I went home immediately after that scene para kausapin si Aidan pero wala siya sa bahay namin. I waited for him ngunit hindi siya umuwi, kahit tawagan ko man siya ay nakablock ang number ko. His friends won't answer me, too, tanggap kong galit sila sa akin pero gusto kong sabihin sa kanila na totoo lahat ng pinakita ko kay Aidan, the only thing that I lied to him is about the revenge at ngayon I have to accept the consequences of my own actions.
Three days passed ngunit hindi pa din siya umuuwi at alam kong sobrang kapal ng mukha ko kasi nananatili pa din ako sa condo ni Aidan pero hinihintay ko lang talaga kasi siya, nandito pa ang mga gamit niya so naniniwala akong babalik pa siya at kahit gustuhin ko man na puntahan siya sa mansion nila pero hindi basta bastang nagpapapasok ang guard sa village nila.
Naiinis ako sa mga luha ko kasi ilang araw na akong iyak ng iyak pero hindi maubos ubos ang mga luha ko.
"Oh kumain ka muna.." nilapitan ako ni Noemi, nilapag nito ang sopas sa bedside table at umupo sa kama.
Umiiyak akong nakahiga sa higaan namin ni Aidan habang yakap yakap ang unan niya, this is the only way that I can feel him. I also curl in the warmth of his shirt.
"Ang traydor pala ni Bruce at Trish no?" he said all of a sudden, frowning at napailing pa.
Totoo naman kasi na trinaydor nga nila ako, nirerecord na pala ni Bruce ang mga pinagsasabi ko kaya pala that time sobrang busy niya sa telepono niya.
"We treated them as our friends," he added.
Napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo "Ako lang naman ang trinaydor nila, magkakaibigan pa din naman kayo ah."
Umiling ito and rolled his eyes "haler I don't tolerate. I told you na din na sobrang tanga mo kasi nagsinungaling ka kay Aidan but I love you—yuck, as a friend ah" he laughed, napangisi naman din ako
"I know masakit ang pinagdadaanan mo at kung iwanan kita baka ano na gagawin mo no" he added.
I pouted, nakakatouch kasi ang sinabi niya at bigla nalang akong naiyak. I'm grateful that Noemi's here at hindi nya pa ako iniiwan
"Oh umiiyak ka na naman gaga kumain ka na nga."
Umupo ako mula sa pagkakahiga at sumandal sa headboard, kinuha ko ang sopas at kumain na din, doon ko lang narealized na gutom na gutom pala ako kasi wala naman akong ganang kumain at habang kumakain I checked my phone at sinubukang tumawag ulit kay Aidan pero naend lang ito agad kasi nga blocked pa din ang number ko. I tried his friends again pero hindi din ito sumasagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/13979525-288-k553642.jpg)
BINABASA MO ANG
The Perfect Revenge
ChickLit#BaezSeries4 Isa lang ang motibo ni Zia Delos Santos kay Aidan Jose Baez at iyon ay paibigin at saktan ito dahil sinaktan nito ang best friend niya pero paano kung ganun din ang gusto ni Aidan kay Zia? This is a story that started with a revenge and...