Eight years ago, yes, eight years ago, pinaalis ako ni Aidan kasi sabi niya papatawarin niya ako if I leave and I did because I love him so much that I'd do anything para patawarin niya ako and I always pray every day that he'll find it in his heart to forgive me.
Oo, masakit na nawala si Aidan sa buhay ko kasi siya lang ang nagparamdam sa akin ng ganun at kahit gusto ko pa gumawa ng paraan para maging maayos kaming dalawa naaawa na din ako sa sarili ko, patuloy lang kasi kaming magkakasakitan kaya sinunod ko ang gusto niya, umalis ako kahit hindi ko naman talaga gusto.
I have to embrace discomfortability so I can move, so I can forgive myself, so I can have peace.
Noong araw na iyon tinawagan ko ang tatay kong matagal na akong pinipilit na sumama sa kanya sa Ireland. I don't talk that much about my family kasi nasasaktan pa din ako sa ginawa ng tatay ko sa nanay ko.
My dad works and lives in Ireland— may vineyard at ranch siya. Noong naging maayos na ang buhay niya sa Ireland pinilit na niya akong sumama sa kanya pero nagagalit ako kasi wala na siyang pakialam kay mama pero mahal pa din naman daw niya ito, I guess their love wasn't enough at all for them to stay together. Pati na din ang nanay ko pinipilit akong sumama sa tatay ko kasi doon daw mas gaganda ang buhay ko kaya I accepted my dad's offer eight years ago and I am now here living in Ireland.
"Good morning, doc." napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko ng kumatok si papa na may dala pang kape.
I smiled at him– Okay na kami ni papa, wala na akong nararamdamang galit sa kanya at tanggap ko nang hindi na sila magkakabalikan ni mama.
"Pa, intern pa lang ako wag masyadong excited" sabi ko pa rito. Umupo ito sa kama ko at inabot sa akin ang kape ko– nag aaral kasi ako ngayon na nakaupo sa kama.
"Doctor pa din yon." naiiling na tumawa nalang ako then I sip my coffee. "Okay ka lang ba talaga dito?" tanong ni papa, mula sa pagbabasa ng libro ko ay napatingin ako sa kanya then I nodded
"Of course, okay na okay." I confidently answered. Halata kasi sa mukha nito ang pag aalala sa akin
"Ayaw mo ba talagang sumama sa akin magbakasyon muna sa Pilipinas?" umiling ako bilang sagot. "Bibilhan kita ng kahit anong bag o sasakyan na gusto mo." he grinned and wiggle his brows, tumawa ako sa sinabi nito.
"Pa, hindi na ako bata for you to bribe me that way" natatawang sagot ko. I then heave a sigh at nginitian ito, hinawakan ko ang mga kamay niya "papa naman, makakahintay ang Pilipinas sa akin, yung duty ko hindi." I laughed again and rolled my eyes.
I can always go back to the Philippines, ayaw ko lang talaga. I promised myself na pag okay na ako, uuwi ako sa Pilipinas at walong taon na ang lumipas pero hindi pa din ako nakakauwi kahit pakiramdam ko na okay na ako kasi natatakot ako na baka pag makita ko na siya doon ko marerealize na hindi pa pala talaga okay.
"You and your excuses talaga." umiiling pa ito. Hinaplos niya ang mukha ko, bakas sa mukha niya ang pag aalala sa akin "nak, you can't just keep acting like he doesn't exist at all. You can't just turn the tv off pag binabalita ang mga achievements niya o kaya hindi basahin ang mga articles tungkol sa kanya, sikat na business man at engineer ang ex mo sa buong mundo, hinding hindi mo siya matatakasan; paano ka magiging okay nyan pag ganyan ang ginagawa mo? Akala ko ba sabi mo na you have to embrace uncomfortability to be able to move?" napahinga akong malalim sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Perfect Revenge
Chick-Lit#BaezSeries4 Isa lang ang motibo ni Zia Delos Santos kay Aidan Jose Baez at iyon ay paibigin at saktan ito dahil sinaktan nito ang best friend niya pero paano kung ganun din ang gusto ni Aidan kay Zia? This is a story that started with a revenge and...
