"Oh Aidan, tapos na yang assignment mo sa Algebra. Tanda tanda mo na di mo pa alam yan sus," litanya ko at agad na binigay kay Aidan ang notebook niya.
Nagtututor ba kami o taga answer lang ako ng assignments ng kumag nato?! Dali dali lang ng mga assignment nya, para ngang kahit high school makakasagot niyan eh
"Hay salamat naman at tapos na kayo! Tara Aidan, Zia, kain muna tayo jan sa labas," pag-aaya ng isang kabarkada ni Aidan na si Prince.
"Salamat nalang. Busog pa kasi ako tsaka may lakad din kami ng kaibigan ko eh," I politely said.
"With Ella?" biglang tanong ni Reign. "Tara sama na kayo, libre ko."
"Dude? Seriously?! Ella sucks as fuck," Trevor answered dahilan para magpakunot ang noo ko at tiningnan ko ito ng masama
"Hoy kaibigan ko si Ella ah!" saway ko sa mga ito.
Ngumiti naman ang mga ito at nag peace sign pa, inirapan ko nalang.
Flock together talaga sila magkakaibigan eh, mga barumbado ang ugali.
"Alis na ako. Salamat nalang Reign," pag papaalam ko, nginitian ko pa si Reign kasi siya lang ang mabait sa kanila at agad na akong umalis.
Di na ako nagpaalam kay Aidan, ewan ko ba dun simula nung birthday ni Ella, di na sya nakikipag usap sa akin.
Natatawa naman ulit ako pag naaalala ko iyon, ang epic ba naman kasi ng mukha nya that time! Naka peter pan suit?! Like seriously?! Mukha siyang timang.
Kinuha ko ang phone ko and dial Bruce's number. After three rings ay sumagot na agad ito.
"Oh, t-tapos na ba ka-klase m-mo?"
"Oo, sunduin mo na ako, gutom na bespren mo eh."
Narinig ko pa ang tawa nito sa kabilang linya. "5 minutes."
I nodded even though he can't see me and ended the call.
Wala pang five minutes ay nasa harap ko na ang sasakyan ni Bruce. Tatlo kami noon eh including Trish, taga sundo namin si Bruce, bigla nalamang kaming naging magkaibigan tatlo kasi si Bruce and Trish magkababata then Trish and I were roommates.
"Giiiirl, I miss you!" sigaw ni Noemi na nasa backseat.
Nagulat ako nang makita ko ito pero napangiti naman agad ako at binesohan agad siya.
Si Noemi na ang kapalit ni Trish kasi noon hindi naman gaano sumasama si Noemi sa amin.
"Hoy kumustamos? Si Aidan? Yang mission niyo?" tanong ni Noemi mula sa likod.
I keep my gaze on the road, napakibit balikat nalamang ako. "Ewan.. Pero magwawagi din ako." I smirked.
My gaze shifted to Brue dahilan para mapakunot noo ako nang makita siya na nagddrive ngunit busy sa phone nya.
"Hoy mahal ang kabaong gago! Magdrive ka nga ng maayos!" saway ko dito.
"Ha? Ay, pasensya na," he apologetically said.
Agad nitong nilagay sa gilid ang phone niya at nagdrive na nang maayos. Napabalik din ang tingin ko sa kalsada.
"Zia, baka n-naman sa gina-ginagawa mo na yan ma-mahulog ka kay A-Aidan ah!" saway ni Bruce sa akin habang nagmamaneho.
Ano ba naman nasa isip ng mga 'to. Not everyone will fall for Aidan's charm, not me, never.
"Oo nga te," Noemi added.
Kahit hindi ko man lingonin ito sa likod ay alam kong tumatango tango pa ito. Napailing na lamang ako in disbelief and rolled my eyes.
"Sa lalaki talagang yun? There are seven billion people in the world at wala akong plano na kay Aidan mahulog. Kung si Trish nagpakatanga sa kanya, pwes ako hindi! Papaibigin ko lang naman siya eh pagnanalo na ako, iiwanan ko siya. I will be his most painful karma" inis kong sagot as I nonchalantly shrugged my shoulders.
Agad na kaming nag park sa parking bay ng KFC at agad pumasok na sa loob. Gutom na din ang mga alaga ko sa tiyan eh.
When we entered the door my jaw just dropped.
Isang malaking..
WHAT THE FUCK?!
"te, totoo ba itong nakikita ko?" I spoke as I caught my breathe.
Parang nabato ako sa kinatatayuan ko. Uwi nalang kaya kami at sa bahay na ako magprito ng manok?
"Ang alin teh? Na makakakain ka na talaga sa spicy chicken na ine-endorse ni Daniel Padilla?" tanong ni Noemi.
Napakunot naman bigla ang noo kong tinignan ito "Ulul," sabay batok ko dito.
"Ella with Reign?" my heart dropped.
BINABASA MO ANG
The Perfect Revenge
Chick-Lit#BaezSeries4 Isa lang ang motibo ni Zia Delos Santos kay Aidan Jose Baez at iyon ay paibigin at saktan ito dahil sinaktan nito ang best friend niya pero paano kung ganun din ang gusto ni Aidan kay Zia? This is a story that started with a revenge and...
