revenge and...
