"Huy girl, seryoso na talaga kayo ni papa Aidan no?" biglang sabi ni Noemi nang maupo ito sa higaan ko.
Tinutulungan niya ako ngayon na mag impake ng mga gamit ko kasi susunduin na ako ni Aidan by 3pm para lumipat na sa bahay niya.
Napatingin ako sa kanya, "I mean, magiging mag live in na talaga kayo which is good ha, it'll make your relationship stronger." she continued with a smile on her face. Napangiti naman ako, magpapasalamat na sana ako nang bigla itong magsalita ulit. "For sure nakamove on namana si Trish sa kanya tagal na kaya nun diba so okay na talaga!"
Silence filled the entire room, bigla nalang akong nakonsensya. Si Trish ang tumulong sa akin nung bago pa ako rito dahil sobrang probinsyana ko talaga.
"Ahh, sorry. Teka dadalhin mo ba itong night light mo?" pag iiba nito ng usapan, tumayo ito at kinuha ang night light ko na otomatikong umiilaw pag nadidiliman "akin na lang ha!" ngumiti nalang ako at tumango at pinagpatuloy ang pagtutupi.
I'm sorry, Trish, mahal ko na talaga si Aidan.
Lumipas ang oras at natapos na kami ni Noemi sa pag iimpake ng mga damit ko, minutes later Aidan texted na andyan na sya sa labas kaya sinabi kong pumunta nalang sa kwarto.
"Hi, love." pagbati nito sabay halik sa noo ko.
"Love?" tinaasan ko ito ng kilay, expired na ba ang A at Z?
"Yes," he answered and quickly planted a kiss on my lips.
"Guys, please not in front of me!" naiinis na sabi ni Noemi na dahilan para matawa kami ni Aidan.
"Ready?" tanong ni Aidan sa akin, tumango naman ako.
Binitbit na nito ang dalawang luggage ko. Di naman karamihan kasi yung gamit ko dalawang luggage, isang shoulder bag tsaka dalawang box. Nagpaalam na din ako sa mga boardmates ko na hindi ko naman talaga close.
"Wow, bago ang car?" bulong ni Noemi sa akin nang makita namin na bago ang sasakyan ni Aidan. It says Toyota Cruiser sa likod. I shrug my shoulders and mouthed I don't know.
"Baez" sagot nito sabay taas pa ng kilay, oo nga naman Baez pala 'tong jowa ko.
BINABASA MO ANG
The Perfect Revenge
ChickLit#BaezSeries4 Isa lang ang motibo ni Zia Delos Santos kay Aidan Jose Baez at iyon ay paibigin at saktan ito dahil sinaktan nito ang best friend niya pero paano kung ganun din ang gusto ni Aidan kay Zia? This is a story that started with a revenge and...
