TPR Chapter 19

2K 41 0
                                        

"You're all dismissed."


I packed my stuff. Palabas na ako ng room namin ng magtext sa akin si Nadia. "Hi Zia, mommy and I missed you so if you are free again today let's eat lunch together. Without Aidan again, of course."


Napangiti agad ako and replied okay kasi wala namana akong pasok. Ilang beses na kami lumalabas tatlo, ika nga ni tita girls' day out pero para kay Aidan girls' day everyday kasi naman lagi nalang kaming lumalabas tatlo.

Ipapasok ko na sana ang phone ko ng biglang tumawag si Aidan. "Hi Z." "Hi A." we greeted in unison.

"Kakatapos lang ng klase ko tapos in 15minutes another class na naman" he informed me.

"Kakatapos lang din ng klase ko, and nagtext si Nadia, maglulunch daw kami tatlo ni tita." sabi ko naman sa kanya habang naglalakad sa corridor.

Narinig kong tumawa ito sa kabilang linya "Ikaw na yata anak ni mommy eh, but whatever, I'm a strong independent man kaya kong ma abandon" ako naman ang napatawa.


"I-di-disown ka na nila" I replied then we both laughed.

"Okay then kakain nalang ako mamaya kasama sila Prince. Update me always, I promise to behave. I love you, Z. Mag-iingat ka."


"I love you too," sagot ko sa kanya at binaba na ang telepono. Nagkita kami nina tita at Nadia sa isang restaurant.

"Hi tita, Hi Nadyyy" I greeted them and kiss their cheeks hello. Bumeso naman din sila sa akin. Tabi kami ni Naida umupo at umorder na agad kami kasi gutom na gutom na si tita.

"So Zia, alam ba ni Aidan na magkasama na naman tayo?" tanong ni tita.

Tumango naman ako "sabi niya nga po ako na yata daw anak ninyo eh" sagot ko na dahilan para mapatawa naman silang dalawa ni Nadia.

"I'm really glad na naging kayo ni Aidan kasi it's like having a sister and a bestfriend all at once!" masayang sabi ni Nadia sa akin at niyakap pa ako.

Nasa Miami naman kasi din si Nardan which is their younger sister kaya hindi sila masyadong magkasama. Dumating na ang pagkain namin then we spent our day together.

"Girls, I have to go now." pagpapaalam ni tita dahil tapos na ang nails niya habang ang mga paa namin ni Nadia hindi pa tapos magpedicure. Nagtaka naman kami "Why? Iiwan mo kami?" gulat na tanong ni Nadia sa nanay niya.

"Of course, may dinner date pa kami ng daddy mo. We missed each other." she gracefully answered at nagflip hair pa ito kaya napatawa ako.

Napangiwi naman si Nadia "date?? magkasama na nga kayo palagi. Isang araw lang nag Singapore si dad"

"What can I do? Hinahanap ng katawan ko ang daddy mo"

"Yuuuck! mom, go away! byeee" tila nasusuka pa ito sa sagot ni tita, tawa lang ako ng tawa. Ang cute naman kasi nila tita at tito, after all these years sweet na sweet pa din sila.

Natatawang bineso ako ni tita. "Bye, Zia. See you around hija. Come to the house some other time, okay?" tumango naman ako at nagpaalam sa kanya.

When tita left bigla nalang nagsalita si Nadia. "Sana makahanap din ako ng ganyan no? Yung parang kila mommy't daddy." she said, napatingin naman ako sa kanya then she looked at me "This generation is so fucked up, Zia. It's either you're the player or you're the one being played." she heave a sigh at binaling ang tingin sa manikyurista. "I always give my one hundred percent when I love, hoping I can have the same love that my parents have." nakikinig lamang ako sa kanya, she looked at me again pero may mga kalungkutan na sa kanyang mga mata. "But I always end up sa mga punyetang lalaki na yan, I am the trophy girlfriend. Syosyotain lang para may maipagmalaki." mapait itong tumawa at umiiling pa.

as cliche as it sounds ang tanging nasagot ko na lamang ay "Baka hindi pa dumadating yung para sayo."

"Baka nga." she answered

Sinundo kami ni Aidan sa nail salon at hinatid na si Nadia sa bahay nila. "Did you have fun?" Aidan asked. Nakangiti akong tumango, ang saya pala sa pakiramdam na tratratuhin ka ng pamilya ng boyfriend mo bilang pamilya din. Pinakita ko sa kanya ang kuko ko sa kamay na may matte black na pintura. Ngumiti naman ito, "I'm glad they're making you feel comfortable."

"Bakit yung ibang babae ba na dinala mo di nila trinitreat ng maayos?" biro ko dito. I looked at him at nakita ang mga ngiti sa labi niya

"Oo, sa dami ba naman ng nadala ko diyan sa bahay" he answered sarcastically, alam niya naman kasi na alam ko na wala pa siyang dinadala sa bahay nila.

"Ayy oo nga pala, sa condo mo lang dinadala" we both laughed, pinisil lang nito ang pisngi ko habang nakatuon pa din ang tingin sa kalsada. Sakto namang nag red ang traffic light, hininto nito ang kotse at binaling ang tingin sa akin.

"Never akong nagdala ng babae sa condo." he said with all honesty, lumapit ang mukha nito sa akin and owned my lips. Kumawala ito at binalik uli ang atensyon sa daan nang bumerde ang traffic light.

"Ako lang naman dinadala nila sa condo nila eh" pagmamayabang nito at malapad pang ngumiti. Napatawa nalang ako sa inis, malandi talaga.

The next day, tumambay na muna ako sa library habang naghihintay kay Aidan. Naglilista ako kung papaano ko bubudgetin ang allowance ko: Groceries, everyday meal, mga kailangan iprint, mga babayarin sa school, pamasahe, and boarding house.

Nagulat ako nang may biglang humalik sa leeg ko mula sa likod ngunit nabalik din ako sa huwisyo ng maamoy ang pamilyar na bango. Obviously, it's Aidan. "Hi, A." bati ko rito.

Umupo ito sa tabi ko, "what's that?" tanong nito pero bago pa man ako makasagot ay kinuha na nito ang notebook ko at binasa ang nakasulat.

"Siguro kukunin ko nalang talaga yung offer sa akin ng kaklase ko na magtutor sa baby brother niya." sabi ko rito, at least may extra income ako.

"....Pamasahe, Boarding house." pagbabasa nito. Binaba nito ang notebook at tumingin sa akin. "You love me, right?" bigla nitong tanong dahilan para magtaka ako at mapakunot ang noo ko. What? Napano nanaman ba ito?

"Oo naman" nagtataka ngunit sinagot ko padin ito

"Alam kong baduy pero Z, you know it's you whom I want to see every morning. Instead of video calling every morning," hinawakan nito ang mga kamay ko bago pa sabihin na "why don't you just live with me?"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "May groceries ako, if you want to share with the expenses, no problem. It's just no more pamasahe, no more boarding house payment. Just more Aidan, more us." pilyo itong napangiti

"You had me at 'more Aidan, more us'." sagot ko rito Abot tenga itong napangiti at niyakap ako ng mahigpit sabay sabing "oh god, I love you so much!" mahal na mahal din kita Aidan, you make me so happy.

The Perfect RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon